Gulat na nilingon ni Star ang tumawag. “JP? Sinong hinihintay mo?” tanong niya. “Obvious ba? Siyempre ikaw,” wika ni JP. Kumaway ito sa dalaga. “Halika na, sumabay ka na sa akin.” Nag-dalawang isip si Star. Kahit lihim siyang kinikilig sa kapogian ni JP ay nag-aalangan pa rin siya dahil unang araw pa lamang niyang nakikilala ito. “Nakakahiya sa’yo. Maaabala pa kita.” “Of course not. May nilakad lang ako sa embassy kaya nagbakasakali ako na dumaan dito. Sakto naman palabas ka pa lang.” Lumabas ito ng sasakyan at ipinagbukas pa ng pinto si Star. Pagod na rin si Star kaya naisip niyang sumakay na lamang. Wala naman sigurong masamang motibo si JP, ayon sa isip niya. At sa tingin niya ay gentleman naman ang binata. Ikinabit niya ang seat belt sa kanyang katawan. “Salamat ha. Nakatipid ako n

