A NIGHT WITH MY EX

2107 Words
CHAPTER EIGHT Tila pagod na pagod na inilapat ni Kassandra ang kanyang katawan sa kanyang malambot na kama, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga napag-usapan at napagkasunduan nila ni Jansen. Sinong mag-aakala na ang taong pinaka-ayaw niya at pinaka-kinaiinisan niya nung teen ager pa siya ay malapit na niyang maging asawa. Ano bang alam niya sa pag-aasawa, eh ni wala pa nga yon sa hinagap niya dahil focus siya sa kanyang career kaya kahit na maraming mapepera at mga kilalalang tao din ang nagkakagusto sa kanya ay hindi niya sinesoryoso kaya puro fling lang ang mga naging relasyon niya. Pagkagaling niya kanina kina Jansen ay sa Ospital ulit siya nagpahatid sa driver nito. Binantayan nya ang papa niya sa Ospital at natutuwa siya na makitang nagkamalay na ang kanyang papa. Nakausap na niya ang doktor nito at maaari na daw niyang iuwi ang kanyang papa pero kailangan pa daw nitong mag undergo ng theraphy para sa naapektuhang part ng katawan nito. Medyo nahiwit kasi ang mukha ng papa niya at hindi pa raw ito makakalakad dahil sa naging atake nito ay na-stroke ito pero may pag-asa pa naman daw na bumalik sa normal ang kanyang papa. Masaya na rin siya at nagpapasalamat na nagkamalay na ang papa niya. Ngayon niya lang naramdaman ang matakot para sa kanyang papa dahil ito nalang ang mayroon siya. Hinihila na siya ng antok ng muling magising ang diwa niya dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Nakita niyang si Mike ang tumatawag. Ang makulit niyang manliligaw. Mula din ito sa kilalala at mayamang pamilya. Ito ang nag-iisang anak ni Congressman Peralta. Hello! Yes Mike! Napatawag ka? tanong niya dito. Hello Honey! I called kasi nalaman ko sa manager mo na umuwi ka pala ng Quezon dahil sa papa mo. I just want to check how you are! and guess what I was here now in your town at one of the hotel here. " What! but why? what are you doing here? " nagtatakang tanong niya dito. To visit you and to show my support. Aren't you happy! Mike I appreciate your effort and concern for me but I want you to know that I'm fine! you don't have to worry about me. Good to hear that honey! I know you're a strong woman. Mike..please...stop calling me that way! Please Kassandra hayaan mo na ako na tawagin ka that way! hindi mo man lang ba ako iimbitahin na diyan na muna tumuloy sa inyo kahit as a friend lang. I'm sorry Mike kahit gustuhin ko hindi na pwede, kasi hindi na magandang tingnan at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao. Alam mo naman siguro mag-isip ang mga tao sa probinsya diba. Okay! I understand Kassandra! honey sana mabigyan mo ako ng chance to get to know me well. Please Kassandra.... I'm sorry Mike but I think I can't anymore! I'll be getting married. What! are you serious! gulat na gulat na tanong sa kanya ni Mike. yes Mike. I have committed myself to someone else. He's a family friend. Who? Do I know him. I don't think so! I hope you enjoy our place Mike. Have a nice evening! I'm sorry but I'm so sleepy now so if you'll excuse me maybe we can just talk tomorrow. Okay honey! I wish we could meet tomorrow, baka naman pwede mo ako ipasyal at i-tour dito sa lugar nyo. Okay Mike! sure! Good night! Pagka end niya ng call ni Mike ay bigla nanamang tumunog ang cp niya. Number lang ang nagregister sa screen kaya hindi niya alam kung sino ang 2matawag sa kanya. Yes hello! Hello! bakit ba laging busy ang phone mo! sino ba ang katawagan mo? Inis na tanong ng nasa kabilang linya. nakilala niya agad ang baritonong boses na yon na tila laging inis sa kanya sa tuwing tatawag. I'm sorry Vince. Tumawag kasi sa akin yong friend ko kasi nabalitaan daw niya yong nangyari kay papa sa manager ko kaya nangungumusta. Siguraduhin mo lang na hindi lalake yang katawagan at kalandian mo Kassandra. Ngayon palang ay pinaalalahanan na kita! Akin ka na! pag-aari na kita! ayaw ko ng may kahati! ang sa akin ay sa akin lang! wika nito sa kanya na punong puno ng pagbabanta. Hindi na talaga ito ang Vince na kilala niya dati. Ibang iba na ito sa Vince na kilala niya. Bigla siyang nakaramdam nang pagkainis dito. Hindi pa man sila mag-asawa ay akala mo isa lang gamit ang turing nito sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang magtaray dito sa kabilang linya. Pwede ba Vince! ano bang problema mo! kung makipaglandian man ako sa mga oras na ito! wala kang pakialam! hindi pa kita asawa! kaya may karapatan ako na kausapin o ang kahit na makipag date sa kahit na sino! baka nakakalimutan mong hindi pa tayo mag-asawa! Miss Kassandra Del Rio baka nakakalimutan mo rin na nagkaroon na tayo ng kasunduan. Now kung nagrereklamo ka sa lahat ng mga kagustuhan ko then pwede mo ng kalimutan ang napagkasunduan natin, pero ipinaalala ko rin sayo ang kapalit ng pag-atras mo sa kasunduan natin ay ang villa at ang rancho ninyo! ikaw ang humingi sa akin ng pabor Ms. Del Rio kaya dapat lang na sumunod ka sa mga terms and conditions ko now Ms. Kassandra tatanungin kita for the last time, pumapayag kaba sa napagkasunduan natin? wala itong pilitan Kassandra! ako ang taong napakadaling kausap. Okay! Vince! I got it! wala naman akong ibang choice diba. I am giving you a choice now Kassandra. Ang buhay mo sa piling ko, kapalit ng rancho at villa ninyo o ang buhay na malaya na gusto mo kapalit ng kabiguan ng papa mo! Bakit mo ba ito ginagawa Vincent? tanong niya sa binata sa kabilang linya. Because I am a bussinessman Kassandra. Hindi ba dapat nga magpasalamat ka pa sa akin because I am giving you the biggest favor. Madaming babae diyan ang nagkakandarapa sa akin para pakasalan ko sila but then I chose you dahil ikaw ang gusto ng papa ko! What is your final answer Kassandra. Okay I will marry you Vince and susundin ko lahat ng gusto mo kapalit ng rancho at villa namin. Good girl! good choice Kassandra. Now I expect that you'll behave and will follow my rules and conditions, Oh by the way I called to say that my parents will arrive tomorrow so you need to be prepared, tell your dad na mamanhikan na kami sa inyo one of this day. Sasagot sana si Kassandra ng maulinigan niya ang boses ng babae sa kabilang linya. Hello honey! malanding bati ni Margot sa nagulat na si Vincent. What are you doing here! Narinig niyang tanong dito ni Vince! Oh! c'mon Vince! bakit may nakakapagtaka pa ba. I used to come here! I used to sleep here with you honey! Narinig niya pang sagot ng tinig ng isang babae bago naputol ang tawag nito at biglang nawala sa kabilang linya. Nakaramdam naman siya ng sobrang inis kay Vince ng putulin nito ang tawag na hindi man lang nagpapa-alam sa kanya! Naninibago siya sa sarili niya dahil ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang inis. Naiinis ba talaga siya sa bigla nalang siyang pinagpatayan ni Vince o naiinis siya sa isiping may kasama ito ngayong babae. Kung hindi siya nagkakamali ay si Margot ang bisita nito. Akalain ba niyang ang mortal niyang karibal sa modelling ang ex girlfriend ni Vince. Of all people bakit ang babaeng yon pa! Ang antok ni Kassandra ay tila biglang naglaho dahil sa tawag sa kanya ni Vince. Biling baliktad siya sa kanyang higaan dahil hindi siya makatulog iniisip niya kung ano na kaya ang ginagawa ni Vince at ng babae nito. Hmp...ano kaba Kassandra! ano bang pakialam mo kung may kasama siya ngayong babae eh wala namang kayo! magpapakasal lang kayo dahil sa isang kasunduan bakit kaba naapektuhan. Saway ng isip niya sa kanyang sarili. Ang weird talaga ng pakiramdam niya! bakit ba iniisip niya pa rin si Vince kahit dis oras na ng gabi. Samantala si Vincent naman ay hindi rin makatulog! katabi niya ngayon si Margot na hindi niya natanggihan ng simulan siya nitong akitin! Hindi niya maintindihan ang sarili niya, kanina ay muntik ng may mangyari sa kanila ni Margot na normal lang sa kanila dahil dati naman nila yong ginagawa nung kasalukuyang magkasintahan pa sila pero biglang pumasok sa imahinasyon niya si Kassandra kaya naitulak niya si Margot! No! Margot this is wrong! Ikakasal na ako! You need to go home now! Pagtataboy niya dito. Nakaramdam naman siya ng awa dito ng umiyak na ito sa harapan niya! Pareho na silang walang saplot ng time na yun. Vince I still love you! I'm doing this because I want to make you feel that I'm still in love with you. Vince please even just for the last time, allow me to be with you, ang mayakap ka! ang makatabi ka at makapiling kang muli bago ka man lang ikasal. Ilang ulit siyang tinangkang akitin ni Margot ng gabing iyon pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw magresponse at makicooperate ng kanyang katawan dahil laging sumasagi sa kanya ang mukha ni Kassandra. Ano bang nangyayari sa kanya! Kinukulam ba siya ng babaeng yon. Nagising si Vince kinabukasan na katabi niya si Margot. Pareho silang hubad sa ilalim ng kumot. Mahigpit itong nakayakap sa kanya at kailangan niya pang tanggalin ang mga braso nito na nakayakap sa kanya para buksan ang kanina pa kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Bumangon siya at nagsuot ng pajama baka buksan ang pinto at laking gulat niya ng ang kanyang mama ang mabungaran niya sa pintuan. Ma! akala ko bukas pa uwi nyo dito! Nagtatakang tanong niya dito. Well iho naisip ng papa mo na dumerecho na kami dito pagkagaling namin sa airport. Ng makapasok ito sa kwarto niya ay nanlaki ang mata nito ng makita nito si Margot na nakahiga sa kama niya. Si Margot ay nagulat din ng bigla itong maalimpungatan at mabungaran ang mama ni Vince. Tita Mira! Margot! What are you doing here? I thought you are in New York! sita dito ng kanyang mama! Actually tita kararating ko lang poh last week. I'm sorry po kung nadatnan ninyo ako dito sa kwarto ni Vince. Vincent we need to talk! puno ng autoridad na utos sa kanya ng kanyang mama. And you Margot You better get dressed. Ayaw kong maabutan ka ng aking esposo sa kwarto ng anak ko! Hindi magandang tingnan. I'm sorry po tita. Tila nahihiya namang hingi nito ng paumanhin sa kanyang mama. Ng makalabas na siya sa kanyang kwarto at maiwan don si Margot ay galit na ininterogate siya ng kanyang mama. Vincent what is that girl doing in your room? Ma! I know what you're thinking! Ma wala pong nangyari sa amin nakitulog lang siya. Don't fool me Vince! I wasn't born yesterday! lalake ka at babae siya! ang haba ng magdamag! anong ginawa ninyo nagtitigan! Ma naman! ang sama ng iniisip ninyo agad! Ma hindi ba pwedeng natulog lang kaming magkatabi! Vincent umayos ka! bakit dinala mo dito sa bahay natin ang babaeng yan! Ma, hindi ko siya dinala dito. Siya ang kusang pumunta dito. Then bakit dito mo pa pinatulog! Ma pagtatalunan pa ba natin ito. Kumusta nga po pala ang byahe ninyo ni papa. Mabuti naman! pero kung ayaw mong sumama ang pakiramdam ng papa mo, paalisin mo na ang babaeng yan bago pa malaman ng papa mo na dito siya natulog. Aayain ko muna ang papa mo sa room namin then I'll mke sure na hindi muna siya lalabas then bring that girl out of our house. Yes ma, wag ka na magalit! Malambing siyang humalik sa pisngi ng kanyang mama at itinaboy na ito papunta sa kanyang papa. Bumalik siya sa kanyang room at nakita niyang bihis na si Margot. Nakaharap ito sa salamin habang nagsusuklay. Margot I'm sorry but you need to go now. But Vince, can I stay a little bit longer. Gusto ko pa sanang makipagkumustahan kay tita Mira. Margot this is not the right time. You need to go now. Pwede naman kayo magkwentuhan ni mama but not this time. okay! Wala namang nagawa si Margot ng ihatid na siya ni Vince sa labas at ipahatid sa driver nito. Bye Margot! Si Mang Ben na ang bahala sayo. Sabihin mo nalang sa kanya kung saan ka niya ihahatid. Samantala labis namang nakaramdam ng inis si Margot sa naging pagtrato sa kanya ni Vince. Tuluyan na nga yata itong naagaw sa kanya ni Kassandra. Pero hindi siya makakapayag gagawin niya ang lahat para mabawi si Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD