CHAPTER NINE
Hindi inaasahan ni Kassandra ang biglaang pagdating ng di nila inaasahang bisita. Nasa garden sila non ng kanyang papa, habang inililibot niya para paarawan ang kanyang papa at para makalanghap ng sariwang hangin habang nakasakay ito sa kanyang wheel chair.
" Mam, sir! may bisita po kayo! " anunsyo sa kanila ng katulong.
" Anak may inaasahan ka bang darating na bisita ngayon? " nagtatakang tanong ng kanyang papa.
" Wala naman po pa! "
" Sige na Maring patuluyin mo sila dito sa hardin." Utos ng kanyang papa sa katulong.
Maya-maya lang ay dumating na nga ang di nila inaasahang bisita. Ang buong pamilya ni Jansen Carl.
Saglit silang nagkatitigan ni Jansen. At hindi nanaman maintindihan ni Kassandra ang sarili kung bakit palagi siyang may nararamdamang kaba at kakaiba sa kanyang dibdib sa tuwing magtatagpo sila nitong si Jansen.
" Kumpadre anong nangyari sayo? " Nagtatakang tanong ng papa ni Jansen sa kanyang papa.
" Aldie ikaw na ba talaga yan? "
Masayang bti naman nito.
Oo naman kumpadre. Ako pa rin ito ang best friend mo.
" Mabuti ka pa kumpadre mukhang napakalakas mo pa at walang pinoproblema! " malungkot na wika ng kanyang papa.
" Ano ka ba naman kumpadre life is good! wag mo problemahin ang problema. Wag mo masyado dibdibin yun. Siyanga pala siya naba ang iyong anak na si Kassandra? " Nakangiting baling naman nito sa kanya.
" Oo kumpadre! siya na nga! ang lagalag kong anak! kung hindi pa nangyari ito sa akin ay wala pa rin sana yang balak umuwi dito sa atin. "
" Naku napakaganda naman pala talaga ng dalaga mo kumpadre kaya naman pala agad niyang nabihag ang puso nitong aming binata. " Baling naman nito kay Jansen.
" Ikaw na ba yan Jansen Carl! " bumaling ng tingin ang kanyang papa kay Jansen, na saka lang inalis ang tingin sa kanya.
" Opo! ako na nga po ito. Kumusta po kayo? " magalang na bati nito sa kanyang papa sabay abot sa kamay ng kanyang papa para magmano.
Napahiya naman si Kassandra kasi hindi niya naisip na gawin yon sa mga magulang ni Jansen kaya naman ginaya na rin niya ang binata at nagmano sa mga magulang nito.
" Welcome po sa inyo mam! sir! " nahihiyang wika niya pa matapos magmano sa mga ito.
" Ano ka ba namang bata ka! anong mam, sir! from now on tawagin mo rin kaming papa at mama! " wika ng papa ni Jansen matapos niyang magmano sa mga ito.
" Ay naku kumpadre sa wakas matutuloy na rin ang pagiging magbalae natin! masayang pagbabalita ng papa ni Jansen sa kanyang papa na talagang nagulat sa sinabi ng tito Aldie niya.
Napatingin ito sa gawi niya!
bago muling bumaling sa bestfriend nito.
" Kumpadre! ipagpaumanhin mo pero nag-usap na kami ng anak ko tungkol diyan at ayaw ko naman siyang pilitin sa bagay na ayaw niya. "
Sa sinabing iyon ng papa niya ay kitang kita niya ang biglang pagkulimlim ng mukha ni Jansen at matiim itong tumitig sa kanya.
" Pa...agaw naman niya sa atensyon ng kanyang papa. Pa pasensya na po at hindi ko nasabi sa inyo, nung nasa ospital po kasi kayo ay di sinasadyang nagkita kami ni Jansen at nagkausap po kami at nalaman po namin na gusto namin ang isat-isa.Pa kami na po ni Jansen. "
Gulat na gulat na napatingin sa kanya ang kanyang ama. Halatang hindi ito kumbinsido.
" Kassandra! anak ganun kabilis! "
" Ano ka ba naman kumpadre ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon. Hindi ka ba masaya na magkakatotoo na ang pangarap nating maging magbalae. "
" Syempre naman kumpadre. Masaya ako. Itong dalaga ko lang ang inaalal
ko. "
" Huwag kang mag-alala kumpadre dahil napakabait na bata niyang si Jansen. Maasahan mo ang batang yan sa lahat ng bagay. Lalong lalo na sa negosyo. Napakahusay! " pagmamalaki ng tito Aldie niya sa anak nitong si Jansen sa kanyang papa.
" Sa tingin ko nga kumpadre dahil napapayag niya agad itong aking anak habang sa kanyang papa ay napakatigas ng ulo niyan. "
" Pa naman! " saway niya sa ama.
" Pa, pwede po bang mag-usap muna kami ni Kassandra ng sarilinan. " Nagulat siya ng tawagin ni Jansen na papa ang kanyang papa ng humingi ito ng permiso dito.
" Oo naman iho. Sige na iho at kami naman ng mga magulang mo ang mag-uusap. " pagtataboy na nito sa kanila.
" Jansen. You behave! " paalala dito ng mama nito na halatang may pagbabanta sa mga mata para sa anumang kalokohan na gagawin ng anak.
" Excuse us po tita. " Nahihiyang paalam naman niya sa mama nito.
" Iha start calling me mama okay! " Nakangiti naman nitong baling sa kanya.
" Sige po mama. "
" Okay iha! thats better! Pag may ginawang kalokohan yang si Jansen sabihin mo lang sa akin at malalagot sa akin ang batang yan. "
" Ma! gingawa mo naman akong bata niyan eh. " Reklamo naman dito ni Jansen.
Samantala ng magkasarilinan na sila ni Jansen ay nag-aya ito sa kanya na ilibot niya sa Rancho at Hacienda nila.
" Napakaganda at napakalaki pala nitong rancho at hacienda ninyo Kassandra I'm sure dito na ginugol ng papa mo ang buong buhay niya kaya sigurado namang malulungkot siya pag nawala ito sa inyo at baka hindi pa kayann ng puso niya! "
" Are you not yet done of warning me Jansen? " naiinis na niyang tanong dito dahil alam na niya ang tinutumbok nito.
" No...Kassandra! I'm just stating a fact. "
" I knew it already Jansen kaya hindi mo na dapat ulit-ulitin pa! " mataray na tugon niya dito.
" Well very good! Kassandra mabuti naman pala at maliwanag sayo ang bagay na yon. "
" Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta kayo ngayon? " sita niya dito para maiiwas na rin sa ibang bagay ang kanilang topic.
" I was also surprised Kassandra. I didn't know na bigla nalang susulpot sila mama ng walang pasabi at agad na mag-aaya dito sa inyo. "
" You should have called me to inform that you're coming. " Naiinis na wika dito ni Kassandra na inirapan pa ito. Samantala napaigtad naman si Kassandra dahil sa pagtunong ng cellphone niya na nakalagay sa bulsa ng maong shorts niya.
Dinukot niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at nakita niyang si Mike ang ang tumatawag.
" Hello Mike! Yes good morning. "
" Hello darling! Kusta kana? "
" Okay lang naman ako Mike. " sagot niya dito sa kabilang linya habang nakatingin kay Jansen na bigla nalang nagbago ang expression ng mukha ng marinig kung sino ang kausap niya.
" Ang papa mo kumusta na? " pangungumusta ni Mike sa papa niya.
" Medyo okay naman na ang papa. He's recovering now. " sagot nan ni Kassandra
" Nice too hear that Kassandra. Can I invite you for lunch today? "
" I'm sorry Mike we have visitors now. I can't leave. "
" Oh! sayang naman! don't worry marami pa namang araw na pwede kitang
i-tour. "
" Yeah...but I need to go back in Manila tomorrow. I've had a phone call from my secretary, there are things I need to settle first. "
" I'm really sorry Mike I wasn't able to tour you here. Maybe on your next visit we could have time to look and go around. "
" Oh sure Kassandra darling it's okay. I understand. "
" Thanks Mike. Bye. Ingat sa byahe mo. "
" Thanks darling bye. Take good care of yourself! " paalam na nito sa kabilang linya.
Ng matapos ang pag-uusap nila ni Mike ay saka siya parang imbestigador na ininterrogate ni Jansen.
" Sino ang Mike na yon? "
" He's a friend! " walang gana niyang sagot.
" Ayaw kong nakikipag friend ka sa kahit na sinong lalake Kassandra " , may pagbabanta sa tinig nito.
" And who are you para pagbawalan
ako! " agad naman niyang asik dito.
" I'm just your husband to be! at ayaw kong matsismis ang future bride to be ko sa kahit na sinong lalake. "
" You don't own me yet Jansen! wika niya dito sabay irap.
" You are now mine Kassandra. I owned you the moment you accepted my proposals. The moment you closed a deal to me makes you mine. "
" Jansen ipinaaalala ko lang sayo na hindi ako gamit. "
" Para sa akin you are! you are just one of my properties that I owned Kassandra. "
Nasaktan si Kassadra sa tinuran ni Jansen at noon lang siya nakaramdam ng panliliit sa sarili.
Wala na siyang sinabi pa! tinalikuran niya ito at bumalik sa garden kung saan nandon ang kanyang papa.
Nadatnan niyang masayang nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan ang kanyang papa sa mga magulang ni Jansen.
Noon nalang niya ulit nakitang ngumiti ang kanyang papa, sa loob ng napakahabang panahon.
May kung ano sa damdamin niya ang nagtulak sa kanya para lapitan ang kanyang papa at yakapin ito.
" Kassandra anak bakit? " takang tanong nito sa kanya.
" Nothing pa. I'm just so happy to see you laughing and smiling after a very long time. "
" It's because of you anak. You bring this happiness again."
" I'm sorry papa for being far with you for a long time. "
" It's okay iha but at least you're here now and I'm sure you'll stay for good. Alam mo kung ano pa ang mas makakapagpasaya sa akin Kassandra. Ang magkaroon na ng apo sayo. "
" Ang papa talaga! Matagal pa yon. "
Natuwa naman ang mga magulang ni Jansen na makita ang mag-ama sa ganung moment.
" Jansen narinig mo ang sinabi ni kumpadre kaya huwag kang babagal bagal diyan dahil gusto na rin naming magkaapo " wika naman ng papa ni Jansen habang nakatingin kay Jansen.
Bahagyang pinamulahan ng mukha si Kassandra sa tinuran ng ama ni Jansen.
" Don't worry pa! we will work it out. " Mabilis namang sagot ni Jansen.
" Good son! we are looking forward for that! Siyanga pala we have talked about your marriage, gusto sana namin eh maisaayos na ang lahat sa mas lalong madaling panahon kaya asikasuhin na ninyo ni Kassandara lahat ng requirements para sa inyong kasal. "
" We'll do that pa. Inaasikaso na po namin ang mga dapat asikasuhin. "
" Good iho. " Buong maghapon ang pamilya ni Jansen sa kanilang Villa at tila walang sawa ang mga ito sa pagkukwentuhan.
Si Jansen naman ay nagapaalam na dahil kailangan daw ito sa bangko na ipinagpasalamat naman ni Kassandra.
Hapon na ng magpaalam na uuwi na ang mga magulang ni Jansen.
Pagkaalis ng mga magulang ni Jansen ay may di naman inaasahang bisita si Kassandra. Si Margot.
" Yes! anong kailangan mo? " deretsahan niyang tanong dito?
Kassandra alam mong hindi ako sanay ng nakikiusap pero gagawin ko para sa lalaking mahal ko. Nakikiusap ako sayo huwag mong ituloy ang pagpapakasal mo kay Jansen. Itigil nyo na ni Jansen ang kahibangang ito. Alam kong mahal pa rin ako ni Jansen dahil the other night lang we made love. Pagmamalaki pa nito sa kanya. Nainis siya sa mga pinagsasabi ni Margot and the way she talk to her, eh parang inuutusan siya nito.
" Pwede ba Margot huwag ako ang kausapin mo kundi si Jansen and besides kung talagang mahal ka niya bakit ako ang pakakasalan at hindi
ikaw. " inis na tanong niya dito.
" Because he wanted to hurt me Because I had hurt him before." agad na sagot naman nito.
" Wala akong alam sa isyu ninyo noon ni Jansen basta ang alam ko lang ako ang pinipili niyang pakasalan. Hindi ako ang dapat mong kausapin sa bagay na yan. Kayo ni Jansen ang dapat na mag-usap and pwede ba huwag mo na rin ipilit ang sarili mo sa kanya dahil ikakasal na kami, actually kaalis lang ng parents niya at napag-usapan na ang kasal namin, I'm sorry Margot pero hindi ako ang dapat mong kausapin dahil si Jansen lang ang makakapagdecide sa bagay na yan. "
" Kassandra pwede ba huwag na tayong maglokohan! alam kong masasaktan ka lang pag nagpakasal ka kay Jansen dahil hindi ka naman niya mahal. "
Naiinis na talaga si Kasandra sa mga pinagsasabi sa kanya ni Margot, sino ba ito para utusan siya sa kung ano ang dapat niyang gawain. Sino ba ito para ipamukha sa kanya ang tungkol sa pagmamahal. Ipagduldulan ba sa kanya na hindi siya mahal ni Jansen.
" Margot ganito lang kasimple yan eh. Kung hindi niya ako mahal bakit niya ako pakakasalan at kung mahal ka niya bakit hindi ikaw ang pinili niyang pakasalan. Itanong mo Kay Jansen yan ng magkaroon ka ng katahimikan. If you'll excuse me at wala ka ng iba pang sasabihin eh makakaalis ka na. " Pagtataboy na niya dito na alam niyang galit sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
" Tandaan mo ito Kassandra. hindi pa tayo tapos huwag kang pakakasiguro na matutuloy ang kasal ninyo ni Jansen dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para pigilan yon dahil alam kong ako ang tototong mahal niya. "
Pagbabanta nito sa kanya. Ni hindi naman siya natinag sa banta nito. Pero nakaramdam siya ng sobrang inis dito at kay Jansen ng sabihin nitong may nangyari sa mga ito nung isang araw. For sure yon yong time na magkausap sila ni Jansen sa phone na bigla nalang naputol dahil sa pagdating nito.