Pag gising ko ay ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam pero para akong lalagnatin. Bumangon ako sa pagkakahiga ko pero biglang umikot ang paningin ko. Saktong pagbukas ng pinto ay napahiga ulit ako.
"Hey, don't move. You have fever,"
Ani Ahren habang may bitbit na food tray. "Here, I made some mushroom soup for you,"
Inalalayan niya akong bumangon saka siya umupo sa higaan ko at kinuha ang bowl ng mushroom soup. Sinubuan niya ako ng paunti-unti hanggang sa maubos ko ang soup na ginawa niya saka niya ako pinainom ng tubig. Kinuha niya na rin ang gamot at inabot sa akin, kaya ko naman nang inumin yon pero inalalayan niya pa rin ako hanggang sa paghiga ko ulit.
Lumabas na muna siya ng kwarto para kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig at bimpo. Hindi ko na kayang hintayin pa na makabalik siya para mapunasan ako dahil inaantok na ulit ako at mabigat talaga sa pakiramdam.
Third Person's View
Habang hinahanda ni Ahren ang palanggana na may maligamgam na tubig ay bigla namang pumasok si Delancy sa loob ng kitchen.
"Kumusta na si Xiana?,"
"Her fever is getting lower, I just hope that she'll be fine now,"
Tumango lang si Delancy at dumiretso sa may pantry. Aalis na sana siya nang maalala niya si Mason. "Ahren, si Mason ba may naging girlfriend?,"
Nakangiting tumingin si Ahren kay Delancy dahil sa naging tanong nito at alam na ni Delancy ang ibig sabihin ng ngiting iyon. "Tinatanong ko lang!,"
"What? Wala pa akong sinasabi, you're making it obvious," naka ngising sambit ni Ahren. "They were a couple for two years,"
"Two years? Ay pass! Ang tagal din non, baka biglang isang araw maisip niyang hindi pala talaga ako ang mahal niya dahil mahal niya pa ang ex niya," aniya
Ahren looked at her with his brows up. "He confessed already?,"
"Ha? May sinabi ba ako?," patay malisyang tanong ni Delancy
"You just said it, Delancy,"
"Fine, oo umamin na siya. The truth is we know each other for a long time,"
Ahren's forehead creased with that.
"We were batchmates, Ahren," Delancy said. "Kaya hindi na ako nagulat nung pinakilala mo ako sa kaniya, he was the one who's shock because he never thought that we'd see each other again. We had a thing before, back when we were in high school we are known as the 'High School Love Birds' , all of our batchmates are teasing us because we're really like a love birds that can't be separated,"
Ahren continued listening to Delancy's story.
"We are together for more than three years, naghiwalay kami noong fourth year college na kami and it was our choice dahil sa ibang bansa niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. That's why I am asking you if he had an ex then you said that he had and their relationship lasts for two years. Nakakatawa lang na sinabi kong pass dahil baka maisip niya bigla na mahal niya pa ang ex niya pero ako pala ang matagal niyang naging girlfriend," malungkot ang itsura ng mga mata ni Delancy habang nagkwekwento siya. "And then after more than four or five years, I met Demetrius. He made me feel to be loved again kasi simula nung naghiwalay kami ni Mason sinabi ko talaga sa sarili ko na ayaw ko ng magmahal ulit pero binago ni Demetrius ang pananaw kong iyon until I found out na I am his other woman,"
Nanatiling tahimik si Ahren kahit pa tapos nang mag kwento ang kaibigan dahil hindi niya rin alam ang gagawin ngayon. Mason never mentioned about his three year relationship to Ahren and Ahren knows that Mason is really a private person, he will never ask Mason about it.
"I'm sorry to hear that, I didn't know. He never mentioned that to me," mahinahong sabi ni Ahren
Pinunasan ni Delancy ang pisngi niya. "Ano ka ba! Okay lang, wala ka namang kasalanan duon. Hindi mo din naman alam na magkakilala na talaga kami," natatawang sabi niya. "At saka okay lang din-
"Delancy,"
It was Mason. Ahren greeted him when he saw him and Mason did the same thing. "Maiwan ko muna kayo, I need to check on Ivelisse,"
"Delancy, I... I'm sorry. Alam kong nabigla ka sa biglang pag-amin ko but I can't help it, when I see you that day I remembered how I used to take care of you, to sing a song for you so just you can sleep-
"Mason, stop, you're just making it hard for yourself, for us. We both know that you might feel infatuated towards me-
"Soreen, I am not infatuated-
"Lucas, stop this, please. If it's really us... then fate will let us to be together at the right time. Not now but who knows if fate will let us see each other again and it is our time on that day,"
"I... I uh understand now, I'm sorry. Good bye for now, Delancy,"
After Mason bid his good bye to Delancy, she sat down and cried. It's been months since she and Demetrius broke up. Akala niya magiging okay siya dahil kay Mason but she was wrong.
Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Paper planes and porcelain
Smell of rain through the window pane
And the sight of you
Oh, you were a good dream
Hindi na niya alam kung ano bang gagawin niya, bago niya pa malaman na isa siyang other woman ay hiwalay na sila ni Demetrius dahil nahahalata niya na pero nung mag-away sila ay saka lang natanggap ni Demetrius na hiwalay na sila.
I was scared to lose you then
But secrets turn into regrets
Buried feelings grow
Oh, you were a good dream
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pinagtagpo ulit sila ni Mason, noong sila pa lang ni Demetrius ay nagkita na silang dalawa pero ni kaunting pag-uusap ay hindi nila ginawa. Ang sabi ni Mason sa kaniya noon ay sa kaniya pa rin siya uuwi kahit anong mangyari pero nung panahong walang boyfriend si Delancy ay si Mason naman ang may girlfriend at noong panahong si Delancy na ang may boyfriend ay wala namang girlfriend si Mason. Pinagtatagpo sila pero hindi sila magka tugma.
Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?
It feels like she don't have the right to feel loved by a man who will spend the rest of his life with her.
Tangled with another's eyes
Never mind, you were never mine
Glimpse of me and you
Oh, you were a good dream
"Bakit ba kasi ganito ang pag-ibig?," humihikbing tanong niya.
"Ganiyan naman talaga ang pag-ibig, minsan walang kasiguraduhan at minsan naman may kasiguraduhan. Hindi masamang sumubok ulit pero minsan nakakapagod din kapag lagi ka na lang sawi sa tuwing sinusubukan mo ulit,"
Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more?
"Sa tuwing nararamdaman mo nang masaya ka sa taong 'yon saka naman hindi sumasang-ayon ang tadhana pero alam mo ate Delancy, hindi pa huli ang lahat para sa ating lahat dahil may oras pa. Kung natatakot ka dahil baka hindi ka naman talaga mahal ng isang tao, ayos lang dahil parte naman ng buhay natin ang matakot pero lagi mong tatandaan na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan,"
Saad ni Angelo na malayo ang tingin. Mukhang ang isang 'to ay may hinanakit din. Nilingon ni Delancy ang katabi niya na ngayon na si Angelo. "Ayos ka lang ba? What happened?,"
"Hindi ko din alam, ate. Nakakapagod magmahal pero sa tuwing naiisip ko si Athena pakiramdam ko ay ang sarap magmahal, siya yung taong nakapag pabalik sa akin upang magmahal muli," malungkot ang mga mata ni Angelo habang sinasabi iyon
I'd spend a lifetime waiting in vain just to go back to the way we were before
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?
" 'Yong pakiramdam na nawalan ka ng gana sa lahat lahat pero bigla kang may makikilalang tao na magiging tahanan mo na ang sarap laging umuwi dahil sa kaniya pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil bigla kayong paghihiwalayin," aniya pa. "Hindi naman kami pinaghiwalay ni Athena pero minsan nakakapagod din, pero hindi ko siya iiwan kahit ano pang mangyari. Kung iiwan niya man ako, ayos lang sa akin basta hindi ako ang mang-iiwan dahil alam ko naman na kapag iniwan niya ako ay may valid reason siya,"
Is there a lifetime waiting for us?
All this time, I have been yours
"Paano mo nakakayanan na ganon? Hindi ka ba nagsasawa sa ganong set up?," tanong ni Delancy. "Kasi syempre kahit ikaw ang iwan ayos lang sayo,"
Huminga ng malalim si Angelo at tumingin sa kulay asul na langit bago tiningnan si Delancy. "Sa mundong 'to walang kasiguraduhan pero kapag mahal mo talaga ang tao wala ka ng pakialam kahit pa ikaw ang mahirapan, ikaw ang masaktan basta't hindi siya ang nasasaktan at nahihirapan. Gaya nga ng sinabi ko kanina na kahit ako ang iwan basta't hindi ako ang mang-iiwan ay ayos lang sa akin, kaya kong indahin ang sakit kahit pa manghina ako ay kakayanin ko para sa taong mahal ko,"
Sandaling napaisip si Delancy sa mga sinabi ni Angelo, alam niya sa sarili niyang hindi pa siya handang magmahal muli at nanduon pa rin ang takot sa puso niya. "Thank you, Angelo,"
"Wala iyon, ate, kung kailangan mo ng kausap andito lang ako. Mauuna na ako," ani Angelo
Tumango lang si Delancy at pinanood si Angelo na naglalakad palayo sa kaniya.
Maybe in another time or life, Mason...
*****
"Are you sure about this?,"
"This is the right thing that I know, Ahren,"
"You'll leave Delancy? Ganon ganon na lang ba 'yon, Mason? Tatakbuhan mo si Delancy matapos mong umamin sa kaniya na mahal mo siya?," sunod sunod na tanong ni Ahren sa kaibigan niyang nag-iimpake ng gamit
Tumigil sa pag-iimpake si Mason at hinarap ang kaibigan niya. "Hindi naman din madali sa akin na iwan si Delancy pero mukhang kailangan ko muna siyang bigyan ng oras para makapag-isip siya. Binigla ko siya sa pag-amin ko at alam kong hindi niya nagustuhan iyon,"
"We were in a relationship for more than three years back then tapos ngayon ay bigla bigla kong sasabihing mahal ko siya," natatawang sabi ni Mason
Hindi na nagulat si Ahren nang sabihin 'yon ni Mason pero hindi niya ipinahalata kay Mason dahil ayaw niyang masira ang tangkang pag-amin nito sa kaniya ng mga nangyari noon. Hindi na lang siya nagsalita at nakinig na lamang sa kwento ni Mason.
"It was our choice to break up dahil aalis ako ng bansa noon para ituloy sa Canada ang pag-aaral ko dahil 'yon ang gusto ng mga magulang ko. Ayaw niya ng long distance relationship kaya mas pinili na lang namin na maghiwalay, sinubukan kong ipaglaban ang relasyon namin pero siya na ang kusang tumapos non. Ang sabi ko sa kaniya ay uuwi uwi ako pero ayaw niya dahil magastos daw, inintindi ko 'yon dahil alam kong ayaw niyang gumagastos ako ng sobrang mahal,"
Umiinit na ang gilid ng mata ni Mason, palatandaan na kaunti na lang ay maiiyak na siya, Sa muli niyang pagsasalita ay bumiyak ang boses niya.
"H-hindi... hindi ko g-gustong umalis ng bansa noon d-dahil ayaw ko siyang iwan pero siya na ang nagsabi sa akin na t-tumuloy ako dahil daw maganda ang opurtunidad sa Canada. Maganda nga but it feels empty w-without h-her,"
Gusto nang umiyak ni Mason pero ayaw niyang umiyak sa harapan ng kaibigan dahil nahihiya ito. Hiyang hiya siya sa nagawa niya kay Delancy, ang tingin niya sa sarili niya ay walang kwentang lalaki dahil nagawa niya na namang paiyakin ang babaeng mahal niya noon pa man. Totoong nagkaroon siya ng kasintahan makalipas ang ilang taon nang maghiwalay sila ni Delancy pero nung mag tatatlong taon na sila ng kaniyang kasintahan ay nalaman niyang nakatakda itong ikasal sa iba. Pinaglaban niya ang pag-iibigan nila pero natalo siya dahil mahal na pala ng girlfriend niya ang lalaking nakatakdang ikasal sa kaniya kaya nagparaya na siya para sa kasiyahan ng dalawa. Pinili niyang magparaya para hindi na sila mahirapan pa, kita niya rin ang saya ng girlfriend niya noon sa nakatakdang ikasal sa kaniya, ang saya na mas higit pa nung sila pa lamang.
Masakit para sa kaniya 'yon pero naisip niya na mas masasaktan siya kung ipipilit niya pa ang pagmamahal na hindi naman para sa kaniya. Bakit mo naman kasi ipipilit ang pag-ibig na hindi para sayo?
"I don't know what to say, Mason, but I am always here for you. You take care of yourself," ani Ahren
Tumango na lamang si Mason at ipinagpatuloy ang pag-iimpake ng gamit niya. Ihahatid siya ni Ahren sa airport dahil konting minuto na lamang ay kailangan niya ng lisanin ang lugar na ito para makapag isip isip siya ng maayos. Alam niyang hindi ito ang tamang gawin para maayos ang problema niya pero ayaw niya namang istorbohin pa si Delancy dahil nananahimik na ito at ayaw niya na itong guluhin pang muli.
Inihatid na siya ni Ahren sa airport at nagpaalam na. "Pakitingnan tingnan na lang si Delancy, salamat ng sobra sobra, Ahren," anito at may inabot na papel kay Ahren. "Just give it to her, take care also,"
"I will, 'till we meet again, Mason. And I hope that by the time you see each other again, you're both okay,"
Maybe in another life, Delancy...
Bulong niya sa sarili nang maglakad na siya papalayo sa kaibigan niya.
*****
Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Mason sa Pilipinas at ngayon lang din maibibigay ni Ahren ang sulat ng kaibigan kay Delancy.
"Del, he wanted to give you this," ani Ahren at saka iniabot ang sulat
"Ano 'to? Anyways, thank you," ani Delancy
You say you've been overseas
I say over where
You say just a holiday
My Alsatian heir
I say I've been working late, working overtime
Haven't seen the sun since eighty-nine
Iniwan na muna ni Ahren si Delancy para mabasa niya na ang sulat, samantalang pinuntahan naman ni Ahren si Xiana na malungkot ang tingin sa kaibigan dahil nasasaktan ito para sa kaibigan niya kaya naman hinalikan ni Ahren ang gilid ng ulo nito ng makalapit sa kaniya at sabay na umalis para bigyan ng space ang kaibigan.
Does the moonlight shine on Paris
After the sun goes down
If the London Bridge is falling
Will anybody hear a sound
If you follow the sunset will it ever end
Does the moonlight shine on Paris
Hawak hawak ni Delancy ang sulat habang naglalakad malapit sa pond at naupo sa may damuhan. Binuksan niya na ang papel at bumungad sa kaniya ang magandang sulat ni Mason.
My dearest Soreen,
If ever you're reading this letter of mine, I am in Paris already. I chose to be away from you so I can't hurt you anymore. Hindi madali sa akin na iwan ka ulit lalo na alam kong nasasaktan ka na naamn dahil sa akin pero kaya ako umalis para mabigyan ka ng oras dahil ang sabi mo sa akin ay kailangan mo ng oras para makapag isip, alam kong ayaw mo na rin akong makita dahil sa ginawa ko. Mapapagod lang ako pero hindi kita susukuan, siguro tama ka na baka may tamang oras para sa atin at hinding-hindi ako mapapagod para hintayin ang tamang oras na 'yon. Sana pag balik ko jan ay masaya ka na at hindi ka na nasasaktan, kahit hindi mo ako mahal ayos lang sa akin basta alam kong masaya ka sa buhay mo.
Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pang pinipigilan ni Delancy. Gusto niyang matawa dahil naiisip niya na baka ganoon lang talaga kahirap para iwan siya ng isang tao.
Oh and how can you just walk away
Is it something that I said
I see only black and white
You see green and red
You believe in the miracles
Water into wine
I believe it when it makes the New York Times
Alam niyang siya talaga ang problema simula pa lang pero ang tanong sa isip niya ay kung bakit hindi man lang pinaglaban ni Mason ang pag-ibig nito sa kaniya. "Tang ina! Bakit ba hindi mo na lang ako hayaang maging masaya kasama ang taong mamahalin ko?," buong pusong sigaw niya. "Please, if we s-see each other again I hope f-fate will let us to be t-together again,"
Does the moonlight shine on Paris
After the sun goes down
If the London Bridge is falling
Will anybody hear a sound
If you follow the sunset will it ever end
Does the moonlight shine on Paris
will it ever end
Kung maaari ay susundan niya si Mason sa Paris pero iniisip niya na baka ayaw din siyang makita ng lalaki dahil sa katangahang ginawa niya. Ibinalik niya ang pansin sa sulat ni Mason.
Please do not blame yourself for this, I will be back. Hinding-hindi kita susukuan pero kung ikaw na mismo ang may ayaw at gusto akong patigilan ay sabihin mo lang dahil gagawin ko agad 'yon pero sana bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, Soreen. Habang wala ako, piliin mong maging masaya para sa sarili mo. Piliin mo na rin ang sarili mo sa pagkakataong ito dahil pagbalik ko ay baka hindi mo na piliin ang sarili mo pero hindi naman ako papayag na pinapabayaan mo ang sarili mo. Lagi mong tatandaan na hindi masamang piliin ang sarili sa oras na nasaktan ka na ng lahat ng taong nakapaligid sayo.
Mahal kita at sana mahalin mo na rin ang sarili mo, magpahinga ka na muna mahal ko. At sa muling pagbabalik ko ay hindi na ako aalis pa, when I come back, I will spend the rest of my life with you. No more fear, doubt and I will always understand you like before. I am not bad that you pushed me away because I know that you wanted the best for me like before. Please, take good care of yourself while I'm away. 'Till we meet again and I hope that fate will let us to be together at that right time. I love you and I will always do, my Soreen.
Loving you,
Lucas Mason