Kinabukasan ay pinilit bumangon ni Star kahit medyo nakakaramdam siya ng pananamlay. Paglabas niya ng bahay ay napansin niyang may tubig ang semento na nilalakaran niya, senyales na katatapos pa lamang ng malakas na umulan. Mabilis at maingat ang lakad niya dahil iniiwasan niyang maputikan ang kanyang puting uniporme. Binuksan niya ang maliit na gate at muli niya itong kinabig para isara. “Ay, kabayo!” Napatalon si Star sa pagkagulat. Isang sasakyan ang nasagasaan ang malalim na bahagi ng naipong ulan sa kalsada. Napasinghap siya ng tumalsik sa kanya ang malamig na tubig-ulan. Napatingin na lamang siya sa basang-basa niyang uniporme. Nagngitngit siya sa galit na tinapunan ang sasakyan na huminto sa di kalayuan. Bumaba ang driver ng sasakyan at lumapit sa dalaga. “Naku, Miss. I’m so sorr

