Di ko na sana ginawa.Dahil ng nakalapit na ako rito ay tumayo ito sa kinauupuang bato.Kita ko ang paggalaw ng tayong dibdib nito.Bakat na bakat ang dibdib pati nipples.Kahit itim ang cycling shorts pero amg mata ko kita pa rin ang bakat na harap nito .Matambok iyon.Tulad ng nakita ko ng humilata ito sa portable airbed kagabi.
Ilang beses gumalaw ang adams apple ko sa nakita.
Napakalaking tukso ang nasa harap ko.Hindi ko na iniabot dito ang gamit.Inilapag ko na lang ito sa batuhan at tumalikod na.
Di ko mapigilan ang lumukob na init sa katawan ko.Samahan pa ang pagtigas ng buddy ko down there.Parang naghahanap ng mapapasukan.
"Maligo ka lang diyan.May titingnan lang ako dito." sigaw ko.Nang mariinig ko ang pagsagot nito ay agad akong nagpunta sa likod ng puno ng niyog at sumandal roon.Pinakalma ko ang sarili.
Bat ba ang dali dali kong makaramdam ng init ng katawan sa dalaga.Normal pa ba ako.Baka kailangan ko magparaos muna sa iba.Mahirap ng sa kinakapatid ko pa ang maparausan ko ng init na ito.
Ngunit sa tuwing pipikit ko ang mga mata ko ay bumabalik ang hitsura nito kanina.Ang tayong -tayo nitong dibdib.
Lalo atang nagalit ang alaga ko.
Pakiramdam ko gusto nitong kumawala sa loob ng brief ko..
Kaya no choice ako.Si Mariang Palad na muna ang magpaparaos sa ayaw kumalmang buddy ko.
Buti na lang nairaos ko na bago pa natapos sa pagligo ang dalaga.nakabihis na ito ng damit ko at botak shorts.
Magulo ang buhok nito na tinutuyo ng tuwalya.
"Saan ka ba nagpunta?nagmadali ako kasi akala ko iniwanan mo na ako." di ako makatingin dito lalot ito ang dahilan ng pagkawala ko kanina sa paningin nito.Di ko naman puwedeng sabihin pa.
"Mauna ka na." sabi ko rito at iminuwestra ang unahan.
Buti na lang sumunod naman ito.Pinagmasdan ko ang likod nito.Medyo tumutulo pa ang basang buhok na di pa nasuklay.Mahaba ang Tshirt ko na di umabot sa hita nito kaya okey naman na kita ang botak shorts ko na suot din nito.May tali naman iyon kaya nagmukhang pambahay na shorts kay AC.
Napako na naman ang mga mata ko sa magagandang hubog ng legs nito.Mula pa noong bata ito ay iyon na talaga ang napansin ko.Mahahaba ang biyas at pino ang balbon nito.
Tumigil ito bigla sa paglakad at itinuro ang mga namumutiktik na bunga ng lansones.
"Kumuha kaya muna tayo.Mukhang hinog naman na ah.." yaya nito sa akin.Kakapit na naman sana ito sa braso ko ng pigilan ko.
"Ako na lang ang kukuha.Dito ka lang." bilin ko rito.baka mamaya mangati na naman ito sa paglalakad sa may ilang madahon.
Nagutom ata sa pagligo sa batis kaya nadiskitahan ang lansones.
Kumuha ako ng ilang kumpol at binitbit.mukhang matamis mga dahil may mga hantik pa na ngsilabasan mula sa kumpol na bunga.
Nang makalapit ako rito ay iniabot ko ang isang kumpol rito.
"Thank you." pasalamat nito sa akin.Ang tamis daw sabi nito sa mga bunga ng lansones kinakain nito habang daan pabalik.
Dumiretso na kami sa sasakyan.Nagbilin na lang ako sa bantay na sabihin kina Mang Henry na umuwi na kami ni AC.Di ko na ito isinama pa sa kung saan sila Mang Henry dahil sa suot nito,Baka ano pang isipin ng mga ito sa pagsolo namin ni AC.
Kaya inaya ko na itong umuwi.
Nakarating kami sa bahay bandang alas kuwatro na ng hapon.Nakatulog na sa sasakyan si AC kaya naisipan kong kargahin na lamang ito bridal style papasok ng bahay.
Nakuha pa namin ang atensyon nang ibang mga kasambahay.Kakaiba ang tingin ng mga ito.
Diniretso ko ito sa kuwarto nito at inihiga doon.Binuhay ko ang aircon at lumabas na rin agad.Ayaw kong pagmasdan pa ang dalaga dahil alam ko ako rin naman ang mamumroblema pag may nagalit na naman sa baba ko.
Pumasok na rin ako ng kuwartong inuukupa ko.inilock ko ang pinto dahil ayaw ko nang basta na lang papasok ang dalaga.Ang lakas pa naman ng epekto nito sa akin kaya mas magandang ako na ang umiwas.Di ko alam kung ilang minuto ang inidlip ko.
Nagising ako sa tunog ng selpon ko.Ng tingnan ko ang caller..si Ninong pala.Buti napatawag ito.
"Hello po." agad kong sinagot ang tawag.
"Kamusta kayo riyan Hijo?" anang matanda.
"Okey naman ho.Gusto niyo bang makausap si AC?" tanong ko rito.
"Huwag na.baka di rin naman ako kausapin noon." malungkot na ani ng matanda.Parang nalungkot din ako para dito.
" Nong.." nagdadalawang isip pa ko kung sasabihin ko ba o hindi ang mga sinabi sa akin ng anak nito.
"Ano iyon hijo?" tanong nito sa akin.
"Malapit na ho ang graduation ni AC." nasabi ko na lang.dahil hindi ko pa kayang sabihin ang mga bagay bagay.
"Kung hindi man ako makarating,alam mo na ang gagawin Hijo..Kamusta naman kayo ng anak ko?Maayos na ba ang pakikitungo niya saiyo?.." sabi ni Ninong Alex.
"Okey naman na ho kami.Di na niya ako sinusungitan.Actually magkasama ho kami sa hacienda kanina." imporma ko kay Ninong.
Narinig ko ang pagsigla ng boses nito.
"Talaga?Magandang balita iyan.Alam mo namang sa kaniya naman maiiwan ang lahat ng mga iyan.Sana huwag mong sukuan ang anak ko.Ikaw na ang bahala sa kaniya habang wala ako riyan." bilin ulit sa akin.
"Oho..huwag kayong mag alala..ako ng bahala Kay AC.Magpagaling kayo riyan." sabi ko.
Nagpaalam na rin ang matanda.
Pakiramdam ko dapat ko pang ayusin ang gusot sa mag ama.May naisip na kong puwedeng gawin para kausapin na nito ang Ama.
Hindi puwedeng habang buhay itong malayo ang loob sa ama at di nagkakaintindihan ang dalawa.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pambahay.Muscle Sando at khaki shorts.Pagkababa ko sa hagdan ay nalanghap ko ang mabangong amoy ng adobo.
Bigla tuloy akong nagutom.Pagbungad ko sa kusina,natanaw ko si AC na abala sa paghalo ng nakasalang sa induction cooker.
Ang bilis naman ata nitong nakababa.Napahaba ata ang tulog ko.Sinipat ko ang relong pambisig.Alasais y medya na pala ng gabi.Puwedeng gising na nga ito kanina pa.
"Hi,buti naman at bumaba ka na.Nagpatulong ako kay Ate Donna sa pagluto ng Adobong Manok.Tamang tama luto na.Maupo ka na riyan." ani nito sa akin.
"Salamat Ate,ako na pong bahala rito.Puwede na po kayong bumalik sa quarters niyo." baling ni AC sa kasambahay.Tumango naman ito at umalis na.
Kumuha si AC ng plato,tinidor at kutsara.nilapag ito sa Mesa.Dali dali itong nagsandok ng kanin at ulam.Nang makompleto na pati tubig na inumin ay umupo ito sa katapat ng kinauupuan ko.
"Tikman mo na.." anyaya nito sa akin.Nakangiti at mukhang masaya sa ginagawa.Feeling ko tuloy gusto nito na maging Housewife material sa inaasta nito sa akin ngayon.
Damn.Bakit ba iyon ang naisip ko kaagad.Housewife Material talaga..
Kumuha ako ng kanin at inilagay sa plato ko.Pagkatapos ay ang niluto nitong adobong Manok.
Tinikman ko,masarap ang pagkakaluto.Tamang tama ang tamis at alat ng sarsa nito.Medyo pinalapot nito ang sabaw.Sa oyster sauce marahil.
Tumango ako rito at muling sumubo sa bibig ko.
"Puwede na ba akong mag asawa?" tanong nito na ikinasamid ko kaya napaubo tuloy ako.Agad naman itong nagsalin ng tubig at iniabot sa akin.Agad ko namang ininom iyon.
"Bat ka naubo?Ayaw mo ba akong maging asawa?" straight to the point talaga ito pag nagsalita.Nagpalinga linga ako dahil baka may iba na naman na makarinig dito.
Lalo't pag aasawa na ang sinasabi nito sa akin.
"Hindi sa ganun.Nabigla lang ako.Bat kasi pag aasawa na agad iyang nasa utak mo.?" ani ko rito.
"Dahil doon din ang uwi natin.Gusto kong maging asawa mo.At huwag kang tatangi.Bawal tumanggi." Sabi nito at pinanlakihan pa ko ng mata.Di na lang ako kumuntra dahil baka mawalan pa ito ng gana na kumain.
Tahimik kaming kumain.Ito na rin ang naghugas ng pinagkainan namin.Pinanood ko lang ito.
Nang matapos ay humarap na ito sa akin.Tumayo na ako at nagpatiuna sa paglakad.Pero mabilis din itong nakahawak at yumakap sa braso ko.
Syete talaga.Lantad na talaga ang pinaggagawa ng babaeng ito.
Paano na talaga pag makarating ito kay Ninong.
"Manood kaya muna tayo ng movie sa entertainment room.
Nanigas ang katawan ko sa sinabi nito.Plano na naman nito na magsolo kami.Bakit ba pag magsosolo kami parang di ko kaya?Natatakot ako na di ko maintidihan.Naduduwag na ata ako.Susmaryusep!
"Wala ka bang ibang gagawin?"
ani ko rito.
"Wala pa kaya manood muna tayo." Nakayakap ito sa kaliwang braso ko habang tahak ang papunta sa entertainment room.
Nang makapasok binuksan nito ang ilaw at aircon.
Naupo naman agad ako sa couch na nandoon.
"Gusto kong manood ng Purple Heart.Alam mo ba iyon.Maganda raw iyon" ani nito.
Hinayaan ko na lang.
Nang magsimula ang movie ay nakayakap na naman ito sa braso ko.inihilig pa ang ulo sa balikat ko.Ang luwang luwang ng couch dito pa talaga sumiksik sa akin.Feel na feel ang pagkakadikit naming dalawa.
Napabuntung hininga na rin lang ako.
Kilig na kilig ito sa pinapanood na naintindihan ko naman.Tungkol ito sa contract marraige ng dalawang bida.Iyong babae singer at iyong bidang lalaki ay sundalo.Nagpakasal ang mga ito at nagpretend na mag asawa.Parehong may mga dahilan ang mga ito kung bakit kailangan nilang gawin iyon ngunit sa huli ay kapwa natagpuan ang sarili na mahal na ang bawat isa.
"Thats what i felt towards you.Hindi ko alam..basta naramdaman ko na lang,Gusto na kita.." Biglang singit ni AC sa patapos ng pelikula.
Tumingin ako rito.Maganda ito.No,Napakaganda.Hindi ko naman maikakaila iyon.
Gusto ko ang gandang meron ito.Stand out.
Pero bakit parang may labag sa loob ko na pagbigyan ang sarili ko sa pagmamahal nito sa akin?
Kaya gusto ko ng distansiya.
Marahil una,Si ninong.pangalawa,ang mga tao..Iniisip ko ang sasabihin sa akin ni Ninong at mg ibang tao.Lalo at kinakapatid ko si AC.Baka sabihin ng mga iyon,Di na ba ako makapaghanap ng ibang babae? at sa kinakapatid ko pa talaga?
Napabalik ako sa kasalukuyan mula sa pag iisip ng kabigin ako nito at idikit ang labi niya sa labi ko.
Imbes na iwasan,agad namang sumakop din ang labi ko sa labi ng dalaga.
Gusto kong malaman sa sarili ko ang nararamdaman ko.
Baka lust lang ito.Hinawakan ko ang ulo ni AC para ipirmi sa halikan namin.Ngunit kusa itong tumagilid kaya lalong nagkaroon ng puwang na mapalalim ang halikan namin.Bumitaw lang kami kapwa para sumagap ng hangin pagkatapos muli na naman nagdikit amg mga labi namin.
Ipinikit nito ang mata na siyang ginawa ko rin.Dama ko sa sarili ang malakas na t***k nag puso ko.Ang tila pag angat ko.Pakiramdam ko nasa alapaap ako.At ang init ng katawan ko ay dumaragdag.
Parang hindi ko kayang pigilin ang nararamdaman kong ito pero ng sumagi sa isip ko si Ninong,agad akong bumitaw kay AC.
Gulat itong napatingin sa akin.
Nasapo ko ang noo.Lagot na talaga ako nito.