MEETING THE HUNK BANK OWNER

1417 Words
CHAPTER FOUR Abala pa rin ang isip ni Kassandra ng mga isipin na bumabagabag sa kanya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Ang manager niyang si Jaszha ang tumatawag sa kanya. "Hello Kass. How are you?" masaya nitong bati sa kanya sa kabilang linya. "I'm not fine!" malungkot niyang sagot dito. "Why? what happened? How's your dad?" "He's not yet okay! He's still in the hospital but the doctor said he'll be fine. Jaszh! ang dami dami ko ng problema. Reklamo niya sa manager niyang bading." "Dont worry girl! Cheer up! I'm sure malalagpasan mo din yan! Siyanga pala I have a good news to you." Masaya nitong pagbabalita. "Really! What about?" "I have received a proposal from a very well known clothing company here and abroad and they want to hire you as their model for their new clothing signature. Naku darling this will be a very big break for you. This is what we've been waiting for." "Talaga! that's a good news!" matamlay pa rin niyang wika. Gustuhin man niyang maging masaya para sa magandang balita nito pero hindi pa rin niya magawa. kasalukuyan siyang nasa bangko para sana makiusap sa manager ng bangko na pinagsanlaan ng papa niya na bigyan pa sana sila nito ng mas mahabang palugit para makalikom ng pera na pantubos pero inirefer siya nito na sa may-ari na ng bangko makiusap kaya heto siya ngayon at matiyagang naghihintay na tawagin siya ng secretary ng may-ari ng bangko para makausap ito. "Hello! Kassandra darling! are you still there? bakit parang hindi ka yata masaya sa ibinalita ko." Reklamo ng manager niya. "I'm sorry Jaszh I'm here at JCB bank right now. I'll talk to the owner of the bank to give us more time para matubos ang Rancho at ang Villa namin." "Well darling cheer up maybe this project will be the answer to your problem. Kikita ka ng malaki dito. Makakaipon ka ng sapat na pera para matubos ang rancho at villa ninyo." "I'm not sure Jaszh! I'm running out of time konting panahon lang ang ibinigay sa amin. I'll call you back later Jaszh. Ipinatatawag na daw ako ng may-ari." "Okay darling! Go ahead." "Miss Del Rio. Ipinatatawag na po kayo ni boss. This way mam" pag-aalay sa kanya ng secretary nito. Pagkapasok nila ng secretary nito sa opisina nito ay tumambad sa kanya ang matipunong likod ng may-ari. Matangkad ito, matipuno ang pangangatawan at mukhang bata pa. Nakatalikod ito sa kanila dahil mukhang may hinahanap itong papeles sa filling cabinet. "Excuse me...Boss JC andito na po si Miss Del Rio." "Okay Nancy you may leave her here." Narinig niyang wika nito in a voice na very manly at puno ng authority but he didn't even bother to look at them. Patuloy pa rin ito sa ginagawa nito. "Okay sir I'll go ahead! iwan ko nalang po dito si Miss Del Rio. Mam maupo po muna kayo. Maiwan ko na po kayo." "Okay. Thank you. " Sagot pasasalamat niya sa secretary nito at nginitian niya ito bago lumabas. Pagkalabas ng secretary nito ay biglang harap ito sa kanya. At hindi niya maipaliwanag ang paghangang kanyang naramdaman ng mapagmasdan ang kabuuan nito he's a real hunk at napakagwapo nito. Mukhang bata pa para maging may-ari ng isang malaking bangko sa bayan nila. Mistula siya isang fan na na-i-star struck sa kanyang iniidolo. "Are you satisfied with how I look Miss Del Rio!" tila may halo ng pang-uuyam ang boses nito. "Hello sir Good Morning!" tila nauutal niyang bati dito ng tila matagpuan niyang muli ang kanyang dila sa saglit na pagkatulala sa kagwapuhan nito. Matiim siyang pinagmasdan nito. Mga titig na tila ba tumatagos sa kanyang kalamnan bago ito sumagot ng pagbati sa kanya. "Good morning din sayo Miss. Del Rio. Or can I just call you Kass, just like the old times. Well...It's nice to see you again." Nakangiti nitong bati sa kanya. "I'm sorry sir! but I dont think I know you!" tila naguguluhang wika ni Kassandra. "Of course you know me well Kass. Tumira ka lang sa siyudad eh nakalimutan mo na ako kaagad." "I'm sorry! I just don't really remember you." "Oh it's okay! By the way what can I do for you?" "Pwede ko ba munang malaman kung sino ka bago ko sabihin ang talagang sadya ko." Hahaha!!!!malakas na tawa nito na tila may kasamang pang-aasar. Hindi mo naba talaga ako matandaan Kassandra!? " okay Miss Kassandra Del Rio I want to introduce myself to you! I'm Jansen Carl Benetez the owner of JCB bank and you can call me Jansen for short." Hindi makapaniwala si Kassandra na ang kababatang si Jansen na ang kaharap niya ngayon. Napakalaki kasi ng ipinagbago nito. Ang dating patpatin at uhuging si Jansen dati ay isa ng great hunk ngayon at akalain ba niyang ito pa pala ang may-ari ng JCB bank. " Jansen? ikaw ba talaga yan." " Yes Kassandra! Bakit parang sobrang amazed ka? wala na ba talaga ang bakas ng dating Jansen? " Pang-uuyam nito sa kanya na tila naging cold ang tinig. " Well I am a busy person Kassandra so I will just give you ten minutes to speak with you. So kung ano man yong reason mo ng pagpunta dito at pakikipag-usap sa akin. You better start now." Kahit nayayabangan si Kassandra sa klase ng pakikiharap sa kanya ni Jansen ay wala siyang nagawa kundi ang magpakumbaba dahil siya ang may kailangan. " Jansen alam mo naman siguro na sa bangko mo isinanla ng papa ang villa at ang rancho ang gusto ko lang naman sana eh bigyan mo pa kami ng mas mahabang palugit para matubos ito." " Kassandra do you really know what you are asking for. I already gave your dad a very long time to pay for the money he borrowed from my bank. Kassandra bussiness is bussiness. " " Jansen please....." samo niya dito. " " Did I hear it right? Marunong na pala gumamit ng please at makiusap ang prinsesa ng Hacienda Del Rio ngayon. " " I'm sorry Kassandra but I have given enough time to your father at nasagad niya na yon." " Jansen nasa Ospital si papa ngayon at hindi maganda ang kondisyon niya. Magbabayad naman kami eh. We just need more time. " " Hindi ko kasalanan kung nasa ospital ang papa mo Kasandra so don't use that trick on me. " " So hindi mo kami mabibigyan ng enough time para matubos ang hacienda namin sa bangko mo. " " I'm so sorry Kassandra but as what I have told you, business is business. Kung wala ka ng iba pang sasabihin, you may leave now. " " Hindi naba talaga magbabago ang desisyon mo Jansen. Kahit man lang para sa papa. Para sa pagkakaibigan nila ng papa mo." " Hindi si Papa ang may-ari ng bangko na ito Kassandra kundi ako. At si papa ang kaibigan ng papa mo at hindi ako. " malamig na wika ni Jansen sa kanya. " Jansen hindi kakayanin ng puso ni papa, pag nawala sa amin ang Hacienda kaya please nakikiusap ako! " Muli niyang pakiusap kay Jansen pero para itong bato. He was so cold. Hindi na ito ang dating Jansen na kilala niya. " Well Miss Del Rio. Let me think about it first. But I just want to make it clear to you Miss Del Rio na lahat ng hihingiin mong pabor sa akin ay may kapalit. " malamig pa ring wika nito na matiim na nakatitig sa kanya. " Handa akong ibigay lahat ng kapalit na hingiin mo basta kaya ko huwag lang mawala sa papa ko ang Hacienda at ang Villa. " Matapang na sagot dito ni Kassandra. " Okay let me have your number and I'll just call you kapag nakapagdesisyon na ako. Just leave your number to my secretary and I'll just give you a call. Don't call me, I'll call you. " Bilin nito sa kanya. " Good bye Miss Del Rio.. I still have an appointment today so I can no longer spend time to talk to you right now. " Tila pagtataboy na nito sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo na at malungkot na lumabas ng opisina nito. Pagkalabas niya ng opisina nito ay tumigil siya sa table ng secretary nito at iniwan niya ang number niya dito. " Good bye Miss del Rio. " Paalam ng mabait nitong secretary. " Good bye. Miss Nancy. Thank you. " Pagpapaalam na rin niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD