"But do you know that flowers also symbolize cheating?," he asked looking at me
My brows furrowed upon hearing his question. A flower that symbolizes cheating?
"Really? Meron? What flower is that?," I asked him
"Yes, there is and it's the yellow rose. Yellow rose was considered a symbol of indefility and cheating. Perhaps, yellow roses are a sign of separation and betrayal," he said still looking at me
I pouted. "Sayang naman, what flower symbolize loyalty?,"
"Bluebell is one of the flowers that symbolize loyalty," he said. "Gardenia also symbolize if you have a crush on that person, giving them a bouquet of white gardenias is one way to reveal your secret love,"
"I didn't know those," I told him
"What's your favorite flower?," he asked
"A bouquet of red roses, pink tulips and baby's breath," I answered while smiling
"Well, the red rose symbolizes romance, love, courage and beauty. While pink tulip symbolizes caring and good wishes. And lasty, the baby's breath symbolizes everlasting love but it also represents innocence," wow, nagbigay pa ng trivia.
"Hindi ako updated na ang dami mo palang alam tungkol sa mga bulaklak," natatawang sabi ko
"My mom loves flowers kaya naman pinag-aralan ko kung ano ang mga sinisimbolo nito," nagulat ako dahil ang gwapo niyang mag tagalog! He looks so good in speaking english pero mas nadagdagan pa nung magsalita siya ng wikang tagalog.
"Xiana! Lunch time!," I heard Delancy shout
"Oh, I have to go-
"Would you like to join us for lunch?," I asked him and he looked surprised
"I can? Sure, it's my pleasure," he then smiled.
Naglakad na kami papunta duon sa kubong malaki dahil duon talaga kami nagta-tanghalian.
Bigla namang lumapit si Delancy sa akin nang makarating kami. "Akala ko ba ayaw mo na dito siya mag lunch?," may halong pang-aasar na tanong niya
"I changed my mind, hindi naman pala siya ganoong tao," I chuckled
Umupo na kami at napansin kong may ibang putahe ngayon na nakahain sa lamesa.
"Kumakain ka ba ng ginisang ampalaya at kalabasa?," tanong ng kaibigan ko sa lalaki
"Of course, my mom used to cook that for us," he said
For us? So may kapatid siya?
"Oh, so may kapatid ka?," parang nabasa ng kaibigan ko ang iniisip ko ah
"Yes, her name is Adelaide Zara,"
"Ang expensive naman ng mga pangalan niyo,"
Nailing-iling na lamang ako dahil sa inaasta ng kaibigan ko, nako baka magselos ang boyfriend nito. Ldr pa naman sila. Kung ako baka hindi ko kayanin ang ldr pero sabi nga nila kakayanin ang lahat para sa taong mahal mo.
"How 'bout you?,"
"Nako, mag-isa lang akong anak. Same with Xiana," sagot ng kaibigan ko. "Hindi masipag mga magulang namin, e,"
Punyeta. Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni Delancy. Tang ina, seryoso ba siya duon?
Nagulat si Delancy habang si Ahren ay inabutan ako ng tubig. "Ayos ka lang ba?," tanong ni Delancy
Magsabi kaya ako ng ganoon tapos tanungin ko din siya kung okay lang ba siya kapag nabilaukan. Mukha ba akong ayos sa lagay kong 'to?
Sinamaan ko lang siya ng tingin at uminom ulit ng tubig, mabuti nga at walang lumabas sa ilong ko! Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Delancy o kung sino man sa kanilang dalawa at baka mabilaukan na naman ako. Habang kumakain kami ay napansin ko ang dalawa.
May dessert kasi kami at mango graham 'yon, tiningnan ko si Delancy at ininguso si Athena at Angelo. Kumunot lang ang noo ng kaibigan ko habang nakatingin sa akin at parang nagtatanong kung bakit, inginuso ko ulit ang dalawa kaya naman tiningnan niya na ito. Muntik pa siyang sumigaw kaya naman sinipa ko ang legs niya at sinenyasan siyang tumahimik. Pinaglagyan kasi ni Angelo si Athena ng graham sa platito at ng inumin. Tumingin ulit ako sa kaibigan kong nagpipigil sumigaw, aba, pigilan niya talaga at baka mahuli kaming tinitingnan yung dalawa.
