Episode 11 of part 2

1076 Words

Napatutop siya sa kanyang bibig. Kinabahan ang dalaga at agad na binuksan ang kanyang kuwarto at isinarado. Hawak ang dibdib na napasandal siya sa pinto. Sa takot ay diniinan niya ang lock at pagkatapos ay parang nanghina ang mga tuhod niya na napaupo sa kanyang kama. Nagtatanong ang isip niya kung sino ang lalaking nakita niya. Maya-maya pa ay may narinig siyang kumakatok. “Star. Nariyan ka na ba?” Ang kanyang tiyahin ang kumakatok. Hindi malaman ng dalaga kung pagbubuksan niya ito. Ilang minuto siyang walang kibo. Muling kumatok ito. “Star.” Napilitang sumagot ang dalaga. “Mommy, bakit po?” mahina niyang tanong, “Kanina ka pa ba dumating?” tanong ng kanyang tiya. Kinabahan ang dalaga. Narinig yata ng kanyang tiya ang pagpasok niya ng bahay. “Kaninang alas diyes po,” sagot niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD