Episode 12 of part 2

1036 Words

“Rita! Ilabas mo ang asawa ko! Mga walanghiya kayo! Lumabas kayo at tatadtarin ko kayo ng pinong-pino!” Iwinasiwas ng babae ang hawak na itak. Sa lakas ng tungayaw ng babae ay alam ni Star na nabulabog na ang mga natutulog na kapitbahay at palihim na nanonood sa dramang nagaganap. “Lumabas kayo riyan!” sigaw uli ng babae at binayo ng hawak na itak ang gate. Hindi alam ni Star ang gagawin. Malaking eskandalo ang nangyayari at alam niyang naririnig ng kanyang mga pinsan ang sigaw ng nagwawalang babae. Nakahinga siya ng maluwag ng may dumating na mga baranggay tanod at sinaway ang babae. “Mawalang-galang na Ginang, gabi na at isang eskandalo ang ginagawa mo,” sita ng isang barangay tanod. “Yung malandi kong asawa. Nariyan sa loob ng bahay na iyan. Kabit ng nakatira diyan!” Galit-na-galit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD