DAHIL SA masamang panaginip na iyon, tila nawalan ng gana si Lady nang umagang iyon. Ang buong akala nga niya ay okay na siya dahil sinamahan siya ni Humphrey magdamag, pero nang muli niyang maalala iyon ay paulit-ulit nang nagre-replay sa kanyang utak ang mga nangyari sa nakaraan. Umahon muli ang galit niya para kay Dave Marciano. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang baby niya. “Are you still thinking about it?” Ang tanong na iyon ang nakapagpa-balik sa kamalayan niya. Napakurap siya saka nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Humphrey. Naroon sila sa kusina nang mga oras na iyon, nagluluto ito ng tanghalian nila habang siya ay abala naman sa panonood dito. “Ha?” Umiling ito. Saka siya tinapik ng bahagya

