Napamulat ako ng Mata ng maramdaman ko na may kasama ako sa kuwartong inuukupa ko.Ang mukha ni AC ang bumungad sakin.Nakayuko ito,nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ng kama at nakatunghay sakin.
Muntik pa kong mapamura.Nakaboxer shorts lang ako.Normal pa naman saming mga boys na nakaflag ceremony si junior sa umaga.Natakpan ko ang harap ko nag dalawang palad.sabay upo sa kama at dinampot ang kumot para ipangtakip sa harapan kong nakatayo sa umaga.
"Kauma umaga naman,anong kailangan mo?"may halong inis ang pagkasabi ko.Lalo't pumasok ito ng walang pasabi.
Porke ba bahay nito iyon kaya puwede na siyang pumasok ng basta- basta ma lang.
"Sinisiguro ko lang na wala kang kasamang babae sa kuwarto mo."
Tumayo ito at nagpalakad lakad sa kuwarto ko.sumilip silip sa kung saan madako ang paningin nito.
"Wala ngang babae rito sa kuwarto ko.Ikaw lang nga ang labas masok dito eh."
"Dapat lang." sagot agad nito sa sinabi ko.
"Pero pwede ba.kumatok ka muna bago ka pumasok.Hindi iyong basta basta ka na lamang pumapasok." napasabunot ako sa buhok ko.Muli ko itong sinuklay suklay gamit ang daliri ko.
"Paano kita mahuhuli kung kakatok pa ko.Kaya dapat huwag na.para mahuli kita sa akto." nasisiraan na ata talaga ito ng utak.mukhang lumuwag ang turnilyo nito sa utak.Itinaas ko ang kanang kamay para patigilin ito.
"Mahuhuling ano?" takang tanong ko sa dalaga.Buti na lang maayos ang suot nito na satin terno pajama pero ng dumako ang mga mata ko sa dibdib nito wala itong suot na bra bakat ang tayong-tayo na n*****s nito.
Tukso talaga ang babaeng ito.Lalaki lang ako.At hindi ko siya kapatid o anak na magiging normal lang ang lahat.Pisi..kailangan ko talaga ng mahabang pisi ng pagtitimpi sa babaeng ito.
"Baka kasi may iniuwi kang babae rito kagabi.tsine-check ko lang.Buti naman at wala.Huwag mo akong iiputan sa pamamahay ko.Kakatayin ko kayong dalawa."pinanlakihan pa ko nito ng mata.
Susmaryusep.
"Nasisira na talaga iyang ulo mo.sabi mo sa labas lang tayo magpapanggap na may relasyon,bakit ba pati rito sa bahay nagbabantay ka pa." ani ko rito.
"Dahil gusto ko.Pag gusto ko ginagawa ko.Kaya Hanggat andito ka sa bahay ko,ako ang masusunod.Gets?" sagot nito sakin.
"Lumabas ka na.Look at yourself.Lalaki ako,kaya huwag mo akong tuksuhin,Please lang.Lumabas ka na." taboy ko rito.
"Lalabas naman na talaga ako.Huwag kang praning.Di kita tinutukso.Ang haba haba na ng suot ko,tinutukso pa kita?Baka pag nghubad ako..iyon,malamang!" pilosopo din eh.Buti na lang at lumabas na ito.Kaumaumaga sumsakit ang ulo ko pati puson ko.Siguro nga'y kailangan ko ng magrelease kasi tengga na ako rito kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko sa kinakapatid ko.Baka nga jolly lang ang dalaga at pinagtitripan ako.mahirap namg dito ko maibunton ang s****l needs ko.Marami namang iba diyan.Kailangan ko na talagang maghanap.Nagpasiya akong maligo at maghanda sa pag alis namin mamaya ni AC.
Nagdala kami ng camping tent,foods at camping needs dahil mag oovernight camping daw ang magkaklase na nag O-OJT sa company.Kasama syempre ang ilang Head mg Department.Bonding na din daw kasi magkakaniya kaniya na sila after graduation.Buti naman at prepared na ang mga dadalhin ng dalaga.Mukhang nag effort talaga ito.Hindi na ako inisturbo sa pamimili.Tama nga ang sabi nito na kapartner na lang ang kulang niya para sa event.Pwede naman daw ang outsider kaya ako ang isinama.Ang totoo?lapagan ba ito ng mga dyowa?
Kasi kung team building pwede namang sila-sila na rin ang magpartner sa mga tasks.Bat kukuha pa sa labas?Medyo doubt ako sa pagkuha ng outsider na kapartner.
Narating namin ang Outing place .Maganda ang lugar dahil hindi gaanong masukal.parang isang Eco park lang ang paligid na may camping site sa Dulo na tanaw na tanaw ang buong paligid at mga kakahuyan doon.Pagkatapos ng
Tanghalian kami umalis ng bahay kanina.Medyo may mga dinaanan pang iba kaya halos mag alas tres na kami nakarating dito.
