I woke up with a smile on my face, I am so happy that he came back just like what he promised when we were still young. I went inside the bathroom to take a bath. "Time, I've been passing time watching trains go by," I am singing the song that we sang in Sentinela Beach. "All of my life...Lying on the sand watching seabirds fly,"
I continued singing until I finish taking a bath. "Wishing there would be someone waiting home for me... Something's telling me it might be you," This song is really nice. "It's telling me it might be you... All of my life,"
Hanggang sa makalabas ako ng kwarto ay kinakanta ko pa rin iyon. "Yeah, it's telling me it must be you," Oh to be love by him. "All of my-
"You're too happy my love,"
"Mommy! Good morning!," I greeted her. Her brows furrowed but I just smiled at her. "When's the picnic again?,"
"Next week, anak,"
What? But I have a client next week. Napanguso ako bigla. "Why? Hindi ka ba makakapunta?," tanong ni daddy
"I wish I could but I have a client, dad,"
Hindi rin naman ako sigurado kung mommy ba talaga ni Ahren ang client ko dahil kung mommy niya iyon ay mas okay pa. But they said that it's our family friend and it was my friend back then and it must be Ahren.
"Then if kaya mo pang humabol, pumunta ka," ani dad
Tinanguan ko lang siya at kumain na ng breakfast. "Saan pala ang venue?," I asked and grab my glass to drink water
"Wait, let me see. Oh sa farm mo, here in Batangas,"
Naibuga ko ang iniinom ko kaya napatili si mommy. "Xiana! What's with that?," tanong niya
Oh my goodness! "I'm sorry mommy, nabigla lang po ako,"
Hindi niya na ako pinansin at tinuloy na lang ang breakfast niya. What if... it's Ahren and his family? I mean siya lang naman ang kaibigan ko noong bata pa ako unless may iba pa akong kaibigan na lalaki noon at hindi ko maalala. But that is impossible.
*****
"Hoy! Kanina ka pa nakatunganga diyan," sita ni Delancy sa akin. "Saka sana all may singsing,"
Hindi ko siya pinansin sa pang-aasar niya at tinuloy lang ang pag-iisip. Posible bang sila Ahren iyon? Xiana huwag kang tanga, obvious naman na sila Ahren iyon.
"Alam mo konti na lang sasabunutan na kitang babae ka," napatingin ako kay Delancy na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. "Aba't talagang titingnan mo lang ako?,"
Wala akong panahaon para makipag-bangayan sa kaniya. "Del, alam mo ba kung anong apelyido nung client natin bukas?,"
"Hindi eh, bakit?,"
"Ang sabi kasi nila daddy may picnic daw kami with their family friend tapos dito daw napili nung kaibigan nila,"
"Gaga ka! Si Ahren yon sure ako,"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko at tumingin naman siya sa malayo. "May alam ka ba? At kasabwat ka ba duon sa bouquet at singsing?,"
"A-ano,"
"Delancy Soreen, umamin ka kung hindi iiwanan talaga kita sa Paris next month o kaya naman ipapahagis kita sa labas ng erop-
"Oo na! Kasabwat na ako at may alam ako,"
Tumayo ako at nilapitan siya. "Anong nalalaman mo?,"
"Na Lucero talaga si Ahren tapos siya ang fiancé mo dahil noong mga bata tayo nangako siya na paglaki natin ay magpapakasal kayong dalawa. Tapos yung client natin ay mommy niya,"
"Okay, thank you, hindi na kita ipapahagis sa labas ng eroplano at after sa Paris ay sa Switzerland naman tayo," sabi ko. "Jan ka muna girl may titingnan lang ako,"
At iniwan ko na nga siya duon na namumungay ang mga mata dahil sa sinabi ko. So that's why ayaw nila akong magkaroon ng boyfriend dahil matagal na pala akong engaged.
"Pangako yan, Xia ha? Paglaki natin ay magpapakasal tayo," sabi ni Ren-ren
Si Ren-ren ang kaibigan kong lalaki, crush ko siya at crush niya din ako. Sana kayo din crush ng crush hihi. Hindi ko nga maisip at biglang lumuhod itong kaibigan ko sa harapan ko tapos biglang tanong 'will you marry me, Xia?' at dahil bata pa lang ako at may pagka harot na sumagot ako ng oo.
"Oo naman, basta hindi ka magkakaroon ng girlfriend,"
"Ako pa ba? Sasabihin ko lang kila mommy," nakangiting sambit niya
At tumakbo na nga siya papunta kung nasaan ang mga magulang namin na nag-uusap. Narinig ko ang pagtawa nila kaya alam kong nasabi na iyon ni Ren-ren.
"Naku, mukhang tayo ang magiging mag balae, Averie," rinig kong sabi ng mommy ko
"Mas maganda na iyon, Xienna. At least hanggang pagtanda ng mga anak natin ay magkasama pa rin tayo,"
"Masyado pa silang bata para jan," rinig kong sabi ng daddy
Tumawa ang mommy ko at inasar si daddy. "Hindi naman ngayon, Ignacio, syempre hihintayin natin sila hanggang nasa tamang edad na sila,"
"Kita mo nga naman, engaged na ang mga anak natin sa isa't-isa, Ignacio," sabi ng daddy ni Ren-ren
Nagtawanan pa sila pagkatapos ay kailangan nang umuwi nila Ren-ren. "Bye bye, Xia. Yung pangako natin sa isa't-isa ha? Hihintayin kita,"
Ngumiti lang ako at nagpaalam na rin. "Anak, sigurado ka ba jan sa desisyon mo?," tanong ni daddy
"Opo! Crush ko kaya sa ren-ren, daddy," nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ko
"Oh sige basta mag-aaral ka ng mabuti at hihintayin mo hanggang dumating ang tamang oras,"
Tumango lang ako at niyakap siya.
Sana ay mahintay mo ako, ren-ren. Dahil hihintayin kita sa muling pagbabalik mo.
Natawa na lamang ako nang maalala ko ang ganap noon. Kung may kasama lang ako ngayon ay baka napagkamalan na akong baliw dahil ngiti ako ng ngiti. Naglalakad-lakad ako dito ngayon sa may mga halaman na hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa aking labi. Umupo ako at pinagmasdan ang kulay asul na gerbera daisy, hinawakan ko ang petals nito at nang hindi pa ako nakuntento ay pinitas ko na ito sabay amoy dito. Nakangiti kong inaamoy ang bulaklak nang biglang may magsalita.
"Why are you smiling?,"
Nilingon ko si Delancy na matalas ang tingin sa akin. "Wala lang, bawal na bang ngumiti ngayon?,"
"Hindi pero may bisita ka kasi," aniya kaya tumayo na ako
"Sino?," tanong ko dito pero hindi ako sinagot at nilayasan lang ako! "Delancy! Sino?,"
Napasimangot ako kaya naman tiningnan ko na lang ang kamay kong may singsing, magkano kaya ang bili niya dito? Mukhang sobrang mahal nito at bakit siya gagastos ng sobrang mahal para lang sa akin? Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng picture ang kamay kong may singsing. Ang naging background ko ay ang kulay asul na kalangitan. Nakangiti kong tinitingnan ang picture.
"Did you like it?,"
Napawi ang ngiti ko nang marinig ang boses na iyon at awtomatiko akong napatingin sa nagsalita at bumalik ang ngiti sa labi ko. Nakangiti ko siyang tinanguan kaya kuminang ang mga mata niya. "Thank you and sorry for not listening,"
"It's fine, I understand. By the way, we have a family picnic tomorrow," sabi niya na nakapagpa kunot ng noo ko
"With whom?," I asked
"My mom said it's our family friend," he said smiling
Nagawa mo pang ngumiti jan? Eh kung bugbugin kaya kita?
Tumingin ako sa malayo at narinig ko ang mahinang pagtawa niya, nakakatawa iyon? "Are you jealous?," he asked and he even giggle.
My eyes widened with that. "I'm not!,"
"You look jealous, Ivelisse. For your information it's you and your parents, love,"
My heart beat faster when I heard what he said, my heart beat is already fast earlier but it became faster. "Me and my what?,"
"You and your parents. My mom is your client and I was the one who told her to set a reservation here at your farm,"
"So kasabwat ka ng mommy mo? Grabe ka naman mag effort para lang makita ako. Crush na crush mo siguro ako 'no, ren-ren?," humalakhak ako ng makita kong namula ang tenga niya. "Kinikilig ka ano?,"
Inasar-asar ko pa siya kaya tuluyan na siyang namula, mukha siyang kamatis kaya mas lumakas ang tawa ko.
"Stop it, love,"
Literal na napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Got you!," he smirked. "Alam ko na ang makakapagpatahimik sayo,"
Inirapan ko lang siya, napaka rupok mo, Xiana! "Ewan ko sayo!,"
Pagkasabi ko nun ay narinig ko ang malakas na pagtawa niya kaya naman umalis na ako, narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon. Naglalakad ako pabalik sa kubo nang makita ko ang tatlo na nakatayo at mukhang may inaabangan.
"Oh, bakit andito-
"Ate Xi! Si ate Del, umiiyak-
"Asan siya?," hindi ko na pinatapos si Angelo sa sinasabi niya at agad kong tinanong kung nasaan si Delancy
"Andun sa may kitchen," sagot niya
Dali dali akong tumakbo papunta kay Delancy at narinig ko ang hikbi niya. Lalapit na sana ako nang marinig ko ang sigaw niya.
"I am asking you, Demetrius!,"
Nanatili ako sa kinakatayuan ko, andito pala si Demetrius.
"Delancy-
"I am asking you! Do you love her already?,"
Napapikit ako nang mariin dahil sa tanong ni Delancy. Did he cheat on Del? "What are you doing?,"
Napaigtad ako dahil kay Ahren, bigla-biglang sumusulpot! "Shh! Huwag kang maingay at saka pwede bang huwag kang manggulat?,"
Magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya.
"Del-
"Hindi mo masagot ang tanong ko, so mahal mo na nga? Tangina naman Demetrius! Ano pa bang kulang sa akin?! Anong ginawa ko sayo?,"
So he cheated on her. Susugod na sana ako pero pinigilan ako ni Ahren. "Let them handle their problem first, saka ka na manghimasok kapag hindi na tama ang nangyayari,"
"Del, I'm sorry, I should've told you about this earlier. Matagal na kami ni Lia bago pa kita nakilala ay kami na,"
What the, ginawa niya pang other woman ang kaibigan ko!
"Y-you w-what?,"
"I'm sorry Del, nahanap ko sayo yung mga pagkukulang niya-
"Kaya naman niligawan mo ako at ginawa mong girlfriend? Ni wala akong kaalam-alam na pangalawa lang pala ako," sarkastikong sabi ni Delancy. "Tangina naman, sana pinigilan mo na lang yang nararamdaman mo para sa akin noon. Hindi sagot ang paghahanap ng iba para lang mapuno ng iba ang pagkukulang ng isang tao,"
"I know
"Alam mo naman pala, ginawa mo pang other woman ang kaibigan ko!," hindi na ako nakapagpigil pa kaya naman sinampal ko na si Demetrius
"Xiana/Ivelisse!," sabay na sigaw nung dalawa
"Xiana, I'm so-
"Do you think a 'sorry' is enough? Hindi, dahil kahit kailan hindi magbabago ang nangyari na ginawa mong other woman ang kaibigan ko. Matalino ka pero bakit hindi mo man lang naisip na hindi yan ang sagot sa pagkukulang ng girlfriend mo, na hindi si Delancy ang sagot," mariin kong sabi sa kaniya. Alam kong dapat hindi ako manghimasok pero tama na. "I thought that you will be the man that will stay with my best friend until you both grow older but I was wrong,"
"Xiana-
"Stop it, Demetrius, you can leave my farm now!,"
Gusto niya pang kausapin si Delancy pero itinaboy ko na siya dahil alam kong sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ni Delancy ngayon. Lumapit ako kay Delancy at inalo siya. "Shh, don't worry after our picnic tomorrow we'll go to Paris,"
"You don't have to do-
"No buts, we'll go to Paris," I cut her off and she just nodded. "Pumunta ka na muna sa office ko at magpahinga,"
Pagkasabi ko non ay umalis na siya, mabuti nga't nakikinig pa siya sa mga sinasabi ko. I did not expect this one. Ang healthy ng relasyon nila tapos malalaman ko lang na hindi pala siya ang nauna kundi siya ang pangalawa, I wonder if Demetrius' girlfriend knows about it.
"I know what you're thinking, Ivelisse. Don't you dare talk to her,"
I looked at Ahren who is looking at me intently. I just want to talk to that girl so I can clear Delancy's name. "But... I just want to clear Delancy's name,"
"Fine but be careful, okay?,"
I nodded and went to my car. I searched her name and her family is powerful. The Torres are known for being wealthy and her father is a governor. Ako ang kinakabahan para kay Delancy kahit pa wala siyang alam na ginawa siyang panakip butas pero alam kong masisira ang reputasyon ng kaibigan ko. I sent an eMail to Ms. Torres that I want to talk to her.
I arrived here at Serenity Café on time. It was the third branch of the café. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si Ms. Torres and she wave her hand as soon as she saw me. I went to her table and she gestured me to sit down.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I want to say sorry on behalf of my friend. Walang alam ang kaibigan ko na may girlfriend na si Demetrius-
"It's not her fault. Kasalanan ko din naman kung bakit nagawang maghanap ng iba ni Demetrius, kung hindi lang ako naging busy sa trabaho ko ay siguro hindi magagawang maghanap ni Dem ng iba," aniya
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ms. Torres, that is not a valid reason. Niloko ka pa rin niya at hindi kailanman sagot ang pangloloko para mapunan ang pagkukulang ng isang tao," I told her, I know that she wanted to cry right now but she's stoping her tears. "Hindi porket wala kang time sa kaniya ay maghahanap na siya ng iba, kung talagang mahal ka niya ay maiintindihan niya kung bakit konti lang ang oras mo sa kaniya,"
"I know but... it is also my fault, masyado akong devoted sa trabaho ko to the point na hindi ko namamalayang hindi ko na siya nabibigyan ng pansin," she has a point there. "Ang tanging nagagawa ko lang ay padalhan siya o kaya naman bilhin ang mga gusto niya dahil alam kong iyon na lang ang tanging paraan para mabigyan ko siya ng time, my schedule is very hectic and he knows that. He said that it's okay for him but it turned out that he cheated on me not just once but many times,"
He what? Cheated many times? "Isang beses nahuli ko siyang may kasamang iba pero I never confronted him about it dahil alam kong wala akong karapatan dahil wala akong oras para sa kaniya. Huli ko siyang nakita kasama ang kaibigan mo, sa totoo lang nagalit ako nung una dahil niloko niya na naman ako pero nung nakita ko kung gaano siya kasaya sa kaibigan mo ay nawala ang galit ko pati nung nalaman kong hindi lang pala ang kaibigan mo ang pinagpalit niya sa akin dahil madami sila," Tangina ng lalaking yon, ang kapal ng mukha. "But what it scared me is that baka perahan niya lang ang kaibigan-
"What do you mean?,"
"Si Dem, mayaman siya pero lagi niyang pineperahan ang mga nagiging girlfriend niya. One time I saw a gift in his room and it's from your friend, I was shock because that gift costs a million one,"
Million? Gumastos si Delancy ng million para sa lalaking yon?
"I swear that all the girls gave him expensive things," she added
"I can't believe that. Buong akala ko ay matino siya pero hindi pala,"
"I am sorry for what he-
"Bakit ikaw ang nag sosorry? Kami dapat ang humihingi ng paumanhin at lahat ng mga naging girlfriend niya, oo wala silang alam pero ikaw ang original. Remember that you don't have to settle for less if you can settle for more, Ms. Torres," I said
I bid my goodbye to her and left the café, I just hope that she will not ruin Delancy's reputation.
*****
"So how's your talk with Ms. Torres?,"
I am here at Ahren's restaurant because he want me to meet his sister. "It's fine, I found out that Demetrius cheated on her not just once but more than that,"
Kumuha ako agad ng tubig nang marinig kong umubo ubo si Ahren saka inabot sa kaniya iyon na agad niya namang ininom. Mukhang nagulat siya sa narinig niya. "He cheated many times? Paano niya nagagawa yon na hindi man lang siya nakokonsensya?,"
"Malay mo kung gawain niya na talaga yon," sabi ko at tinikman ang niluluto nya. "It tastes good,"
"Hmm, so you like it?,"
I nodded and continued tasting the foods. He cooked pasta, chicken pastel and roast beef. Gabi na kaya naman wala na masyadong tao sa restaurant niya at paalis na din ang ibang customers nang lumabas kami ng kitchen. Saktong pagkalabas namin ay dumating na din ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya, bigla akong kinabahan nung nakita ko silang pumasok sa loob ng restaurant.
Lumapit si Ahren sa akin at hinawakan ang baywang ko. "Kinakabahan ka?," bulong niya at tumango ako, narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya naman inapakan ko ang paa niya. "Ouch! Don't be nervous, they will not eat you,"
Mas nilapit niya pa ako sa kaniya kaya naman huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil kumakabog na ang puso ko dahil sa kaba. Hanggang sa marating namin ang pwesto nila ay kumakabog pa rin ang puso ko at nanlamig na ang mga palad ko.
"Good evening, Xia," bati ng mommy niya
"Good evening din po," nahihiyang sambit ko
"Good evening hija, it's nice seeing you again and I hope that you still remember your tito Zymir," Ahren's dad said and smiled at me
I just smiled back and bowed my head a little. I turned my gaze to her sister who is now looking at me. "Good evening," I smiled at her
"Good evening din po!," she's a very jolly one
"So let's eat?," Ahren's mom asked and we sat down
Madami pang tinanong ang mommy ni Ahren and she even compliment me. My heart is very full of love because of the people who is showing love to me. I couldn't ask for more and I hope that this will continue. Christmas is getting near and I hope that all of us will have a peace of mind, happy heart, a Merry Christmas and Happy New Year.
For those who are struggling right now, I know you will get through it just trust yourself, always believe in Him and everything will be alright. Huwag kang mawalan ng tiwala sa sarili mo dahil lahat ng problema ay malalampasan mo kung maniniwala at magtitiwala ka sa sarili mo. Everything has its time, better days are coming to your way. You just need to wait for it, keep fighting and I know that you can do it! Advance Happy Holidays to all of you, I wish you a happy happy holiday to celebrate and I hope that you will be happy and will have a peace of mind on those days.