11

1106 Words
Pagkatapos maglabas ng saloobin ni AC tungkol sa pamilya niya somehow naunawaan ko rin ang side niya. Though di ko naman dinanas ang mga napagdaanan niya dahil buo ang pamilya ko.Kulang lang ako sa kapatid pero napupunan naman ng mga pinsan ko at mga barkada kahit papaano.Masaya pa rin na may kasama akong lumaki. Pero si AC,mahirap talaga ang sitwasyon niya na di buo ang pamilya. Araw araw mong maririnig ang magulang na nagsusumbatan,nagbabaliwalaan at worst fighting pa minsan. AC is brave young lady.Imagine na lumaki siya na kulang sa kalinga at pagmamahal ng ina..She is tough enough.Kahit minsan makukulitan ka sa ugali na pag ginusto nito di mo mapipigilan. Ngayon mas naunawaan ko na kung bakit siya mas madalas na snob o tahimik. Mahirap talaga na di ka maapreciate.Madalas siya sa mga kaibigan dahil sila ang nakakaintindi dito. Bumalik na kami sa taas ng villa at nagpasyang magpahinga na.Di na namin nakita ang mga kaibigan nito.Ewan ko lang kung tinawagan ba iyon ng dalaga. Hinubad ko na lamang ang suot kung jacket at nahiga sa couch habang nasa banyo si AC. Nanood muna ako ng tv pampaantok.Si-net ko ang timer ng tv incase na makatulog ako kaagad. Bumalik naman agad ang dalaga sa kuwarto.Hindi naman na ako ginulo pa.Marahil nagpapahinga na rin ito. Kinaumagahan ay maaga akong nag asikaso ng mga gamit para umuwi.Sa daan na lang daw kami kakain suhestiyon ni AC,okey naman sa akin kaya lumarga na kami bago pa mag alas siyete ng umaga.Tutal bayad naman na ang staycation namin sa Resort. Nag almusal kami ng pansit lomi sa kainan along the highway.Kahit papaano masasabi ko na medyo nagkaroon na kami nang palagayang loob sa isa't isa.Nagkukuwento na rin ang dalaga ng mga saloobin nito sa gusto nitong maging trabaho pagkagraduate ng College.Gusto sana nitong sa maynila magtrabaho.Mukhang totohanin nito ang pag alis sa poder ng ama pagka-nagkaroon na ito ng pakpak para lumipad at mamuhay ng sarili. Palangiti rin pala ang dalaga.Mga bagay na akala ko ay di nito kayang gawin sa pagkakataong magkausap kami noon.Pero ngayon nakukuha na nitong magbiro at makipagkulitan sa akin. Pinagtitinginan pa kami sa kinainan namin.Napagkamalan pa kaming mag asawa. Ikinangiti ko lang at ang dalaga ay parang todo ngiti pa roon.Nagbiro pa ito na galing pa lang daw kami sa honeymoon.Kaya todo abrasyete naman kasi ang dalaga sa akin. Agad din naman kaming umuwi sa bahay pagkatapos kumain sa Lomi House. Pagdating namin sa bahay ay saktong pagayak pa lang naman sina Mang Henry papunta ng Farm.Kaya inihatid ko lamang ang gamit ni Ac sa kwarto nito at ang gamit ko sa kwarto ko ay nagbihis ako para sumama kina mang Henry. Marami pa naman ang aanihin na mga dragon fruit ngayon.Iyong mga papaya rin ay madami dami ang kailangan maideliver.Maayos naman sana ang buhay dito.Tahimik at masaya.Iyon nga lang,wala talaga akong sexlife mula ng umuwi ako sa lugar na ito. Ang totoo nalilibang lang siguro ako rito kaya hindi ko masyado naiisip ang mga ganung bagay. Pagod sa maghapong gawain sa Farm,umuwi kami ni Mang Henry halos mag alas otso na ng gabi.Lalo't inantay namin ang truck na magdideliver patungong kamaynilaan.Kaya pabagsak akong naupo sa couch sa sala ng magpaalam na rin si Mang Henry na tutuloy ng Quarters nilang mag asawa. Ipinikit ko ang mga mata.Isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.Kay sarap ng matulog. Maya maya ay narinig ko ang mararahang hakbang pababa ng hagdan.Di na ko nagmulat dahil kilala ko naman sa yabag pa lang nito alam kong si AC iyon.Lumapit ito sa akin at tumigil sa tapat ko "Kumain ka na ba?kung hindi pa ipaghahain kita.Pinagpahinga ko na kasi ang mga kasambahay.Iyong iba day off nila dahil linggo ngayon." imporma nito sa akin kahit di ko tinatanong. "Ang totoo,hindi pa.Pero nakakahiya naman sayo kung ipaghahain mo pa ko.Kaya ko naman."sagot ko ng di idinidilat ang mga mata. "Sus,bat ka naman mahihiya.Alam ko pagod ka.So let me do it.Halika na sa Dining." ani nito at hinila ang kamay ko para makatayo. Nagpatianod naman ako hila nito nasa likuran nito ako. "Upo ka na diyan." sabi sabay talikod.Ngunit pagtalikod nito ay napabaling ang mata ko sa matambok nitong pang upo. Bakat ang panloob nito na kulay pula.Satin ang suot nito na ternong pang tulog. Hindi ko alam pero ininitan akong bigla.Nag iwas ako ng tingin ng pabalik na ito sa mesa.may dalang pinggan kutsara at tinidor. "Iniinit ko pa ang ulam."Ani nito pero di ko matingnan dahil alam ko na wala itong suot na bra. "Sige na,umakyat ka na sa taas.Ako ng bahala sa sarili ko."taboy ko rito dahil ako ang naiilang sa mga nakikita ko kahit di ko pa titigan. "Hmmm..okey..ikaw na ang bahala." Nagpaling linga ito ska ako iniwan sa Dining. Diyos ko naman.Hindi ako santo para di tablan sa nakikita ko.Lalo't napakaseksi nito sa suot na satin terno. Hindi ko na nga ito nilingon dahil baka magkasala pang lalo ang mga mata ko. Natapos akong kumain at ako na rin nagligpit at naghugas ng pinagkainan ko. Matapos iyon ay umakyat na ako sa taas para magpahinga na rin. Dumiretso ako ng CR at naligo nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas ng banyo ngunit muntik ng malaglag sa gulat ng makita ang dalaga na nakaupo sa kama ko wari'y nag aantay. "A-anong gingawa mo rito?Di ka dapat basta pumapasok.Paano kung hubad akong lumabas ng banyo?." May pagkainis sa tono ng pagkasabi ko rito. Tumaas ang kilay nito sa sinabi ko. "Eh di makakakita ako ng Daks." anito na akala mo bay okey ang sagot niya. "Ano ngang ipinunta mo rito.?" tanong ko ulit habang naglalakad papunta sa walk in closet para maghanap ng maisusuot.Hinila ko ang boxer brief At isang Muscle Sleeve White Sando..Huhubarin ko rin naman iyon mamaya pagka matutulog na.Okey na ko sa Boxer lang ang suot pag matutulog. Pero ng maalala na di ako nag iisa sa kuwarto ay humarap ulit ako sa dalaga. "Sabihin mo na ang kailangan mo,dahil magbibihis pa ko." Ani ko rito hawak ang damit na bibihisan ko. "Amm...A-ano kasi.kailangan ko ng kapareha sa team building namin.Okey lang naman kung outsider.Basta may kapareha.Okey lang ba sayo?kung hindi hahanap na lang ako ng iba." ewan ko pero hindi maganda ang tunog ng huli nitong sinabi na hahanap ito ng iba. No way. "Yes im in." sagot ko. "Thank you.Sure na yan ha?Labas na ko Bye." paalam nito pero sumulyap pa sa umbok na tuwalyang nakatapis sa beywang ko.Pilya talaga. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ito.Mukhang magkakasakit na rin ako sa puso sa biglang pagsulpot sulpot nito rito sa kuwarto.Hindi lang pala uubanin ang buhok ko rito,maha-heart attack din ata ako. Langya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD