12

1511 Words
Pagkahatid ko sa dalaga sa OJT nito ay bumalik din agad ako sa bahay nito dahil magpapasama daw sa akin si Mang Henry na mamili ng mga uniform ng mga trabahador sa hacienda.Paiimprintahan na rin daw namin para sa mas maganda.Alam mo agad na sa Farm ni Ninong ito nagtatrabaho.Maganda rin kasing tingnan kung pare-pareho ng unipormeng suot ng mga ito. Sa Pamilihang bayan lang kami nagpunta dahil nandoon ang kakilala ni Mang Henry na mura ang wholesale ng mga Longsleeve shirts. Navy blue at Moss green ang nipili naming kulay ng Long sleeve shirt.Freesize lang din ang kinuha namin dahil wala namang malalaking lalaki doon.Tumuloy na rin kami sa printing shop para mapaimprintahan ang mga long sleeve shirt. Nagpasya kaming dumaan sa Mall para bumili ng supplies.Gusto sana ni Mang Henry sa palengke na rin bumili ng supplies ang kaso madaming tao roon na baka ikaabala pa namin. Agad namin kaming nakabili ng supply sa bahay nila AC. Nasa parking lot na kami nagkakarga ng mga pinamili ng may babaeng biglang lumapit sa akin. "Harvey is that you?" tanong sakin ng isang babae na pamilyar sa akin ang mukha.Di ko maalala kung saan ko ito nakita or nakasama noon.Medyo matagal na rin kasi ang 14 years. "Do i know you Ma'am?" tanong ko dahil di ko maalala kung talaga bang kilala ko siya. "Oh it seems that you had forgotten me.Im your teacher in Highschool before,Mrs Evelyn Laude..How are you today?" sabi ng Babae. Tumingala ako at bahagyang nag isip.Teacher ko nung highschool. "Miss Eva Salgado..Right?" naalala ko rin.Medyo nagkaedad na rin kasi ang malandi kong guro na ito noon. "Yes..no other than me.Hmm by the way,dito ka rin ba nakatira sa Lucban,Quezon?" may patapik pa ito sa braso ko.Natawa ako sa isip ko,How can i forget her? Siya lang ang guro ko noon na sobrang landi pati estudyante pinapatulan.Di ko lang siya nakilala agad dahil medyo tumanda na rin siya ngayon kumpara noon.Pero ganun pa rin ang landi at harot sa pagsasalita. "May inaasikaso lang Ma'am,actually sa hawaii na ko tumira after graduation nung highschool." ani ko rito. Biglang lumaki ang mata nito at muli na naman akong pasimpleng pinitik sa dibdib. "Oh really?so American Citizen ka na pala.And look at you now..So handsome and.." naputol ang sinabi nito at muli akong pinasadahan mula ulo hanggang paa pabalik.Tumigil pa ito sa pagitan ng hita ko.Malibog talaga kahit matanda na. "and yummy.." sabay pa kagat labi nito.May papakit pikit pa ng mata. "Actually,retired na ko.matagal na.Dito na kami nakatira kasi tagarito ang asawa ko." anito sa akin. Tumango tango ako sa ginang. "How about you?May pamilya ka na ba?i mean wife or girlfriend?" maarte pa ring tanong sakin ni Maam Eva. "Wala pa ho." sagot ko.pero ng maisip na may ganap nga pala sa amin ni AC ay dinugtungan ko ulit ang una kong sinabi. "Wala pa ho sa ngayon pero may Girlfriend na ho ako." sabay kibit balikat. "Ah ganun ba?for sure maganda siya." sabi na lang nang babae. "Oh pano..mauna na ko.Ingat kayo." paalam nito dahil nakita naman niya na may kasama ako. Si Mang Henry na rin ang nagmaneho pauwi. hindi naman na nag usisa pa ang matanda sa ginang na nakausap ko kanina lang.Si Maam Eva nga.Ang malandi kong teacher noon. Tsk.Tagarito pala ang asawa.Siguro'y walang idea ang asawa nito sa mga trip noon ni maam sa buhay.Na pati Estudyante ay pinapatulan.Hindi lang leksiyon ang itinuturo nito na galing sa libro.May itinuro rin ito na kalibugan sa mga ilang magagandang lalaking eskwela nito noon.Kasama na syempre ako.Hindi ko kasalanan na nahumaling siya sa akin.Di ko kasalanan na malaki na talaga ang dinadala ko noon pa mang kabataan ko.Lalo na ngayon mas proud pa ko sa buddy ko.Nagmatured na rin at syempre gumandang lalaki. Ehem. Pagdating sa Farm ay agad namang ipinamigay ang mga supplies na para sa mga trabahador.Inuwi na rin namin sa bahay ang para sa bahay.Si Aling Gemma na nag nag ayos sa kabinet ng mga stocks. Umakyat na muna ko sa taas para maligo at magbihis ng damit.Sakto pagbaba ko ay nakasalubong ko na si AC na papanhik naman papunta sa taas sa kuwarto nito. "Hi..Bukas na ang team building namin.Baka makalimutan mo." remind nito sa lakad namin. "Yeah,never kong nakalimutan." assurance ko dito. "May lakad ka?" sinipat nito ang suot ko. Simple lang naman na T-shirt at Maong pants ang suot ko. "Nagyaya iyong isang trabahador sa farm.Birthday niya kaya pupunta kami ni Mang Henry.May konting inuman." sagot ko.Kumunot agad ang noo pagkarinig sa sinabi ko. "Inuman lang sa bahay o sa labas ?" Salubong ang kilay na ani nito sakin. "Sa bahay lang nila Mang Kanor " sagot ko. "Talaga lang ha!Wala bang malandi dun?" natawa ako sa uri ng tanong nito sa akin. "Wala naman siguro." di ako sigurado sa sagot ko.Kaya agad na nag iba ang awra ng mukha nito.Mukhang galit ata. "Siguro?Di ka nga sigurado.Naku! baka naghahanap ka lang ng ng mapaparausan diyan ha?Tumigil ka." hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo. "Protective girlfriend?strict ha?" ginulo ko ang buhok nito at nagpasyang tumuloy sa pagbaba na. "Subukan mo lang talaga Mister magpalandi sa iba..Makakakita ka ng Amasona.!" Narinig ko pang pahabol nito. Napailing na lang ako. Naisip ko nga talaga wala namang aayaw kay AC kung ito talaga ang naghahabol sa lalaki.Lamang ito sa maraming bagay kung kagandahan din lang ang basehan.Mayaman pa.Pero siguro kung talagang isang bagay lang ang habol ng lalaki ay maikama lang ito,malabo talaga dahil di ito kaladkaring babae.Doon ako bumilib dahil marunong naman pala itong ingatan ang sarili niya. Nag aantay na sa akin si Mang Henry sa sasakyan kaya agad akong sumakay. Medyo malapit lang naman ang bahay ni Mang Kanor. 10 mins drive mula sa bahay nila AC. Andun na ang mga trabahador na lalaki at magkakaharap sa mahabang mesa.Nagkakatuwaan na ang mga ito pagdating namin ni Mang Henry. Buti na lang nasa may likod bahay ang pwesto namin.Dahil sa harap ng bahay ay may videoke at mga babae naman ang nandoon nagjajamming sa kantahan.May ilang nag iinuman din siguro mga kaibigan ng asawa ni Mang Kanor. Napansin ko nga rin kanina ang kilig sa mga kadalagahan ng dumaan ako.Kaso wala akong oras na tumingin ng isa isa sa mga dalagang naroon.Lalo't karamihan mga Nene pa at may gatas pa sa labi. Medyo may isang oras na kaming nag iinuman ng magvibrate ang phone ko sa bulsa. Nang tingnan ko ang nagtext. Si AC pala. "ang bilin ko sayo.Umayos ka mister." anang text nito. "Maayos naman ako Misis." reply ko na may ngisi sa labi. Para kasing totoo ang panghihigpit nito sa akin. "Siguraduhin mo..baka naman mamaya may pasukan kang kuweba diyan.Mabaho ang mga kuweba diyan sinasabi ko sayo." Napakaunot noo ako sa reply nito.May kuweba pang nalalaman.Loko talaga. "Wala ngang maganda dito." reply ko naman. "Ako lang ang nag iisang Diyosa rito.Kaya huwag ka nang maghanap ng iba.Wala kang makikita." Naitago ko ang mga labi at nailing ulit. "Masaya si Sir Harvey oh!Nakangiti.May nagpapasaya na pala sainyo Sir."Biro sa akin ni Allan.Ang madalas kong kabiruan dahil may kaingayan din at palabiro. "Baka nagtext na si kumander at pinapauwi na si Sir." Ani naman ni Mang Kanor. Nagtawanan sila dahil alam naman nila na wala pa akong asawa.Pero ang karamihan na kaedaran ko na nagtatrabaho sa Hacienda ay marami ng anak.May limang anak na nga ang ilan. "Wala ho ito.tagay ko na ba ito?" tanong ko dahil sa akin na nakatapat ang baso.Paikot kasi ang tagay dahil uso rito ang lambanog sa Quezon pag inuman. "Tama ka sir.Medyo inuugatan na nga ang baso riyan kaaantay sainyo." Biro ulit sakin ni Allan.Nagtawanan naman ang mga ito.Kinuha ko ang tagay ko at nilagok iyon. Sanay naman ako sa lasa ng lambanog.Ito naman ang madalas na iniinom namin dito ng mga trabahador puwera sa gin at whisky dahil mura lang malalasing ka din naman. "Oo ikaw lang.Kaso di naman kita tunay na girlfriend.Di pa tayo talo.Paano naman ang kaligayahan ko?" biro ko lang naman ang kaligayahan na sinasabi ko. "Magkamay ka..Or tulungan kita." napaisip ako sa reply nito sakin. "Huwag na.Hanap na lang ako ng iba.Di tayo talo." ulit ko sa sinabi ko kanina.Talaga namang di kami puwede. "Huwag mo kong subukan.Nauubos na pasensiya ko saiyo." may himig inis na ang sabi sa texts. "kung ubos na pasensiya mo.Bibilhan kita.Marami sa bakery diyan ng Pasencia." Gusto kong humagalpak ng tawa.Pinigil ko lang baka asarin na naman ako ni Allan. "Tse!" maikling reply ni AC. "Tulog ka na.Goodnight."reply ko. Hindi naman na nareply si AC kaya ibinulsa ko na lang din ang phone ko.Medyo napasarap ang inuman kaya hatinggabi na kami nakauwi ni Mang Henry. Tumuloy na dina ako sa kuwarto ko at nagpasyang magpahinga na.May team building pa naman bukas sina AC.Siguro jamming lang ng mga nag OJT lalo't malapit na itong matapos.Ga-graduate na rin kasi ang mga ito kasama ni AC. Baka kalokohan lang ang team building na sabi sakin ni AC. Tulog na rin siguro dahil tahimik na ang buong bahay.Madali rin naman akong nahila ng antok at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD