14

1448 Words
Nang makapasok kami sa loob ng tent ay agad kong isinara ang Zipper na pinto nito.Agad namang humilata si AC sa portable bed.Nakasuot ito ng black leggings,naka-angat ang laylayan ng suot na t-shirt na pang itaas nito,doon napunta ang tingin ko sa umbok sa pagitan ng hita nito.Parang di naman nito naisip na sa ganung hilata niya ay iba ang dating saakin. Lalo't hindi ko na rin malaman ang kakaibang init na dumaloy sa katawan ko.Pakiramdam ko tumigas din si buddy. Nag iwas ako ng tingin.Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngunit ng muli na namang nagawi ang tingin ko sa nakahilatang dalaga na nakalaylay lang ang dalawang paa sa lupa,Suot pa ang rubbershoes nito. Matagal ako na tumalikod na muna at huwag ng tingnan ito.Ilang inhale,exhale ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko. Naisip ko kung lalabas ba ako o hindi.Kung lalabas ako baka andiyan pa sa labas sina patrick at babaeng kasama nito. Baka mas lalong sumakit ang ulo ko.Mukhang malandi pa naman ang babaeng kasama ni Patrick.Mahirap na,mabuti na ang sigurado na makaiwas ako sa isang iyon. Nag kumalma na ang pakiramdam ko ay dali dali kung inayos ang pagkakahiga ni AC.Nakatulog na ito,marahil sa pagod at ininom na alak.Hindi naman lang nagising na ayusin ko ang pagkakahiga nito sa portable air bed.Tinakpan ko ang ibabang bahagi ng katawan nito ng kumot at nagpasyang humiga na rin sa tabi nito.Antok na rin ako.Sinigurado ko na di ko ito madadantayan kahit konti. Madali rin naman akong nakatulog. Nagising ako dahil sa biglang pagbuhos ng ulan.Buti na lang makapal ang camping tent namin.Safe sa malakas na ulan,sure na di matatagos ng ulan.Huwag lang ng hangin at bagyo dahil iba naman ang lakas noon.Panigurado masisira ang camping tent namin sa ihip pa lang noon. Gising ang diwa ko pero pikit pa ang mga mata.Nang maalala na may katabi nga pala ako kagabi at nasa camping kami ay unti-unti kong iminulat ang mga mata. Saka ko nakita ang posisyon namin sa higaang iyon. Nakaunan pa sa bisig ko si AC kaya pala pakiramdam ko mabigat.Nakayakap ang kaliwang braso nito sa akin.nakadantay din ang kaliwang binti. Sus ginoo. Imbes na alisin ko ito sa pagkakaunan sa braso ko at pagkakayakap sa akin ay hinayaan ko na munang pagbigyan ang sarili ko.Pinagmasdan ko ang tulog na tulog nitong mukha.Lihim akong nangingiti. Kung makikita kami ni Ninong Alex sa ganitong sitwasyon,ano kaya ang gagawin sakin ni Ninong? Baka sabihin noon tinake advantage ko na ang bunsong anak niya. Napabuntong hininga na lamang ako at pinilit na alisin ang braso ko na nauunanan ng dalaga. Nagtagumpay naman ako dahil di ito nagising. Agad akong nagsipilyo sa labas ng tent. Mukhang tulog pa rin ang mga kasama namin. Bumalik ako sa loob ng tent upang kunin ang thermos na naglalaman nang mainit na tubig at nagtimpla ng kape. Pumunta ako sa parteng tanaw ang pagsikat ng araw.Habang sumisimsim ng kape. Alam ko na pagkagising ng mga ito ay babalik na rin kami sa siyudad. Nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sa akin. Umupo din ito sa damuhan katabi ko. Ang kasamang babae ni Patrick. "Can i join you here?mukhang tulog pa ang girlfriend mo?" tiningnan ko ito pero sandali lang.di ko talaga gusto ang babaeng ito Makati ito sa tingin ko pa lang. "Yes,you're right.She's still sleeping." sagot ko. "Mukhang napagod kagabi." sabi nito sa akin. Di naman ako nagkomento pa. "By the way,Im julia.And you are...?"naglahad ito ng palad sa akin. "Harvey Anderson." sagot ko at tinanggap ang palad ng babae.Nagulat pa ako ng bahagyang pisilin nito ang kamay ko. "I like you.I think you're yummy..hmmm and big.." sabay titig sa harap ko at kagatlabi. "I think i have to go,baka gising na ang girlfriend ko." sagot ko na lamang para maiba ang usapan.At makaalis na ko sa babae na ito.Mamaya magising pa iyon si AC at malintikan pa ko. "Ba't nagmamadali ka ata..Try me,mas magaling ako sa kaniya.."pahabol nito sa akin. Ngunit di na ako lumingon pa. Baka kung anu-ano pa lumabas sa bibig ng babaeng iyon at matukso pa ako.Lalo't matagal tagal na rin na walang change oil itong ano ko.. Agad akong pumasok sa tent. Ngunit tulog pa rin ang dalaga.Nagpasya na akong gisingin ito at ng makapaghanda na kami s pag uwi.Marami pa akong trabaho sa Hacienda ng magulang nito.Lumapit ako rito at dahang dahang niyugyog sa braso. "Gising na..umaga na..kailangan na nating umuwi." sabi ko sa dalagang ayaw pa atang magmulat ng mata.Umungol lang ito.Naging iba tuloy ang dating ng ungol nito sa akin.Muli ko itong tinapik.. "Bumangon ka na..AC..iiwanan kita rito..Gustong sumama ng chicks ni patrick sakin.." bigla ko na lang sinabi. Pero mukhang effective dahil agad na napabalikwas ito ng bangon. Pero Agad din akong dinuro ng hintuturo nito. "Subukan mo lang na iwanan ako rito at isama mo ang haliparot na iyon..May paglalagyan kayo sa akin.At yang babae na yan baka gusto niyang mapunta 7ft below the ground.Nyeta siya."Banta nito. Ako naman ang hindi agad makakilos at prinoseso pa ang sinabi nito. "Ayusin ko lang mga gamit natin.sabi ko na lamang habang abala ito sa pagpusod sa hanggang balikat na buhok.Hindi na ito nag abala pang magsuklay. Dali dali ko itong pinagtimpla ng kape. "Magkape ka muna." alok ko,sabay lapag nang kape sa isang stool na dala namin. "Thank you.Sagot nito sabay ngiti sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit. Nang miaayos ko ang mga gamit namin ay dinala ko ito sa likod ng dala naming sasakyan. Nakalabas na rin si AC ng tent kaya tiniklop ko na rin ang Camping tent.Pagkatapos inalisan ko nang hangin ang portable airbed na dala namin. Nang maikarga ko na lahat sa sasakyan tinakpan ko ito ng trapal para huwag mabasa kung umulan sa daan.Sa loob na lang ng sasakyan ang mga hand carried valuables namin. Nauna na kong sumakay nag sasakyan at binuhay ang makina at nag palamig doon.Nakikipagtsikahan pa si AC sa mga kaklase niya.Di na ko lumapit dahil minsan sumasama ang mukha ni AC pag may nakatingin o nakatitig na babae sa akin. Ipinagkibit balkat ko na lang. Masyado lang possessive ito..Kaya di na ko magtataka kung pati kay Ninong Alex kung anu - ano ang dinedemand nito na pag di napagbigyan ang bilis magtampo. Alsa balutan ang peg,tapos kunwari galit agad,ayaw pang umuwi. Ito na marahil ang ugali nito medyo nasasanay na nga rin ako sa ilang buwan kong pananatili rito. Mga pasado alas Otso na kami nang lumisan sa camping sites.Nagpicture taking pa kasi kaya medyo natagalan. Pagkatapos kung maihatid sa bahay si AC ay dumiretso ako sa Farm para tumulong kay Mang Henry. Iniwan ko na lang si AC sa bahay nila baka gusto ng magpahinga. Nakakailang puno pa lamang ako ng kaing ng prutas na Guyabano ng bigla na lang may nagsalita sa likod ko. "Bakit mo ko iniwan sa bahay?" salubong ang kilay nito.Nakapameywang pa. "Di mo man lang ako niyaya.Pupunta ka pala rito.Sama sinabihan mo ako." dagdag nito.Nakasuot din ito ng longsleeve shirt na pambukid. "Hindi na kailangan.Dapat sayo nagpapahinga sa bahay." sagot ko.Habang ipinagpatuloy ang ginagawa.Lumapit ito sa harap ko at tumulong na rin sa pagpupuno ng kaing. " hindi na ko makakatulog dahil umaga na.boring sa bahay kaya sumunod na ko sayo dito." sagot nito sa akin "Kahit pa..maiinitan ka lang dito.Di ba ayaw mo rito sa Hacienda niyo?" pasaring ko dito.May balak pa nga itong umalis sabi pagkagraduate at makapaghanap ng trabaho sa maynila.Natigilan ito sa ginagawa at tumitig sa akin. "Hmmm..Let's just say,i had a change of mind.Gusto ko na dito.Kung nasan ka,Nandun din ako.. I mean,gusto ko magkasama na tayo sa Hacienda.." sabi nito sa akin. Ano na naman kaya nakain nito.Anu-ano ang pinagsasabi. "Pangsamantala lang ako dito.Lalo't wala pa ang Daddy mo.Pag bumalik siya..Uuwi na rin ako ng Hawaii. " sagot ko.Mukhang di nagustuhan. "Hmmm...di sasama na rin ako sa Hawaii.." singit nito. "No,Hindi ka sasama.." Nilingon ko ang paligid.buti magkakalayo ang mga trabahador sa puwesto namin. Mahirap nang may makarinig sa usapan namin.Nasapo ko ang batok ko sa kulit nag babaeng ito.Mukhang sumakit at nangalay bigla. "As far i I've remember,Fake lang to..Acting lang.Bakit ka sasama sa akin.We're not together.Gusto mo bang makatay ako ni Ninong?ng Daddy mo?Pag nalaman niya na ganyan ang gusto mo?" tanong ko rito. Nabigala talaga ako.Di ko ito inaasahan. "Bakit?Ayaw mo ba sa akin?Paano kung gusto na kita?" Hindi ko maproseso mg maayos ang narinig ko.Si AC may gusto sa Akin? Natigilan ako at napatitig kay.AC na ngayon ay wala ring kurap na nakatitig sa akin. Bakit ganun?May laman nga titig na nakikita ko sa mga mata nito.Bakit ako biglang nakaramdam ng takot?Kaba o sadyang Mabilis din ang pagtibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD