ANG PAANAN NG BUNDOK

1052 Words
Sa isang iglap ay unang bumalagta ang lalaking mataba. Nagkaroon ng katahimikan at para bang huminto ang oras sa mga mata ni Cyran. Kitang-kita niya tumagos ang bala sa ulo ng lalaking iyon. Nanigas bigla ang katawan niya pero kailangan niyang sundin ang ina niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay may namatay na isang lalaki sa kanyang harapan. Tumalikod siya ngayon at tumakbo siya ng mabilis papalayo sa kuweba. “TUMIGIL KA!” sigaw ng lalaking mataba sa kanyang likuran. Pumutok muli ang baril pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya alam kung sino ang tinamaan. Gusto niyang lumingon at gusto niyang balikan ang kanyang ina pero hindi niya magawa. Hindi niya magawa dahil natatakot siya. Sa pangatlong pagkakataon ay pumutok muli ang baril. Nakaramdam siya ng isang malakas na puwersa sa kanang balikat niya. Hanggang maramdaman niya ang kirot nito. Pero hindi siya huminto sa pagtakbo dahil kung hihinto siya ay posibleng kamatayan na niya ito. Tumakbo siya ng tumakbo ngayon kahit na hindi niya alam kung saan ba siya pupunta ngayon. Saan siya pupunta ngayon? May apat na direksiyon siyang puwedeng puntahan ngayon pero iisa lang ang hindi pa niya napupuntahan ngayo at ito ang silangan. Kailangan niyang bumaba ng bundok. Kailangan niyang magpunta ng silangan. Mahigit isang oras ng tumatakbo si Cyran at unti-unti nang pababa at tumatarik ang kapatagan na dinaraanan niya. Mas nagiging mabato na rin ang kanyang kapaligiran. Malayo na siya ngayon sa kuweba pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita ang kanyang destinasyon. Nasaan na ba ang siyudad? Nakaramdam na siya ng pagod. Huminto siya pagtakbo dahil hinihingal na siya. Sobrang uhaw na rin siya ngayon at tuyo na ang kanyang lalamunan. Hindi matanggap ni Cyran na sa unang pagkakataon ay tinamaan siya ng bala ng baril sa kanyang balikat. Dito na niya na nararamdaman ang matinding kirot ngayon at panghihina. Ganoon din ang pagkayat ng mainit niyang dugo na humahalo sa  pawis sa kanyang likuran. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay unti-unti na siyang naghihina. Hindi mapigilan ni Cyran ngayon na hindi magalala sa kanyang ina pero hindi siya puwedeng bumalik. May luhang pumatak sa kanyang mga mata. Naalala niya ang boses ng kanyang ina at ang mga bagay na ipinangako niya rito. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit at para saan lahat ang ginagawa nilang ganitong klaseng kasuduan. Kung mamili ka sa ating dalawa ay palaging sarili mo ang pipiliin mo, nagkakaintindihan ba? Hindi mo ako kailangang iligtas lalo na kung ligtas ka. Mangako ka sa akin Cyran. Mangako ka. Ngayon ay nagkakaroon na lahat ng liwanag para sa kanya. Nagsimula ng maglakad ang binata Nakakaramdam na siya ngayon ng panghihina. Marahil ay sinusundan na siya nga mga lalaking nakita niya sa mga kuweba. Ayaw niyang itanong sa sarili niya kung buhay pa ba ang kanyang ina o hindi na. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin sa sarili niya kung sakaling wala na ang kanyang ina ngayon. Dumaan pa ang dalawang oras ng kanyang paglalakbay at ang kanyang dinaraanan niya ngayon ay tuluyan ng tumarik. Nahihilo na si Cyran at nakakaramdam na rin siya ng gutom. Hindi na sana niya alintana ang uhaw at gutom at maari pa siyang mag patuloy ng ilang oras pa. Kung hindi lang sana dahil sa sugat sa balikat na tinamo niya ay malamang ay nasa peperktong kundisiyon pa ang kanyang katawan. Matindi na ang kanyang pagod ngayon pero ayaw pa rin niyang tumigil. Kailangan niyang magpatuloy. Hindi pa rin siya humihinto sa pagiyak. Nakakaramdam na ulit siya ngayon ng takot at lungkot. Kinakailangan na niya ngayon na kumapit sa mga malalaking bato sa pangambang baka tuluyang gumulong siya pababa. Kapag naman wala siyang mahawakan ay kailangan niyang i-tiyempo ang sarili niya na magpatihulog sa malalaking bato. Nakikita na niya ngayon ang paanan ng bundok na ito na mayroong apat na milya ang layo. Bagamat malapit na siyang makarating sa paanan ay hindi pa rin niya makita ang siyudad.  Lumulubog na ang araw. Mahigit dalawang oras rin ang dumaan nang maabot niya ang paananan ng bundok. Agad niyang napansin ang hindi pangkaraniwan sa mga mata niya at ito ang siyudad. Pansamantala ay nakaramdam siya ng kaunting pag-asa. Masiyado pang malayo para makita niya ito ng detalye dahil halos may isang daan pang milya ang layo nito sa kanya. Katulad ng sinabi ng kanyang ina, ang siyudad ay punong-puno ng mga malalaking gusali. Advanced ang nakikita niya at kahit kailan ay hindi ito sumagi sa imahinasiyon na meron siya. Ngayon lang nalaman ni Cyran na ang mga ito pala ay may hugis parisukat na may magkakaibang lapad at taas. May iba’t-ibang kulay ang gusali na mula sa lilim ng kulay itim hanggang sa tingkad ng kulay puti. Ang mga ito ay napapalibutan ng naglalakihang metal na pader. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na higanteng simboryo na tila’y gawa sa salamin. Nasasabik ngayon si Cyran na lalo pang makita ang siyudad. Ang tanong lang dito ay paano siya makakapasok doon? Kung delikado ang siyudad na ito para sa kanya ay paano siya makakapasok rito katulad ng kanyang ina? Isa pa ay lubos na siyang nanghihina ngayon. Dito na siya napaluhod dahil sa pagod. Nanlalabo na ang kanyang paningin sa pagkakataong ito. Sinubukan niyang tumayo pero hindi na niya magawa ngayon. Nanginginig na ang kanyang mga laman. Ang tanging magagawa na lamang niya ngayon ay ang gumapang. Hindi siya puwedeng mahuli ngayon ng mga lalaki na iyon na gusto siyang patayin. Hindi ngayon. Naririnig niya ngayon ang t***k ng puso niya at mabilis ito. Nakakaramdam siya ng takot ngayon. Nasa isip niya ngayon ang kanyang ina. Nakikita niya ngayon ang mukha niya naka ngiti. Ngumingiti lamang ang kanyang ina kapag ngumingiti rin si Cyran. Naging ganito na palagi ang kundisiyon nilang dalawa simula pa man noon. Kapag ngumingiti si Sariah ay alam niyang masaya ang kanyang ina dahil alam niya siya mismo ang kaligayahan ni Sariah. Alam niyang hindi magdadalawang isip si Sariah na ibuwis ang kanyang buhay para lamang sa kanya. Ayaw niyang sayangin ang lahat ng sakripisyo ng kanyang ina at gusto pa niyang mabuhay. Pero nanghihina na siya ngayon at bumibigay na ang katawan niya ngayon upang makagalaw pa. Naaalala niya muli ang babae sa kanyang panaginip. Maya-maya pa ay nawalan na siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD