NAMAMANGHA na inikot ni Lady ang mga mata sa buong paligid. Naroon na sila sa farm ni Victor sa Tagaytay. Malawak ang lupain nito. Karamihan ay puro mga bulaklak ang nasa paligid nila. Ayon dito, eighty percent ng farm ay puro bulaklak ang nakatanim. Iyon kasi ang gusto ng lola ni Victor. Nang dumating sila doon ay sinalubong sila ng katiwala nito. Iba’t ibang klase ng bulaklak ang nakikita niya. And how she loves flowers. Tinaas ni Lady ang shades niya sa ulo. Kaya nagmistula itong headband. Hindi na siya makapaghintay na maikot ang buong farm. “Ang ganda naman,” mangha pa ring sabi niya. “Yeah, napakaganda.” Narinig niyang sang-ayon ni Humphrey. Napangiti siya saka lumingon sa katabi niya. Napakunot-noo siya dahil hindi naman sa tanawin nakatutok ang camera ni Humphrey. Kung hindi sa