Naiset-up na namin ang tent namin ni AC.nasa sasakyan ang dala naming styrobox at food keeper para sa mga pagkaing dala namin.
Nang matapos namin ang set up ay agad ding nagtipon ang mga magkaklase kasama ang teachers na kasama sa camping.
Ipinakilala ng mga ito ang kaniya kaniyang partner sa event na iyon.Karamihan karelasyon ang dala.
At andoon din ang mga kaibigan ni AC na sina Trisha,Kristine at Camille.May mga kapartner na rin ang mga ito.Nagsimula sa mga parlor games na nakakatawa.Sumunod ang Race sa Tasks Completion.Ang unang makatapos sa mga obstacle ay siyang idi-declare na nanalo.
Naging okey naman ang mga tasks na ipinagawa sa samin.Natapos namin ng maayos ngunit naka 2nd place lang kami ni AC.Not bad after all.
Sa night ng camping na iyon ay nagsindi ng malaking bonfire ang grupo.Exciting ang Jamming ng mga ito dahil may music at inuman.
Actually okey naman palang kajam ang mga ito.kahit maingay ay nakakasabay din naman ako kahit papano.Si Patrick ay may kasama ring babae roon.
Bago na naman.Mukhang playboy talaga ang isang to.Dahil iba na naman sa dati kong nakitang kasama niya sa beach party noong nakaraan.
Hilig talaga nitong mangolekta ng babae.
Sa totoo lang..parang ganun din ako noong kabataan ko.Kasalanan ko ba na babae na ang lumalapit sa akin? Pero darating ang time na mawawalan ka rin ng gana sa pagsama sa kani-kaninong babae.
Kaya hindi ko naman puwedeng ijudge ng masama si Patrick.Lalaki rin ako.Siguro kabilang lang kami sa mga lalaking malakas ang s*x appeal.Kahit di maghanap ay kusang lumalapit ang babae.
Why not?instant lang din eh.No string attach pa.
Hindi naman na inabot ng hatinggabi ang jamming ng magkaklase.Pagkatapos ng konting inuman ay nagpasya na ang incharge na guro na magpahinga na ang lahat kaya may ilan nagsipasukan na sa kaniya kaniyang camping tent.
Pansin ko pa kanina ang laging pagsulyap sakin ng kasamang babae ni patrick.Inaantay siguro nito na tumitig din ako sa kaniya.Sorry kasi di ko siya type.Hindi ko hilig ang mga walang puwet.Mas naaakit ako sa mga well proportionate ang katawan mapasideview or frontview.Iyong kahit saang anggulo sexy talaga.Medyo sabihin na nating hindi lang dating ang basehan ko.Dapat may ipagmamalaki ring katawan kahit saang anggulo.
Katulad na lang nitong kasama ko,na kanina pa rin sinusulyapan ni patrick,pero parang tukong nakayakap ang dalawang kamay sa braso ko.Hindi ko alam kung palabas pa rin ba ito o sinasadya na nito.Nakahilig pa ang ulo nito sa balikat ko kanina pa sa jamming session at basta may time na uupo kami at makikinig sa instruction ng mga tagapagsalita ay kapit tuko na ito sa akin.Minsan napapaisip talaga ako kung palabas ba ito.Hinahayaan ko na laman kung mannerism na ba niya ang magganito kalapit sa akin.O ako lang ang masyadong naiilang pero hindi ko lang ipinapahalata.Mukhang immune na ito sa pagdikit dikit ng mga katawan naming dalawa.
Totoo kayang namimiss na ni Patrick ang kakullitan nitong si AC noon?Panay nga ang sulyap nito kay AC.Na tila wala namang paki na nakakapit sa akin.
Tumayo na ako para ayain si AC na pumasok na rin sa Tent namin.Ginagap ko ang kamay nito na awtomatiko namang nakipagholdinghands at ngumiti sa akin.
"Goodnight Guys" paalam ni AC sa mga kaklase.
"Goonight" sagot nang karamiham
"Tulog lang ha walang ganap" sabi ni Kirk.
Napansin ko pa ang pag iba ng mata ni Patrick.Samantalang ang babaeng kasama nito ay tiningnan pa ko ng nang aakit na tingin at nagkagat labi pa.
Tingin ko may plano ang dalawang ito na paghiwalayin kami ni AC.Itong babae ako ang tinatarget.Akala ba nito makukuha niya ako sa paggaganyan niya?
kung alam lang ng mga ito na wala naman talaga kaming relasyon.Magaling lang talagang magpanggap si AC.Kulang na nga lang halikan ako nito sa publiko.Iyon na nga lang ang hinihintay ko.
Tsk.Naghihintay nga ba talaga ako?Weird.
Hinila na ko ni AC papunta sa Tent namin.
Goodnight na talaga.