Kabanata 15 “I'M sorry, but I'm not into you, Meg.” Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang 'yon na binitawan ni Mikhail kanina. Hindi pa rin makapaniwala ay humigpit ang hawak ko sa sketch pad na dala habang palihim na sinusundan ko siya. Dala-dala niya ang mga papeles na pinirmahan ko upang personal na ihatid sa financial department. Nang akmang dadako ang paningin niya sa direksyon ko ay agad akong nagtago sa gilid ng isang vending machine. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, pero gusto ko lang matiyak na walang ibang babae na umaaligid sa kanya. Bigla tuloy akong napaisip, he is with me almost 24/7. He can't hang out with any woman anymore. Natigilan ako nang makitang may dalawang babae na huminto sa harap ni Mikhail. Hindi ko gaanong marinig sa p

