Chapter Nine

3889 Words

          MATAPOS  ang mapangahas na halik na iyon nang nagdaang gabi. Hindi na sila nagkibuan pa ni Humphrey. Hindi niya alam kung bakit nagalit ito. Gusto niyang isipin na nagseselos ito kay Dave. Nang umagang iyon, paggising niya. Agad niya itong hinanap. Kailangan na niyang makausap ito. Liliwanagin niya ang lahat ng dapat liwanagin.           Huminga muna siya ng malalim bago lumabas sa silid na inookupa niya. Kasama niya sa silid na iyon sina Madi at Allie. Nauna na kanina pa ang dalawa sa kanyang bumaba. Hindi na siya sumabay sa mga ito dahil kinokundisyon pa niya ang sarili. Kailangan kasi niyang mag-ipon na maraming lakas ng loob para harapin si Humphrey. Pagkatapos kasi ng pangyayari kagabi. Hindi na niya alam kung paano ito kakausapin ng hindi makakaramdam ng pagkailang.      

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD