THE PROPOSALS

2073 Words
CHAPTER SIX Kanina pa naghihintay si Jansen kay Kassandra sa restaurant na yon. At talagang inis na inis na siya sa dalaga. Ano ang karapatan nitong paghintayin siya! wala pang babaeng gumawa non sa kanya. At ito ang may kailangan sa kanya kaya wala itong karapatang paghintayin siya! Samantala habang inip na inip na si Vince sa paghihintay kay Kassandra ay sobrang saya naman si Kassandra, dahil nagkamalay na ang kanyang papa. Masayang masaya niyang niyakap ang kanyang papa. Nasa ospital siya non at kasalukuyang dinadalaw ang kanyang papa. "Papa at last you're awake! I'm so happy papa! sobra mo akong tinakot at pinakaba!" Maluha luhang pahayag ni Kassandra sa ama. "Fighter ang papa mo iha" "Yes papa I think so kasi mana ako sayo eh!" "Iha gusto ko ng umuwi...kung maaari sana ay doon nalang ako sa atin magpagaling kasi parang mas lalong madadali ang buhay ko dito sa ospital eh...aba ay kailangan ko din naman ng fresh air..." Pagbibiro pa nito, na nakakangiti na. "Yes pa, dont worry! itatanong ko po sa doktor ninyo kung pwede ko na kayong iuwi at sa bahay nalang ituloy ang medication mo!" "Thank you iha! sana naman ay pumayag na si dok." Natigil ang pag-uusap nilang mag-ama ng walang tigil sa katutunog ang kanyang cellphone. Kinabahan siyang bigla ng makitang si Vincent ang tumatawag. Ngayon nga pala ang usapan nila nitong magkita. Biglang nawaglit sa isip niya dahil sa kasiyahang nagkamalay na ang kanyang papa. "Hello! kinakabahan niyang sagot sa tawag nito" "Yes hello! where the hell are you? galit nitong tungayaw sa kanya sa kabilang linya" "I'm just reminding you Miss Del Rio na ikaw ang may kailangan sa akin, so you don't have the right para pagmukhain akong tanga kakahintay sayo! sinasayang mo ang oras ko!" " Jansen please let me explain first. An emergency came up! I am here at the hospital but I will be there, just give me at least twenty minutes and I'll be there! please...I apologized!" Tila nahimasmasan naman sa galit si Jansen ng marinig ang paliwanag ng dalaga. "Okay Miss Del Rio I'll give you twenty minutes to be here as your request, but just make sure that you'll be here on time or else wala na tayong dapat pag-usapan pa" May diing banta niya sa dalaga. "Okay Jansen I'll be there! Thanks" "Pa sorry but I have to go now. I forgot that I have a meeting today but I'll be back" May pagmamadaling paalam niya sa ama. "Okay iha! mag-iingat ka" Nagmamadali ng umalis si Kassandra. At baka nga seryosohin ni Jansen ang banta nito. Hindi pwedeng mawala sa kanila ang villa at hacienda dahil baka hindi kayanin ng papa niya. Dahil malapit lang naman ang ospital kung saan naka confine ang papa niya ay wala pang fifteen minutes ay nasa restaurant na siya kung saan inip na naghihintay si Jansen. "At last you're here!" Irita nitong bungad sa kanya. Pero kahit sambakol na ang pagmumukha nito dahil sa paghihintay sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang humanga dito. Lalaking lalake kasi ang dating nito sa kanya. "I'm sorry to keep you waiting!" Agad niyang hingi ng paumanhin dito. "You shoud be Miss Del Rio, because you are wasting my time" Please have a seat, so we can discuss my proposals to you. But before that let's eat first...dahil nagutom ako sa kahihintay sayo. "Waiter!" tawag nito sa waiter. "Yes sir!" what is you're order sir? tanong dito ng waiter... Ng masabi na nito ang order niya sa waiter ay bumaling naman ito sa kanya. "How about you Miss Del Rio?" tanong nito sa kanya. Dahil nakaramdam na rin siya ng gutom ay nag-order na rin siya, pero puro vegetable lang inorder niya at hindi siya nag-order ng rice. Napatingin naman ito sa kanya, nagtataka at tsaka nagtanong. "Are you sure yan lang ang order mo? No rice at all?" "Yes that would be all. Thank you" Habang kumakain ay wala silang imikan ni Jansen bahagya siya nitong tinatapunan ng sulyap na kaagad din namang binabawi pag nahuhuli niya. Maganang magana ito kumain at ganon din naman siya. Satisfied na siya sa vegetables na sinerve sa kanya kasi masarap naman ito. Malambing na boses ng babae ang nagpalingon sa kanila ni Vince. "Hello Jansen darling! I'm glad that I see you here!" "Margot? so what are you doing here?" takang tanong nito kay Margot. "Of course I'm here to eat Jansen. So can I join on your table? mukha kasing wala ng vacant" "Okay sure! agad namang pagsang-ayon nito. Actually we're about to leave." "Oh really! c'mon Vincent, nakita mo lang ako aalis na agad kayo? Oh by the way is she your new secretary?" Tanong nito kay Jansen sabay baling ng tingin sa kanya, kaya napatingin din siya dito at ngayon niya lang napagtanto kung sino ito, hindi siya maaaring magkamali, ito si Margot Agustin ang naging karibal niya dati sa modeling. At napatingin din naman ito sa kanya. At biglang nangislap ang mga mata nito. "Oh wait! what a small world! I never thought na magkikita tayo dito Kassandra Del Rio. Wala ka na bang project kaya nag-apply ka nalang secretary nitong si Jansen?" Tila nanunuya na tanong nito sa kanya. "Margot stop it!" agad namang saway dito ni Jansen. "Kassandra is not my secretary, she's my fiancee" Nagulat siya sa sinabi ni Jansen at napatingin siya dito. Pero parang mas higit na nagulat si Margot. "What!...I can't believe this Jansen! is this one of your way of hurting me!? How could you Jansen!? "I'm sorry Margot but that's the truth. Oh by the way I am inviting you to our wedding. You are free to come Margot. Anyway me and my fiancee got to go, because we still have our appointment to our wedding planner. Have a nice day Margot. Hope you enjoy your meal." Tila nang-aasar nitong paalam kay Margot. "Let's go honey." Aya nito sa kanya na inalalayan pa siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Nagulat pa siya ng gagapin nito ang kanyang palad at magkaholding hands silang lumabas ng restaurant. Hindi maipaliwanag ni Kassandra ang naramdaman niya simpleng holding hands na yon ay tila may kilabot na hatid sa kanya. Ewan ba niya pero sa dami ng boy friend niya ngayon lang siya nakaramdam ng kaba sa simpleng hawak sa kamay. Tinginan ang mga kumakain sa kanila sa restaurant na yon at habang papalabas sila ay narinig niya pa ang komento ng isang teen ager na kumakain don. "wow! what a perfect couple! bagay sila!" Narinig ng matalas niyang taynga na komento ng teen ager. Di niya lang alam kung umabot din ito sa pandinig ni Jansen. Hindi na nagtanong pa si Kassandra sa palabas ni Jansen. Nakiaayon na lang siya dito. Iginiya na siya nito sa sasakyan nito. "Vince I have my own car." "You'll go with me!" mariin nitong wika sa kanya. "Ipa pick up mo nalang sa driver ninyo ang kotse mo dahil sa kotse ko ikaw sasakay. Remember hindi pa tayo nakakapag-usap tungkol sa proposals ko." Walang nagawa si Kassandra kundi ang sumunod sa kagustuhan ni Jansen. Ng makasakay na siya at magsimula na silang tumakbo ay di niya naiwasang magtanong dito. "Vince where are we going?" "On my place." Agad nitong sagot. Wala sila nitong imikan habang nasa byahe hanggang sa makarating sila sa Villa ng mga ito. Napakaganda ng Villa ng mga ito. Mukhang bagong pintura at renovate. Medyo modern na ang architecture nito. Napakalawak din ng bakuran ng mga ito. Malayong malayo sa Villa na dati nilang binibisita at pinupuntahan ng dad niya kapag bumibisita sila sa mga ito. "Magandang umaga po sir!, magandang umaga po mam" Bati sa kanila ng mga katulong nito. "Manag Doray makikidalhan po kami ng maiinom sa library" utos nito sa katulong habang siya ay nakasunod lang dito." Malaki ang library nila Jansen. Kalahati lang nito ang library nila sa villa. "Have a seat Miss Del Rio" utos nito sa kanya. "Anyway about don sa pabor na hinihingi mo sa akin about sa Villa ninyo at sa papalubog ninyong hacienda. Well honestly Kassandra, I'm a businessman at sa tingin ko kahit anong gawin mo hindi mo malilikom ang halaga ng pagkakasanla ng papa mo sa bangko ko sa loob lang ng isang buwan kaya as a businessman I will give you a fair deal. Marry me kung gusto mong mapabalik ulit sa inyo ang Hacienda at Villa ninyo." "What!" Hindi makapaniwalang bulalas niya dito. "You heard me! right? Hindi ka naman siguro bingi. Don't worry it will be marriage for convenience only. Pakakasal ka sa akin katulad ng gusto ng papa mo at papa ko. Mapagbibigyan na natin sila maibabalik pa sa inyo ang papalubog na ninyong hacienda, pero syempre as a businessman kailangan din naman may makuha akong interes o tubo sa ipinahiram ko sa papa mo. Malaking pera yon. Kahit na mag-asawa lang tayo sa papel kailangan mong gampanan ang papel ng isang asawa. Meaning kailangan mong asikasuhin at ibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Lahat Kassandra. Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang sinasabi ko. Bilang lalake may pangangailangan din ako. So, kung gusto kong gamitin ka, wala kang karapatang tumanggi. And one thing more wala kang pakialam sa personal na mga lakad ko at escapades ko, meaning wala kang karapatang magreklamo at magtanong sa lahat ng gusto kong gawin at magiging mga lakad ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Now are you in or are you out?" Tila nanghahamon nitong tanong sa kanya. Pagkatapos ng mahaba nitong litanya. Kinabahan siya sa proposals nito dahil lahat ng sinabi nito ay pumapabor dito. Pero may choice ba siya? May pagpipilian ba siya? Wala naman diba. Kaya wala siyang nagawa kundi lunukin lahat ng pride niya at makiayon sa baluktot nitong mga plano. "Okay. Ikaw ang masusunod! wala naman akong pagpipilian diba!" "Good! buti naman alam mo yan Kassandra! dahil wala ka naman talagang ibang choice. Now let's sealed our deal with a kiss" Nagulat nalang siya ng itayo siya nito mula sa pagkakaupo at hapitin sa baywang palapit dito. Ng halikan siya nito ay hindi niya ngawang tumutol. Parang biglang nanigas ang katawan niya at nanginig ang mga tuhod niya. Ng lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya ay tila may boltahe ng kuryente na bumalot sa katawan niya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya sa tuwing nagdidikit ang katawan nila ni Jansen. Ano kaba Kassandra! bakit kaba nagkakaganyan! eh ilang lalake na ang nakahalikan mo diba! pangangastigo niya sa sarili sa isip lang niya! Halos mapugto ang hininga niya ng maghiwalay ang mga labi nila. "Well the way you kiss mukhang hindi naman ako malulugi sayo! mukhang sanay na sanay ka!" tila pang-iinsulto sa kanya ni Jansen. Agad siyang pinamulahan sa pagkapahiya. "Tapos ka na ba?" Pilit niyang pagpapakatatag na tanong dito. Kahit na deep inside ay gusto na niyang maiyak sa sobrang pang-iinsulto nito sa kanya. "Hindi pa! Actually nagsisimula pa lang ako!" tila pang-aasar pa nito sa kanya. "I have to go! baka hinihintay na ako ni papa!" Nagtatapang tapangan na wika niya dito. "Not so fast Kassandra!, Why don't you stay here for a night with me!" Patuloy na pang-iinsulto nito sa kanya. Inis na tinitigan niya ito at saka nagsalita. "Mr. Benitez, as far as I know hindi pa nagsisimula ang kasunduan natin kaya kung pwede ikiskis mo muna yan sa pader!" Inis na inis niyang wika dito. At dahil sa sinabi niyang yon ay napahagalpak ito ng tawa.... "Hahaha!!! Miss Del Rio hindi ko kailangang gawin yon dahil mismong mga babae ang naghahabol sa akin at handang ibigay ang kanilang sarili" Pang-aasar at pagyayabang na wika nito sa kanya. "Yon naman pala! eh di wow!" inis na wika niya dito. "Okay Miss Del Rio, we have a deal now. Ipapatawag nalang ulit kita tungkol sa details ng kasal natin. Ibabalita ko muna kina mama at papa ang tungkol sa plano nating pagpapakasal para naman makauwi na sila dito and I hope during our wedding ay magaling na ang papa mo. Have a good day Kassandra! Ipahahatid nalang kita sa driver ko." Pagkasabi nito non ay sabay na silang lumabas ng library at hindi na siya nakatutol ng akbayan siya nito papalabas ng library. Ng makalabas na sila ng library ay naktingin sa kanila ang mga nanunuring mga mata ng mga kasambahay nito ganun din ng driver na inutusan nitong maghatid sa kanya sa Villa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD