Samantala, walang kibo si Star habang inaalalayan si Amy patungo sa sasakyan nito. Pagkapasok ng sasakyan ay humagulhol-ng-humagulhol si Amy. Nayakap ito ni Star dahil nag-alala siya sa kalagayan nito. Hinagod-hagod niya ang likod nito at pilit kinakalma. “Tahan na po, Mommy.” “Star, hindi pa huli ang lahat, ‘di ba? Puwede pa ako magbago? Puwede pa akong magpakabait.” “O-opo,” ang tanging naging sagot ni Star. Hindi niya pa rin maintindihan ang totoonng sitwasyon ni Amy at kung ano ang kasalanan nito sa mga Carpio. Habang tumatakbo ang sasakyan ay panay ang message niya kay Adrian. Ibinabalita niya ang mga nangyari sa pinuntahan nila. Samantala sa Andrada mansion ay nakaupo sa sofa si Mr. Andrada habang hawak ang tungkod. Larawan ng pag-aalala ang mukha ng matanda. “Pasensiya ka na, Do

