Hindi magkamayaw si Elay sa saya habang papauwi sila ni Star. Panay ang haplos nito sa kanyang bagong wig. “Maraming salamat, Bestie. Pinaiyak mo ako sa surprise mo. Ikaw ang may birthday pero ako ang may regalo.” “Advance birthday gift ko sa’yo yan. Ingatan mo yan. Si Doc Amy ang may-ari ng buhok na yan,” wika ni Star. Naka-akbay siya sa kaibigan at masaya siya na naibigay niya kay Elay ang pinakamimithi nito at napasaya niya ito. “Iingatan ko talaga ito, Bestie. Ang ganda nito. Pakisabi kay Doc Amy, maraming salamat.” “Sasabihin ko kay Miss Amy na natuwa ka sa buhok niya,” wika ni Star. Masaya ang kanyang ngiti pero may guilt feeling siyang nadarama dahil sa kanyang tiya. “Gusto kong ma-meet someday si Miss Amy,” wika ni Elay. “Bye, Bestie. Matutuwa si Inay pag nakita niya ito.”

