Hawak ko ang kamay ni AC.Hila hila ko ito sa mapunong parte ng Hacienda.Malayo sa pinagtatrabahuhan namin kanina.
Binitawan ko ang kamay nito at hinarap ito.
"AC,Baka naguguluhan ka lang.Hindi mo ako gusto okey?"Si Patrick ang nagugustuhan mo.Pinagseselos lang natin siya..remember?" ani ko rito.
"That was before.Pero hindi ko na siya gusto.Ikaw na ang gusto ko.Gusto na kita..Harvey,i dont care kung kinakapatid kita..Ngayon ko lang naramdaman to..gusto kita..I swear gusto na kita..I dont know..Baka mahal na kita." ani nito at biglang lumapit sakin.Hindi ako handa ng lumambitin ito sa balikat ko,tumingkayad at pilit na inabot ang labi ko .Nagtagumpay naman ito na mahalikan ako sa labi.Gusto kong umiwas pero ang lintik na kamay ko ay awtomatikong humawak sa magkabilang beywang nito at natagpuan ang sarili na nakikipaghalikan na rin sa dalaga..Sa una ay mabagal lang..ng lumaon ay bumilis na ang kissing pace namin.Mapusok,mapaghanap.Hanggang kapuwa kami bumitaw ng maubusan ng hangin.
Nakatingin pa rin ako sa labi nitong namamasa pa.
Shit.What was that?
Malilintikan talaga ako nito kay Ninong.Nagustuhan ko na rin ang halik nito ngayon-ngayon lang.
Damn.
"Sabihin mong hindi mo ko gusto." Nanghahamon ang titig nito sa akin.
Nag iwas ako ng tingin.
"Hindi matutuwa si Ninong pag nalaman niya na inahas ko siya.Lalo kong sasamantalahin ko ang nararamdaman mo.Ako ang mas matanda.Kaya ako na ang iiwas." ani ko rito at muling ibinalik ang tingin sa mukha nito.
"Iiwasan mo ako?aalis ka?No..hindi pwede.sasama ako sayo..kahit di na ako umattend ng graduation.Sasama ako saiyo." ani nito at biglang yumakap na naman sa akin.
Pilit kong tinatanggal ang kamay nitong nakayapos sa akin.Pinanatili kong malumanay ang boses ko.Baka kung pagtaasan ko ito ng boses ay lalo itong magsumiksik sa akin at mahirapan akong makawala rito.
"Okey!listen to me AC..pag usapan na muna natin to..Okey hindi na ako aalis..Aatend ka ng graduation mo..Tiyak na uuwi iyon si Ninong..Bitaw na..Baka may makakita sa atin." ani ko rito.
"Wala akong pakialam.Kahit may makakita pa sa atin.Kahit si Mang Henry pa iyan.Dito ka na lang..Dito na lang tayo.Hindi na ako aalis pagkagraduate ko.Tutulungan kitang palaguin ang Hacienda ni Daddy.Please..Sabihin mong gusto mo rin ako.."ani nito sa akin.
Naisip ko,ganun din kaya ang ginawa nito kay Patrick noon?s**t buti na lang di sila nagkatuluyan.
Ayaw pa rin nitong kumalas sa pagkakayakap sa akin.Natataranta na rin ako at di alam ang gagawin.Bakit ba ako paulit ulit na napupunta sa ganitong sitwasyon.Ang hirap tumanggi sa mga babaeng halos magsiluhod na sa harap ko para makuha ako.Ngayon heto na naman at mismong kinakapatid ko pa?
Inihabilin sa akin ni ninong para alagaan at patinuin,hindi paibigin at magmakaawa sa akin ng ganito.Bat parang pakiramdam ko nagfail ako sa dahilan kung bat ako nandito ngayon.Hindi ito ang dapat na nangyari.13 years ang tanda ko sa dalagang nasa harap ko.Baka isa rin ito sa mga puppy love nito na magbabago paglipas ng araw.
Tama.
Siguro kailangan ko munang palipasin ang pagkakagusto nito sa akin ngayon.
Paano kung hindi lumipas kundi lumala pa?
"AC,alam mo baka nanuno ka lang sa punso sa Camping sites.Magpatawas ka kaya muna." suhestiyon ko rito.Bakit naman kasi bigla bigla na lang na sasabihin na mahal na niya ko.
Malamang nanuno lang ito kahapon.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at pinameywangan ako.
"Anong sinabi mo?Ako nanuno sa punso.!" sabay turo sa sarili niya.
Tumango ako rito.
"O di ba?parang ganun nga di ba?paggising mo,sasabihin mo mahal mo na ako.Kaya dapat lang na magpatawas ka ng lumayas iyang masamang espiritu na sumanib sayo." di ko lang maidugtong na parang haliparot na masamang espiritu.Nagkandarapa agad sa akin.Hamakin mo iyon.
"Hindi ako nasapian o nasaniban.Walang nuno sa punso.Puso ko ang nagsasabi na gusto na kita.Hindi ko alam bat nagpapaniwala ka sa mga ganiyan.Panahon pa iyan ni Mang Jose." anito sa akin.
Saglit akong nag isip kung ano ba dapat ang gawin ko sa dalaga para naman kahit papaano ay di sumakit ang ulo ko at baka ako pa ang masiraan ng ulo sa mga rebelasyon ngayon sa akin.
Kinumbinsi ko na lang ang dalaga na bumalik na kami sa trabaho.Bahala na nga.Wala naman akong planong gawan ng masama ang dalaga.Lalo at hindi na ito iba sa akin.
Gusto ko lang na huwag na itong masyadong lumalapit sa akin baka maubos na ang pagtitimpi ko rito.
Ayaw kong pagsisihan sa huli kung anong magawa ko lalo't di ito ang pinangako ko kay Ninong.Kailangan ko ng makakausap.Kaya ng malibang si AC sa ibang bahagi ng taniman ay agad akong tumawag sa aking Ina.Mga dalawang ring lang ay sumagot na ito.
"Hijo,buti naman at napatawag ka.Alam mo bang kating kati na ang daliri ko na idial ang number mo?Kaso itong Daddy mo,ayaw niyang kamustahin ka.Matanda ka na raw." ani nito na may halong pang aasar.
"Mom,33 pa lang ako.Di pa ko matanda.Pakisabi kay Dad." sagot ko.
Tumawa pa ng malakas si Mom na waring tuwang tuwa.
"Yaan mo,sasabihin ko Hijo.Kamusta naman riyan?" tanong nito sa akin.
Matagal ako di nakaimik. Sasabihin ko ba o hindi?
Mas pinili ko ang una.
"Son..are you still there?" tinig ni Mommy.
"Yeah.I'm still here.Is it okay if i tell you something?" tanong ko kay Mom.
"About what hijo?" tanong agad ni Mom.
"About AC.She told me,She fall inlove with me." sabi ko.medyo humina sa bandang dulo.
Pero sadyang malakas ata ang pandinig ni Mom.
"Oh really?For real Son?Oh i cant wait to be there and witness your Wedding Day.."Ani ni Mom.Napakunot ako ng noo.What the heck..Excited lang si Mom.Kasal agad?
"Mom,im not talking about marrying here.Ang sabi ko lang,nagkagusto na raw siya sa akin.Di iyon ang pinangako ko kay Ninong.You know kung bakit ako andito.For God sake.Nagagalit ako sa sarili ko dahil nadala rin ako ng halikan niya ko." pagtatapat ko kay Mommy.
"What?Son,kelan ka pa naging torpe?Si AC pa talaga ang nag initiate?Huwag kang mag alala..alam ko mas gugustuhin ka na maging Son in law ng Ninong mo.Subukan mo siyang kausapin about AC." sabi ni Mom.
Pero di pa rin ako kampante.
"I'll try Mom."sagot ko na hindi rin ako kumbinsido sa binitiwan kong salita.
I feel so stupid and unworthy of the Trust may Ninong Alex has given me.
Nagpaalam na ako kay Mommy.Ito walang kagatol gatol na sinabi na go siya at botong boto para kay AC.
Ayaw ko namang maging Nanny sa bata ba naman ni AC.Parang bunsong kapatid na nga ang turing ko doon.
Pero may magkapatid ba na naghahalikan in case?Wala..
So maling mali na hinayaan ko at parang tinake advantage na nga .Pero bakit naman kasi pag andiyan ang kinakapatid ay nawawala na ang paninindigan ko?Ngayon lang ba naman ako babalik sa katinuan pag wala ang dalaga.Pero pag andiyan,Lutang din naman.
Mga sabi ng utak ko.
Nagulat na lang ako ng biglang may tumakip sa mga mata ko mula sa likuran.
Alam kong si AC iyon dahil kilala ko na ang amoy nito.
Hinawakan ko ang mga palad nitong nakatakip sa mata ko.Pilit kong tinatanggal pero ayaw tanggalin ng dalaga.
"AC,come on..Don't do this.." ani ko rito."Remove your hand."malumanay na sabi ko rito.
"Sa isang kondisyon.." ani nito.
Pag ganito medyo kinakabahan ako sa kondisyon ng dalaga.Masyado itong demanding kaya nakakakaba ang makipagdeal dito.
"Spill it." kunwari hamon ko.Pero sana huwag naman mahirap ang hingin nito sa akin.
"Sasamahan mo akong maligo doon daw sa batis." sabi nito.
Batis? yeah.may batis nga pala dito sa loob ng hacienda.
"Wala ka namang dalang bihisan.Bakit ka naman maliligo doon? ang totoo ayaw ko itong samahan.Baka may kalokohan na naman itong iniisip.Gusto lang ata na mapagsolo kami.Mahirap na..Tukso layuan mo ako.
"May spare clothes ka naman ata sa sasakyan mo.Pahiram mo na sa akin." ani nito na nagpuppy eyes pa.
Wala akong nagawa kundi ang tanguan ito.
"Antayin mo ako rito.Kukunin ko lang sasakyan." paalam ko at dali daling pumunta sa sasakyan ni Ninong na siyang ginagamit ko.
May extra rin akong bath towel.Kinuha ko ang V-Neck shirts ko.Black ang kulay noon.Pati ang botak shorts ko.
Bahala siya wala siyang extrang underwear.Alangan namang ipahiram ko ang panloob ko sa kaniya.Ang laki kaya noon.
Natawa ako sa naisip na hitsura nito.
Pero ba't iba ang dating sa akin pagkatapos maimagine na wala nga itong panloob mamaya.
Bahala na.
Naglakad kami papunta sa Batis.Malapit lang naman dahil mga labing limang minuto lamang.Di nga namin napansin an narating na namin ang lugar.Madalas kasi kaming maligo rito ng mga tauhan sa hacienda lalo na sa tanghali.Pagkagaling namin sa madawag na parte ng taniman.Medyo makati ang mga dahon kaya nagtatampisaw muna kami rito.
Kita ang paghanga sa mga mata ni AC ng makita ang napakalinaw na tubig ng batis.
Di naman ganun kalalim.Mga hanggang dibdib lang ang tubig.Umaagos ito kaya napakalinis.
"Wala kayang linta rito?" tanong nito sa akin.
"Wala..di naman stagnant ang tubig pano magkakaroon ng linta riyan." paninigurado ko.
"Baka lang naman..malay mo may mga kalabaw pala na naliligo sa unahan kaya may dalang linta.." ani nito.Sinasalok salok na ng palad ang malinaw na tubig.
"Gubat na ang bandang taas diyan.Wala ng nakatira pa riyan dahil buong lupain niyo na ang nandiyan.Bat magkakaroon ng kalabaw?"Paliwanag ko.
Nagulat na lang ako ng bigla na lang itong maghubad ng suot na long sleeve.Natira ang white sando nito.
"Doon lang ako sa malayo pero tanaw pa rin kita." paalam ko rito.Mahirap na.Mabuti nang sa malayo lang ako nakatanaw.Tumalikod na ako at
Lumakad agad palayo sa dalaga.
"Hindi ka ba maliligo?Hindi mo ba ako sasamahan?" tanong nito sa akin.
"Hindi na..ikaw na lang babantayan na lang kita rito." Malakas na sabi ko na narinig naman nito.Naupo na lang ako sa malapad na bato na tanaw ko ang dalaga mula sa kinaroroonan ko.
Sunod na tinanggal nito ang suot na bra.Sandong puti na lang ang natira sa pang taas.Pero bakat naman ang katamtamang laki nang nakatayong dibdib nito.Nag iba ako ng tingin ng hinubad na rin nito ang suot na jogging pants.Pero simple pa ring sumulyap sa dalaga.May black cycling shorts pa naman pala ito.Kinuha ko sa bulsa ng suot kong cargo pants ang phone ko.Nagkunwari akong nagsi-selpon habang pasulyap sulyap sa dalagang lumusong na sa tubig.
Sumisid ito at kunwariy naghihilod ng libag sa braso ng lumitaw.Sa tingin ko wala naman itong libag.
Naupo ito sa nakalitaw na bato na nasa parteng tubig pa rin.
Loko rin at nakita ko talaga ang pagsilip nito sa loob ng cycling shorts.Naghugas pa ito roon..
Napalunok ako ng sariling laway.
Pakiramdam ko natuyuan ako ng laway.Para kasing nakita ko na ang noo ng private area nito sa pagitan ng hita.Hinawi kasi nito pabuka ang cycling shorts at hinugasan ang kaniya.
Di na muli ako tumingin rito dahil parang iba ang dating sa akin ng nakita kong eksena kanina.
"Pakiabot nga ng plastic na dala mo.Nakita ko may shampoo at sabon kang dala." sigaw nito saakin.
Oo nga pala.Nasa akin ang bihisan nito.Dinala ko rin ang sabon at shampoo ko na nasa sasakyan kanina.
Nag aalangan akong lumapit ngunit kailangan kong ibigay ang nasa akin na kailangan ng dalaga.
Kaya nag aalinlangan man ay lumapit ako.Na sana di ko na lang ginawa...