"Are they in a relationship?," bulong ng katabi ko
Tiningnan ko siya bago bumulong din dahil baka marinig kami. "Hindi, but I think they have a thing," chismoso din pala ang isang 'to.
"Luis, gusto mo ba ng graham?," tanong ni Delancy kaya napatingin kaming lahat
Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka makahalata sila. And this b***h just mouthed 'what?' with her brows arched. Aish, bahala ka jan.
"Po?," naguguluhang tanong ni Luis
Kumuha ng platito si Delancy at nilagyan ng graham iyon bago inabot kay Luis. "Oh ayan na! Mag dessert ka naman at saka para mabawasan na din ang mga langgam dito,"
Kumunot ang noo ni Luis at tiningnan ang lamesa pati ang mga paa niya. "Huh? Wala namang langgam, Ate Delancy." aniya at napatawa ako ng malakas kaya pinagtinginan nila ako
Habang si Delancy ay napatakip na lang sa mukha bago may binulong kay Luis, ako naman ay nagpipigil pa rin ng tawa. Nanlaki ang mga mata ni Luis pagkatapos niyang marinig ang binulong ni Delancy.
"Halla, totoo ba?," tiningnan ako ni Luis na nanlalaki pa rin ang dalawang mata.
Totoo ba, Luis? Na may iba ka nang mahal? Aminin mo! Aminin mo! Charot.
Tinanguan ko lang siya at napaawang ang bibig niya habang nakatingin kina Angelo at Athena. "Sinasabi ko na nga ba!," nagulat ako nang biglang tumayo si Luis sabay hampas sa lamesa.
"Huh? Ano 'yon?," tanong ni Angelo na walang alam na sila ang pinag-uusapan namin.
"Kaya pala ganoon! May langgam nga ate Delancy at ang dami," patuloy sa pagsasalita si Luis
Hindi na nga siya maintindihan ni Delancy dahil tuloy-tuloy siyang nagsalita at halos walang preno! Biglang dumaldal, na-confirm niya na ata kasi na may namamagitan sa dalawa niyang kasama samantalang siya ay wala.
"Sana all na lang may love life," pagpaparinig pa niya
Jusq, kapag kami nabuking dito na may alam na pala kami talagang yari kami nito. "He can't believe what he just found out," natatawang bulong ng katabi ko.
"Who wouldn't? Ang tagal-tagal ko na kasama yang dalawa tapos ngayon ko lang nalaman. Maging si Luis ang tagal na kasama nang dalawang iyan pero ngayon niya lang din nalaman," bulong ko pabalik
Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin makapaniwala si Luis sa nalaman niya. Ayan kasi, hindi marunong kumilatis.
"Sis, mauna na ako, ha? Pinapatawag kasi ako nila mommy," sabi ni Delancy
Andito na ako sa kubo dahil may chineck akong orders. "Sige, mag-iingat ka,". Tiningnan ko siya at nakakunot na ang noo niya. "Bakit?,"
"Sino ang maghahatid sa'yo?," tanong niya
"Siguro ay magko-commute na lang ako. Huwag kang mag-alala, ayos lang ako," ani ko
"Oh sige na, mag-ingat ka din," aniya at niyakap ako
Ang daming orders ngayon. Buti na lang nakuha na ni Ahren iyong sa kaniya. Ano kayang apelyido niya? I-search ko na nga lang. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan agad ito para maisearch ko na.
Ahren Zaire. I searched it on google and ang daming lumabas na link pero ang pinindot ko ay ang nauna.
Ahren Zaire. Biography. Business. Study. Love Life.
Ahren Zaire is the first born of Ms. Averie Villanueva.
Are they separated? Ano ba, Xiana. Malay mo hindi pina-public ang apelyido ng husband niya.
He has a younger sister who named Adelaide Zara. They were four in the family, Mr. Zymir, Ms. Averie, Mr. Ahren and Ms. Adelaide. Ahren Zaire is born on the month of September while his sister is born on the month of March. He is already 23 years old while his sister is 12 years old. Ahren graduated at Vaden College and he owned a restaurant which is Restaurante Renza and there are 10 branches in the country. There are 5 branches in Spain, 9 branches in France and 16 branches in Italy.
16?! That's a lot! So, in total, it has 40 branches! Oh god, he's so rich. Unlike me, I only have 3 farms which is in our place, in Cagayan and in Cavite.
According to an interview, where he was asked if he has a lover he said that "Oh, it's a very showbiz question but... I don't have a lover. I am single but not ready to mingle. Focus on work first," So, a lot of woman freaked out upon watching the interview.
He even laughed. Kung ako 'yon ay hindi ako matatawang sumagot. Ang dami namang may gusto dito. Wait-what? Why do I even care?
Some says that he will be arrange for a marriage which is with the Gonzaga's.
Naibuga ko ang iniinom ko nang mabasa ang apelyido ko! What the hell? Maybe we have the same surname with those Gonzaga's. This is... arghhh.
Pinatay ko na ang laptop ko dahil baka kung ano pa ang mabasa ko. Inayos ko ang lamesa ko at kinuha ang baso para ilagay sa kitchen. Nasa may pintuan na ako para lumabas at narinig ko ang boses ni Luis.
"Wala akong gusto kay Athena, kuya. Pinsan ko kasi yan eh! Tapos hindi ko alam na may something pala sila ni Angelo!," rinig kong sabi ni Luis. "Tarantadong Angelo 'yon, hindi man lang sinabi sa akin,"
"Oh, so she's your cousin? Well, maybe she's not ready to tell you about it,"
Teka nga, si Ahren ba 'yon? Binuksan ko na ang pintuan at nakita ko silang dalawa na nag-uusap pa rin. Akala ko ay umuwi na siya, nandito pala nakikichismis. Marites din pala ang isang 'to. Tumikhim ako kaya napalingon sila sa akin.
"Ang init-init tapos nagmamarites lang kayo? Ikaw naman, Ahren, minarites mo si Luis," singhal ko
"What? He was the one who talked to me first," his eyes widened
"Kinunsinti mo siguro, teka nga, akala ko ba ay umuwi ka na?," tanong ko sa kaniya
"Andito pa ako, di ba? Malamang ay hindi pa ako umuwi," tarantadong sagot niya
Inirapan ko lang siya at naglakad na papunta sa kitchen. Inayos ko naman ang kitchen sa pagkakaalala ko pero bakit ang gulo na naman? Wala namang pusa dito. Di bale na, aayusin ko na lang ulit. Kumuha ako ng pamunas at pinunasan ang counter top bago inayos ang mga gamit. Pagkatapos kong ayusin lahat ay binanlawan ko na ang pamunas bago isampay. Lumabas na ako ng kitchen at ini-lock na iyon para mag-ikot-ikot muna dito sa farm.
"Umuwi na sila,"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita kong si Ahren 'yon. Kumunot ang noo dahil nandito pa rin siya.
"Bakit nandito ka pa?," tanong ko
"Sinasamahan ka. Uuwi na din naman ako maya-maya," aniya na tinanguan ko lang. "Where are you going?,"
Naglalakad kasi ako papalayo sa kaniya. "Mag-iikot, sama ka?,"
Nakita ko siyang tumango kaya naman hinayaan ko na lang siyang sundan ako. Mukhang magiging tour guide ako ngayon. "Pupunta muna tayo sa mga bulaklak," ani ko
Nakita ko na ang mga alliums na mukhang kaka-bloom lang kaya tuwang-tuwa ako. Umupo ako para pagmasdan ng mabuti ang kulay lila na bulaklak.
"Did you know that allium symbolizes good fortune, patience as well as grace and since many blossoms sprout from a single bulb, they also represent unity," Ahren said while I'm still looking at the alliums.
"How about lavenders?," I asked, looking at the lavenders
"Lavenders symbolizes purity, silence, devotion, serenity, grace and calmness," he answered
I just nodded before standing up. When I stood up, I felt him looking at me. That's why I look back at him and he looked away. "Why?," I asked him
"H-ha?,"
I shook my head because of his answer. He is weird...
"Let's take a look at the trees," he just nodded and follow me.
We walked towards the trees without speaking to either of us. This is a moment of awkwardness between us.
"Oh, that mango has a fruit," he pointed at the mango tree
"Yeah, it's their season this month," I told him. I looked at him and noticed that he wanted to say something. "May sasabihin ka ba?,"
He shook her head and walked towards the rambutan tree.
"Won't it bear fruit yet?," He asked
"No, it will start to bear fruit by the month of August and September," I told him
"Really? Then I might order a lot of rambutan in September because it's my birth month," he said happily
"I know," I whispered
"What?,"
I was caught off guard! Nanlaki ang mga mata ko dahil duon. "Ha? W-wala!,"
"The sky is dark, it looks like it's going to rain," he said looking up
Halla! Hindi pwede! Baka mamaya biglang bumuhos... bumuhos na nga.
"Come on, you might get sick. The rain is strong," he said while pulling my hand.
Para kaming tanga dahil nababasa na nga kami dahil sa malakas na buhos ng ulan pero nagawa pa naming tumawa habang tumatakbo papunta sa office ko. Binulong ko din kasi sa kaniya na duon na lang sa office ko. Mabilis kong kinuha ang susi ng office ko sa bulsa ko para makapasok na kami dahil basang-basa na kami dahil sa ulan.
Tumatawa pa rin siya kahit na nakapasok na kami sa loob. "This is fun," he said, still laughing
Umiling ako at kumuha na ng towel, buti na lang may ilang towel ako dito. "Is it your first time to run in the rain?," I asked as I handed the towel to him
He's still smiling. Kinuha niya ang towel at nagpunas. "Yes, our parents don't allow us to run in the rain,"
Tumango ako at pumunta sa may water dispenser. "Do you want some coffee?," I asked, hindi tumitingin sa kaniya dahil baka mapaso ako.
"Yes, please,"
Kumuha ako ng dalawang tasa at kinuha na rin ang coffee powder pati ang creamer. Pagkatimpla ko ay nilagay ko sa tray na nasa mesa bago humarap sa kaniya.
Omygod! He took off his clothes! I immediately turned my gaze away from him. Baka isipin niya na gustong-gusto kong makita ang 8 packs abs niya- teka nga, Xiana! Ano ba!
"Do you have extra shirt, Ivelisse?," I heard him asked
"Uh, y-yes! It's inside the cabinet,"
Umayos ka, Xiana! Buti na lang at wala ang lagayan ng mga tinapay duon sa part niya kaya kumuha na lang din ako at nilagay sa tray. Sana man lang ay nakabihis na siya dahil ang awkward. Salamat! Pagkalingon ko ay nakabihis na siya kaya naman naglakad na ako papunta sa kaniya at nilapag ang tray sa lamesa.
"Aren't you going to change your clothes yet? You might get sick," aniya
"Oh, yeah, right," iyon lang ang tanging naisagot ko! "Ah magkape ka muna magpapalit lang ako,"
Tumango naman siya at kinuha ang kape bago kumuha ng dyaryo. Tumakbo agad ako papunta sa banyo. Mabuti na lang at may damit ako dito. Mabilis akong nag-shower bago nagbihis para makalabas na sa banyo. Pagkalabas ko ng banyo ay nakatutok na si Ahren sa cellphone niya.
Umupo ako sa couch at kinuha ang kapeng tinimpla ko kanina na ngayon ay malamig na. "Won't you heat the coffee?,"
"Hindi na, mainit na tubig naman ang pinang-shower ko kaya okay lang," sagot ko. "Hindi pa tumitila ang ulan, dito ka na lang matulog, may extra room pa naman. Mahirap mag drive kapag sobrang lakas ng ulan at baka madisgrasya ka pa,"
"Thank you,"
Walang umiimik sa aming dalawa hanggang gumabi na. Buti na lang at may kitchen ako dito sa office. Tumayo ako para sana magluto kaso pinigilan ako ng kasama ko at siya na daw ang magluluto, hindi ko na pinigilan dahil may kailangan pa akong i-check.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may mga orders pang nadagdag at wala naman kaya pinatay ko na ang cellphone ko at inilapag sa lamesa.
"Ivelisse, the food is ready, halika na," tawag sa akin ng kasama ko kaya tumayo na ako at pumunta sa table.
Ang expensive naman nitong magluto! "What are those?," turo ko sa mga pagkain
"This one is the Coconut Curry Salmon," turo niya roon sa isda at tumango naman ako. "This pasta is Creamy Mushroom Pasta and the other one is Beef Broccoli,"
It looks good. Kumuha ako ng pasta at ng beef broccoli.
"Hmmm this is good. Ang sarap ng beef broccoli," sabi ko at ninamnam pa ang ulam
"I'm glad that you like it,"aniya
"I love it! Dapat kapag pupunta ka ulit dito ay may dala kang pagkain ha," biro ko sa kaniya
"Sure. I'll bring some food for you,"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya!
"Joke lang, oy!,"
"Well, I'm serious, Ivelisse,"
Sumandal pa siya sa upuan habang naka-crossed arms. Inirapan ko lang siya at itinuloy na ang pagkain. Natapos na kaming kumain at inangkin niya na din pati ang paghuhugas ng pinagkainan namin at ng mga ginamit niya sa pagluluto. Kaya ang ending ay nandito na ako sa kwarto ko at nagmumuni-muni. Ang sabi niya ay siya na lang daw ang bahala pero ayaw ko sana kaso mapilit siya kaya hinayaan ko na lang.
Ilang minuto din akong nagmuni-muni hanggang sa dinapuan na ako ng antok.
Nagising ako nang maramdaman kong may umaalog sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko si Delancy na naka-kunot ang noo. Papungas-pungas pa ako ng maupo ako sa kama ko. "Ano ba? Ang aga-aga pa, Delancy,"
"Gagaca, magtatanghalian na!," sigaw niya
Awtomatiko akong nagmulat ulit ng mga mata ko sabay tingin sa cellphone ko, oh my! Malapit na nga mag-lunch time. s**t! Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo na.
"Kung ngayon ka lang nagising bakit may breakfast ka na?," rinig kong tanong ni Delancy dahil pasigaw iyon
Breakfast? Ngayon nga lang ako nagising! Alangan namang nag sleep walk ako- d-did he just cooked that for me?! OHMYGOD! Naabutan ba nila si Ahren na lumabas or nandito sa loob ng office ko?! Binilisan kong maligo at mag-ayos bago lumabas.
"Hoy, in fairness masarap ang french toast ha, sinong nagluto nito? Ikaw?," nakita kong kumakain si Delancy ng french toast duon sa lamesa at ang ganda-ganda pa ng upo niya.
Naglakad ako papunta sa lamesa at nakitang may sticky note na nakatago.
'Good morning, I didn't bother to wake you up so I just cooked some breakfast for you. I hope you like it, Ivelisse. I'm off to work for a month. Thank you and nice meeting you.'
- Ahren Zaire
May nakalagay pang smiley sa baba noon. I bit my pointing finger to stop myself from smiling. But it looks like my friend saw it.
"Nginingiti-ngiti mo riyan? ," tanong niya
"W-wala! Kumain ka na lang jan,"
Xiana, ano ka ba naman, bakit may pag-utal?
"Gaga, namumula ka na nga. May sakit ka ba?," hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat pero bakit namumula ka?,"
"M-mainit kasi!,"
"Okay, sabi mo e. Anyways, anong oras nga pala umuwi ang bisita mo kahapon?,"
Bwisit! Kumuha ako ng tubig at ininom iyon dahil nabilaukan ako sa tanong ni Delancy! Ang dami niyang pwedeng itanong, bakit 'yon pa?
"Huy, okay ka lang ba?,"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw kaya mabilaukan tapos tanungin kita kung okay ka lang," inirapan ko siya at inayos na ang pinagkainan namin. "Halika na nga!,"
Lumabas na kami ng office ko at nakita ko si Luis na nakangisi nang makita niya ako. Kumunot naman ang noo ko dahil duon.
"Hi ate Xiana! Kumusta ang tulog mo?," nakangising tanong niya
"Okay lang naman, bakit?," nakakunot pa rin ang noo ko
"Wala lang, nakita ko kasing lumabas si Mr. Ahren jan sa office mo kaninang madaling araw,"
My jaw dropped. What the hell!
Gulat na tumingin sa akin si Delancy. "Ano?! May nangyari ba?,"
"Boba! Wala, ang lakas kasi ng ulan kahapon kaya sinabi kong dito na lang muna siya, sa kabilang kwarto siya natulog," sagot ko
Ngunit hindi pa rin matanggal ang tingin sa akin ni Delancy habang si Luis naman ay nakangisi pa rin sa akin. What? We did nothing wrong! Ni hindi nga kami masyado nag-usap kagabi.
Masasapak talaga kita Ahren kapag nagkita tayong muli.