Episode 15 of part2

1280 Words

Isang umaga, sa mansiyon ng mga Andrada. “Anak, ako ang pupunta sa kanila dahil isasama ko si Attorney,” wika ni Mr. Andrada. Nais nitong pigilan si Amy. Inaalala niya baka makagawa na naman ng hindi maganda si Amy na makadadagdag sa problema. “Dad, ako ang may kasalanan sa kanila kaya ako ang dapat na pumunta,” wika ni Amy. Nakagayak na ito pati na rin si Star. Gumuhit ang pagkabugnot at pag-aalala sa mukha ni Mr. Andrada. Nakikita niya ang dating Amy na matigas ang ulo. “Amy, anak. Alam mo naman na galit sa’yo ang mga Carpio. Mas mainam na ako ang humarap sa kanila kaysa ikaw,” malumanay na pakiusap ng ama. Subalit hindi natinag si Amy at buo ang kanyang pasya. “Daddy, hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko. Kasama ko si Star.” Nakamasid lamang si Star. Wala siyang ideya sa p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD