LOOKING BACK AND THE PLAN

1689 Words
CHAPTER FIVE Hindi ni Jansen maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya sa muli nilang paghaharap ni Kassandra. Hindi niya maiwasang tumingin sa salamin at pagmasdan ang sarili. Ganon ba talaga kalaki ang pinagbago niya para hindi siya nito makilala. Natutuwa siya sa naging reaksyon nito sa muli nilang paghaharap lalo na ng malaman nito kung sino siya. Ngayong nakapasok na siya sa buhay nito sisiguraduhin niyang pagbabayaran ni Kassandra ang ginawa nitong pananakit sa kanya 16 years ago. Napakatagal na panahon na pero kailan man ay hindi yon nawala sa kanyang isipan at nag-iwan yon ng malalim na sugat sa kanyang puso. Hindi maiwasan ni Jansen na muling magbalik tanaw sa nakaraan.... FLASHBACK.... Magkababata sila ni Kassandra. Matalik na magkaibigan ang papa niya at papa nito kaya madalas na magbonding ang pamilya nila kaya palagi silang nagkikita ni Kassandra. Bata pa lang ay likas ng maganda si Kassandra kaya kahit musmos pa sila ay hindi niya maiwasang magka crush dito pero may pagka spoiled brat at pagkamaldita ito. Nasanay ito na nakukuha ano mang gustuhin nito. Hindi niya makakalimutan ang naging first encounter nila nito. Sa Manila sila dati naninirahan hanggang sa mapagpasyahan ng dad niya na sa San Ildefonso nalang sila manirahan. Bumisita sila non sa Villa ng mga ito. Habang masayang nagkukwentuhan ang mga magulang nila ay mag-isa siyang naglalaro sa hardin ng mga ito na maraming nagliliparang paru paro. Naaliw siyang habulin sa hardin ang mga ito. " Yaya Martha who's that boy? " tanong ng batang si Kassandra sa yaya niya na kadarating lang galing school. " Hindi ko din alam Kassandra, baka anak ng bisita ng papa mo. " sagot naman ng yaya niya. " Tayo na sa kwarto mo Kassandra ng makapagpalit ka na ng damit. " " Mauna ka na po yaya. Susunod nalang po ako. Kakausapin ko lang po ang batang yon. " tugon niya sa kanyang yaya. " Hoy bata! sino ka? " mataray na tanong ni Kassandra sa batang lalake na naglalaro sa hardin nila. Napatigil naman si Jansen sa paghabol sa mga paru paro at napatingin sa batang nagtanong. At nang makita niya ang batang babae eh may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag! Agad siyang humanga sa taglay nitong ganda. " Hoy tinatanong kita! patuloy na pagtataray nito sa kanya. Pipi ka ba? hindi ka ba marunong magsalita? ang sabi ko, sino ka at anong ginagawa mo dito? " " Hello! " tila natauhang sagot naman niya dito. " Sabi ko sino ka? anong pangalan mo? " mataray na tanong ulit nito sa kanya. " Ako si Jansen. " Pagpapakilala niya dito... " ah! eh anong ginagawa mo dito? " tanong na muli nito sa kanya. " Kasama ko ang mama at papa ko na kaibigan ng papa mo. Binibisita nila ang papa mo! " sagot naman ni Jansen dito. " Bakit ngayon lang kita nakita! Taga saan ba kayo? " muling tanong ni Kassandra dito. " Sa Manila kasi kami naninirahan, pero lumipat na kami dito! " sagot naman ng batang si Jansen. " ah...talaga taga Manila ka! hindi halata ha! akala ko isa ka lang sa mga anak ng trabahador namin sa Hacienda. " Mataray na wika nito habang nakataas ang kilay at nakapamaywang pa! Pagkasabi non ay walang sabi sabing iniwan na siya nito. Nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Jansen ng may di inaasahang bisita siyang dumating. Si Margot ang ex girlfriend niya! " Hello babe! " malambing nitong bati sa kanya na agad naipulopot ang dalawang kamay sa kanyang leeg. " Margot...ano ba what are you doing here? " paano ka nakapasok dito... " Jansen darling! simply because you didn't lock your door..." " I miss you darling! " puno ng paglalambing ang boses nito at agad nitong naapuhap ang kanyang labi at hinalikan siya. Ng tangkain niyang pigilan ito ay mas nagkaroon pa ito ng pagkakataon para palalimin ang halik at natakot siya na baka kung saan pa yon mapunta kaya naitulak niya ito. " Margot ano ba! " " What's the matter with you Jansen! dati naman na natin itong ginagawa ah! " inis na reklamo nito. " Stop it Margot! bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo! matagal na tayong wala! " " Jansen kaya nga nandito na ulit ako eh! para ibalik natin sa dati ang lahat! pwede pa naman hindi ba! binata ka pa rin naman at dalaga pa rin ako. We can still work it out babe. Sabi nga nila Love is sweeter the second time around! " malambing na wika nito. " Pwede ba Margot nakapag move on na ako sayo...so please spare me. I don't want another head ache again. Just live your life and leave me alone! " inis na wika niya dito. " No! Jansen you're mine! I still love you! " nagsusumamong wika nito " That's not true Margot! sarili mo lang ang mahal mo! so never say that again cause you really never mean it. " may galit na tugon dito ni Jansen. " Jansen alam kong nagkamali ako dati ng mas piliin ko ang career ko over you pero nandito na ako ngayon at ikaw na ang pinipil ko! " muli nitong pagsamo sa kanya. " It's too late Margot! dahil may iba na akong mahal! " sagot niya dito. " Really! ? at sino naman ang babaeng yan! " inis na tanong nito sa kanya. " One of this day ipakikilala ko rin siya sayo but as of now please get distance from me dahil ayaw kong ikaw pa ang maging dahilan ng ipagkakasira namin! " may diing utos ni Jansen sa dating kasintahan. " I don't believe you Jansen! I know its just one of your excuse para gantihan ako! " hindi naniniwalang react ni Margot. " Wala akong magagawa kung yan ang gusto mong isipin Margot. " balewalang sagot naman ni Jansen dito. " You should leave now bago pa lumalim ang gabi. " pagtataboy na niya dito. " Jansen naman ipinagtatabuyan mo ba ako! Hindi mo ba ako pwedeng dito nalang muna patulogin. " Reklamo nito sa kanya. " No Margot you cannot stay here dahil baka makarating pa sa fiance ko! so you better leave! " patuloy na pagtataboy niya dito. " Sino ba yang fiance mo na yan!? parang wala naman akong nabalitaan na naging girlfriend mo simula nong nagbreak tayo. " tila hindi kumbinsidong pag-uusisa nito sa kanya. " It's none of your business Margot! Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Just leave now! " inis atalamig niyang turan dito na hindi matagalan ang kakulitan nito. " Okay fine Vince! Sige aalis ako ngayon pero itong tandaan mo Jansen hindi ako titigil hanggat hindi mo ako napapatawad at muling tanggapin sa buhay mo. I never stop on loving you Vince " malungkot nitong wika bago umalis. Ng makaalis si Margot ay agad na pumasok sa shower room si Jansen para patayin ang init na binuhay nito sa pagkakalaki niya. Dahil sa muling pagbabalik ni Margot ay nakaisip na ng idea si Jansen kung anong hihingiin niyang kapalit kay Kassandra sa hinihingi nitong pabor sa kanya. Makakaganti na siya sa pananakit nito sa kanya 16 years ago at makakaganti rin siya kay Margot sa pambabalewala nito sa marriage proposal niya dito dati. At ang pinaka maganda pa don ay mapagbibigyan niya pa ang kahilingan ng kanyang papa. What a bright idea, mukhang mapapadali sa kanya ang lahat dahil umaayon sa kanya ang pagkakataon. Pagkatapos magshower...ay hindi na nawala sa isip niya si Kassandra at ang masamang balak niya laban dito. Habang nakahiga na sa kanyang kama ay naisipan ni Jansen na tawagan na si Kassandra sa number na ibinigay nito sa kanyang sekretarya. Samantala si Kassandra naman ay biling baliktad sa kanyang higaan. Nasa isip niya pa rin ang naging pagkikita nila ni Jansen kanina. Hindi niya lubos maisip na ang lalakeng gustong ipakasal ng kanyang papa ay napakalaki ng naging pagbabago. Hindi lamang sa pisikal na itsura nito kundi pati na rin sa antas ng pamumuhay at narating nito sa buhay. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa katabi ng kanyang lamp shade. Sino nanaman kaya ang tumatawag sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya ng makitang hindi naka-phone book sa kanya ang number ng tumatawag. " Hello! Good evening! who's this please? " Magalang niyang tanong sa kabilang linya. " Hello is this Kassandra Del Rio? " sagot naman ng kausap niya sa kabilang linya. " Yes...speaking! who are you? " balik tanong niya dito? " This is Jansen! " sagot naman ng baritonong tinig sa kabilang linya. Biglang nakaramdam ng pinaghalong kaba at excitement si kassandra ng malaman kung sino ang nasa kabilang linya. " Yes..Jansen! npatawag ka? " " Well Miss Del Rio this is about sa pabor na hinihingi mo sa akin. Let's talk about it tomorrow. " " You mean Jansen you are considering my request!? " masaya niyang tanong dito. " Don't be so much excited Miss Del Rio, we are still going to discuss it tomorrow, it depends sa magiging agreement nating dalawa. I still have to lay down my proposal to you kapalit ng Hacienda at Villa ninyo and if we both agree then the Hacienda and the Villa will be yours again. " paliwanag nito sa kanya. " Thank you Jansen! " masaya niyang pasasalamat dito. " Huwag mo muna akong pasalamatan Kassandra dahil hindi mo pa alam kung ano ang kapalit na hihingiin ko. " paalala naman niya dito ng mahimigan ang pag-asa at kasiyahan sa boses nito. " Anything Jansen. " sagot niya dito. " Very good kassandra then we'll talk about it tomorrow. I'll just text you kung saan tayo magmimet and what time. I still need to check for my schedule and appointments tomorrow. Okay bye. " Paalam na nito sa kanya. " Yes....Sana hindi na magbago ang isip ni Jansen. Kahit ano pa ang hingiin niyang kapalit I am willing to take it para kay papa at sa Hacienda at Villa. Dahil sa tawag ni Jansen ay napanatag na ang kalooban ni Kasandra. At nakatulog na siya ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD