Kinabukasan ay paalis na si Star para pumasok ng tumawag si Adrian. “Hello po, Doc Daddy,” masaya niyang bati sa doctor kahit nakakaramdam siya ng pagkainis dahil sa hindi pagpayag ni Rita sa hiling niyang mangupahan. “Hello, Star. Nabasa ko ang mga messages mo. Ipagpatuloy mo lang ang pakikipag-communicate kay Amy. Darating din ang oras na magkukusa siyang magku-kuwento sa’yo,” wika ni Adrian. “Yes po, Doc. Araw-araw ko siyang kinakausap at kini-kwentuhan. Pati nga talambuhay ng mga artista, naikwento ko na.” Natawa si Star sa kanyang mga sinabi. Minsan kasi ay nauubusan na siya ng kuwento kaya pati tungkol sa buhay ng may buhay ay naidaldal na niya kay Amy. Tumawa rin ang doctor. “Siyanga ba? Alam mo mas maganda kung may magti-trigger kay Amy na isang pangyayari para mailabas niya ku

