Today is our picnic with the Lucero's. Gumising talaga ako ng maaga ngayon kahit mamayang hapon pa naman ang picnic dahil kailangan ay nanduon ako sa farm para asikasuhin ang dapat asikasuhin. I just wore a white shirt and a loose jeans which I partnered with a white shoe. I curled my brown hair a little and tied it in a ponytail and left a little strand. I went inside my walk-in closet and find my tote bag, I got the Marc Jacobs tote bag and went out of my walk-in closet.
"Oh, you're up early. May pupuntahan ka?," bungad ng mommy ko sa akin
"Yes ma, sa farm ko ang picnic natin and I should be the one who's going to design it so I'll see you later," I told her
"Okay, take care," she kissed my cheek
I kissed her cheek, too. Pagkarating ko ng farm ay hindi na magkaintindihan ang mga kasama ko kung saan nila ilalagay ang mga gagamitin.
"Ako na bahala," singit ko sa usapan nila
"Hoy, akala ko ay hindi ka pupunta ngayong umaga," bulyaw sa akin ni Del
"Hindi pwedeng hindi ako pumunta ngayon dahil madami akong aasikasuhin," sagot ko sa kaniya
Tinanguan niya lang ako at pinakuha ko ang listahan ng mga kailangan. Inutusan ko sila Angelo at Luis na dahil ang picnic blanket duon sa may golf club dahil duon ko gustong mag picnic lalo na't makikita mo talaga ang sunset kapag hapon na. Kinuha ko na din ang mga rosas at sunflower para makapag design na ako.
Inilatag ko na ang picnic blanket sa gitna at naglagay duon ng vase na may rose at tulip habang ang mga sunflower naman ay inilagay ko sa gilid ng mga unan na nakapalibot sa blanket. Naglagay din ako ng candle light sa palibot at nag hang ako ng mga fairy lights. Sa gitna mailalagay ang mga pagkain at inumin, mabuti na lang at flat ang area nito kaya sigurado akong hindi matatapon o matutumba ang inumin.
Kumuha ako ng red roses at tinanggal ang mga petals nito dahil ilalagay ko sa dadaanan papunta dito, maglalagay din ako ng candle light. And it turned out really nice, kusang iilaw ang mga fairy lights mamaya kapag dumilim na.
"May outfit ka na ba para mamaya?," tanong ni Del nang makita akong tapos na mag design
"Wala pa, wala akong maisip na outfit,"
"Mag simple outfit ka na lang, sis," suhestiyon niya
"Sige, maghahanap na ako ngayon,"
"Ay mabuti naman! Ang tagal mo pa naman makahanap ng damit!,"
Inirapan ko lang siya kaya tumawa siya. "Sige na, uuwi na muna ako at maghahanap ng isusuot,"
"Ingat ka! Sana kinabukasan ay engaged na kayo at hindi na promise ring yang nasa daliri mo kundi engagement ring na," pang-aasar niya pa
"Alam mo, may irereto sana ako-
"Wala akong panahon para jan, Xiana,"
Humalakhak ako dahil sa naging sagot niya at umalis na para makapaghanap ng damit. Mabuti na lang at nakakita agad ako. Kinuha ko ang dress sa closet ko pati na rin ang hat na may ribbon, siguro ay flat sandals na lang ang iteterno ko dito tapos ang tali naman ng buhok ko ay half ponytail tapos lalagyan ko ng bow ang buhok ko.
I hope that this picnic will be memorable and nice. Since it's still early, matutulog muna ako.
*****
We're already here at my farm and my parents are amazed by what it looked. Naglagay din pala ako ng scented candles. We're waiting for the Lucero's to arrived so we can start the picnic and early dinner.
"Ignacio naman! Ano na lang ang sasabihin ng anak mo kapag nalaman niya yan?," I heard my mom shouting. My forehead creased with that. Really? Ngayon pa sila mag-aaway? "Tapos gusto mo pang itago sa kaniya, bibigyan mo ba ng problema ang anak mo?,"
"Xienna, I don't know why this happened,"
"Then figure it out, huwag mong bibigyan ng problema ang anak mo,"
"I will-
My dad's word was cut off by the Lucero's car. Lumabas na din ako sa pinag tataguan kong puno kaninang narinig kong nag-aaway sila mommy at daddy. I saw Ms. Averie with her husband went out of the car, Ms. Averie is wearing a floral dress while her husband is wearing a polo shirt and short pants. I thought they were already with Ahren but only Adelaide went out in the back seat and she's also wearing a floral dress just like her mom.
"Xienna!,"
"Averie,"
They kiss each others cheek. "Where's your eldest?,"
My mom asked and my gaze automatically turned to her way. "Oh, susunod na lang daw siya at may bibilhin pa daw,"
"Then let's just wait for him so we can start the picnic," my mom said. "Have you met my daughter again?,"
"Yes, she's very sweet and fragile, Xienna,"
I cleared my throat and went to them. "Good afternoon po," I greeted Ahren's parents
"Good afternoon, hija," his father greeted me first
"Hi dear, what a lovely afternoon to see a beautiful lady like you,"
I blushed with that but I smiled to hide it. "Thank you po,"
"Hi, Adelaide," I greeted her
"Ate Xi! Hi!," she's really a jolly kid
I just hugged her. "Pwede na po kayong pumunta duon sa may golf club, I'll just wait for Ahren,"
They just gave me a playful smile. What? Bawal ko ba siyang hintayin? Anong gusto nilang gawin ko, tumunganga?
Naglakad na ako papunta sa may gate para abangan siya, para ko naman siyang bubugbugin para abangan siya. Umupo na lang muna ako sa damuhan dito sa may gate habang iniintay ko siya. Nilabas ko ang cellphone ko at nag selfie, I'll just post it later on my ig.
"What are you doing? Aren't you suppose to be inside with them?,"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at awtomatiko akong napatayo nang makita si Ahren, he's wearing a polo shirt and shorts just like his dad. "I-i uh... I'm waiting for you,"
He showed me a playful smile. "Really? Nahuli lang naman ako kasi dala ko ang ibang pagkain and I was the one who prepared it,"
"Sana pina billboard mo," pangloloko ko pa na ikina kunot ng noo niya
"Sure, next time. But I will put your face on that billboard,"
Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, he must be kidding! "T-tara na nga,"
Nauna na akong naglakad at narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya. I know what's the meaning of that, he is not kidding and he might really do it! Nakakahiya! Paano na lang kung ginawa niya talaga? Edi makikita ko ang pagmumukha ko sa billboard at makikita pa ng ibang tao.
"They're here! Dad!,"
"Finally! We can start now,"
"Can you take a photo?," lumapit sa akin si Ms. Averie
"P-po?,"
"Kayong dalawa ni Ahren, mag picture kayo," nakangiting sambit niya
Agad namang tumabi sa akin si Ahren and he put his hand on my waist. "1...2...3... smile!,"
Pagkasabi ng mommy ni Ahren non ay ngumiti na ako at nag flash na ang camera. Pinag pose pa niya kami ng ibang pose bago niya kami tinigilan kuhanan ng picture. Buong picnic ay ang mga magulang lang namin ang nag-uusap habang si Adelaide naman ay naglalakad lakad para daw libutin ang buong farm.
"It's getting darker and the stars are showing up," Ahren said while looking at the stars
"It's nice seeing a view like this, especially if you're too exhausted," I told him
"Let's go somewhere,"
Huh? Saan pa kami pupunta eh andito naman kami sa farm at maganda naman ang itsura ng decorations ko. Impit akong napatili nang hilahin niya ako patayo, hinampas ko ang braso niya dahil duon at tumawa lang siya. Naglalakad kami at hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko habang hila hila niya ako. Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong trail ng petals ng red rose.
Itinuloy ko ang paglalakad at nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Ang itsura niya ay parang yung decorations ko lang pero walang unan at picnic blanket lang ang meron. May konting pagkain at may nakita pa akong bote ng wine pati na rin dalawang wine glass. May nakasabit na fairy lights, may scented candles din at bawat paligid ay may petals ng red rose.
"Here's a bouquet of red roses, pink tulips and baby's breath for you, my Xia,"
Inabot niya sa akin ang bouquet at agad kong kinuha yon. "Thank you,"
"Just sit there on the blanket, I'll just get my guitar," he said
I slowly sat down and waited for him. Nang makuha niya na yung gitara niya ay umupo na rin siya at nagsimulang i-strum ang gitara. "I met you in the dark, you lit me up...You made me feel as though I was enough," he started singing
It was 'Say You Won't Let Go' by James Arthur. I really love this song.
"We danced the night away, we drank too much...I held your hair back when...You were throwing up," he then looked at me while singing
Biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya naman dinama ko ito. "Then you smiled over your shoulder...For a minute, I was stone-cold sober...I pulled you closer to my chest," it feels nice when someone is singing a song for you. "And you asked me to stay over...I said, I already told ya...I think that you should get some rest,"
Knowing that...that someone wants to spend the rest of his life with you. "I knew I loved you then...But you'd never know...'Cause I played it cool when I was scared of letting go," . That feeling that you don't have to doubt about yourself because he was the one who wants to be with you for the rest of your life even if you're not the best. "I know I needed you...But I never showed...But I wanna stay with you until we're grey and old...Just say you won't let go,"
"Just say you won't let go...,"
I know that I am not perfect but he still accepted me for who I am. Despite of what happened years ago, he still want to be with me.
Pumalakpak ako habang nakangiti nang matapos na siya sa pagkanta. "It suits your voice, Ren-Ren," I smiled
May sasabihin sana siya pero natigil yon dahil impit akong napasigaw nang mawala ang ilaw, maging ang apoy sa mga scented candle ay namatay. "Shh, I am here, don't be scared," he hugged me tight
Instead of being scared... I felt safe and secured. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya nang makita kong may umiilaw, it was a firefly! There are lots of them! Ang buong paligid ay napuno ng mga alitaptap.
"It's beauti-
I was cut off by a music, it was a piano cover of It Might Be You.
"May I dance my future wife?," Ahren asked
"Future wife? Hindi ka nga nagpo-propose," singhal ko sa kaniya
He just laughed and take my hand. We slowed dance. He was just staring at me the whole time kaya naman umiwas na ako ng tingin dahil naiilang na ako. "Did you plan this?,"
"Of course, I want to be with you the whole night that's why I asked Delancy for help,"
Sumimangot ako nung marinig ko ang pangalan ni Delancy. It looks like that he is the best friend and it's not me. "Ikaw na ba ang best friend niya?,"
"Of course not, I also asked Angelo, Luis and Athena's help," aniya. "And pinakilala ko din si Delancy kay Lucas,"
Napabitaw ako sa balikat niya dahil duon. "Why?," he asked
"Really?! Pinakilala mo siya kay Lucas?," napisil ko pa ang balikat niya kaya napadaing siya
"Yes, lalabas sila bukas,"
Napatili ako dahil duon at pinilit siyang ikwento sa akin kung paano. Sobra ang kilig ko dahil sa kwento niya. I just hope that Delancy will not rush it. Ang sakit din ng past relationship niya, her ex even promised me that he will never hurt my girl.
"Hoy, saan ka pupunta?," tanong ko sa kaniya dahil bigla siyang umalis sa tabi ko
"May kukunin lang,"
His smile is creepy, geez.
So tutunganga na lang siguro ako dito? Bahala na nga. Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang camera para kuhanan ng litrato itong hinanda ni Ahren, maging ang mga alitaptap ay kinuhanan ko na din ng litrato.
Binuksan ko ang i********: ko at pinost lahat ng pictures. Inuna ko ang family picnic. Sunod ay yung kaming dalawa lang ni Ahren.
xiana_g: picnic with the fam:> ahrenlcr.
delancysoreen commented on your post
delancysoreen: ay may pa ganon, meet the family
Napailing na lang ako nung mabasa ko ang comment niya pero alam kong mas malala ang comment niya sa susunod kong post.
xiana_g: thankies, ahrenlcr. dinner date:)
Mas sumabog pa ang notifications ko dahil duon. At nangunguna talaga si Delancy!
delancysoreen commented on your post
rodriguezmsn commented on your post
ahrenlcr commented on your post
itsmedevereux liked your post
My forehead creased when I read his name on the notifications, he don't react to my post. This is the first time that he react. Mamaya ko na babasahin ang mga comments nila.
"I'm here,"
Nakita ko si Ahren na may dala dalang basket ng---bulaklak? Ano namang gagawin niya jan?
"What will you do with that?,"
Nagulat ako nang ikalat niya yon sa damuhan at naglatag pa ng isang picnic blanket. "Sit here, I'll take a photo of you," aniya at inilabas ang DSLR camera niya.
Nahihiya man ay tumayo na ako at umupo duon sa inilatag niyang blanket. Kung ano anong pose ang pinapagawa niya sa akin, piang cross ko ang legs ko saka niya kinuha ang wine glass at ibinigay sa akin. Ang isang pose ko naman ay nakatayo na ako at may hawak na libro tapos ay pinaglalakad lakad niya ako habang hawak ko yon. Pwede naman pala na ito na lang photographer ko, at least hindi ko na kailangang magbayad.
Ilang minuto din bago kami natapos sa photography kineme na yan. Tinitingnan na namin ang mga kinuha niyang picture ko at napasimangot ako nang makita kong may nakapikit ako at nakanganga ng kaunti. Hindi man lang niya sinabi sa akin na umayos!
"Naramdaman mo ba yon?," tanong ko sa kaniya dahil may naramdaman akong pumatak sa kamay ko
"Ang alin-
"Ah! Ano ba yan!," napasigaw ako nang biglang bumuhos ang ulan
"s**t! Let's go,"
Hinila niya na ako patayo at tumakbo habang hawak niya ang camera niya. Ang clear pa ng sky kanina tapos biglang umulan. Nakakasama ng loob pero habang nababasa na kami ng ulan ay tumatawa pa kami.
Sana laging ganito, laging masaya. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay puro saya lang dahil dadating at dadating ang kalungkutan sa mga buhay natin.
Nang makarating kami sa may pintuan ng office ko ay tumatawa pa rin kami. "That was fun," aniya tinawanan ko lang siya dahil mukhang ngayon niya lang naranasan iyon. "Ivelisse," tawag niya sa akin. "Hmm?," sagot ko sa kaniya. "I love you," aniya saka lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na dumampi sa labi ko.