CHAPTER 7/ Palawan Photoshoot

1531 Words
Maki POV Nandito kami ngayon sa palawan sakay kami sa private van ko papuntang Hotel sa haba ng byahe nakatulog na ang mga kasama ko sinama ko na din sila Terry at Abby. Hindi naman na sila iba sa akin sa tagal na nilang nagtatrabaho sa akin pamilya na ang turing ko sa kanila kahit alam kung hindi nila alam.Nasa pinaka dulo sila ng van at kami ni Chazz ay nasa likod ng driver set. Napatingin ako sa katabi kung mahimbing na natutulog 'di ko pa rin maintindihan kong ano nagtulak sa akin para halikan ang babaeng ito.Basta ang alam ko bigla ko naramdaman ang mga labi kong nakalapat na sa labi ni Chazz. Maganda si Chazzy may pagka singkit ang bilugan niyang mata,mahaba ang mga pilik,matangos rin ang kanyang maliit na ilong na bumagay sa maliit nitong muka.Maganda rin ang balat nito mas maganda pa nga ang kutis nito sa mga kapwa ko modelo babae halatang alaga ang balat nito.Kung 'di lang sinabi ni Abby at Terry na galing ito sa mahirap na pamilya aakalain ng iba o ako na galing ito sa mayamang pamilya. Ang katawan naman nito well lagi siyang naka slocks at maluwag na blouse kaya 'di ko alam kong sexy rin ba ito,mataas din ito sa hieght na 5'8. Bahagyang gumalaw si Chazzy at 'di ko pa rin inaalis ang tingin ko dito sobrang himbing ng pagkakatulog nito.Napadako naman ako ng tingin sa mga labi ni Chazzy na bahagyang bumuka ng gumalaw ito.Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaiba parang gusto ko muli iyon angkinin. sunod sunod ang ginawa kung paglunok. "Sh*t! Ano bang nangyayari sa akin?," Napamura ako ng akmang ilalapit ko nanaman ang mukha ko kay Chazzy. Ano bang meron sa labi mo Chazzy bakit sa tuwing madadako ang mata ko sa mga labi mo parang hinihila ako para halkan ka. "Haizt,,,," Napabuntong hininga na lamang ako at pilit ko na lamang ipinikit ang aking mga mata. "Hmmm,,,, Samuidesu." Nagulat ako ng bigla na lamang yumakap sa akin si chazzy. Mukhang nilalamig ito kaya sumiksik ito sa aking dibdib. Naamoy ko tuloy ang mabango nitong buhok imbes na tanggalin ko ang pagkakayakap nito sa akin mas hinapit ko pa ito. Hindi naman ito umangal sa ginawa ko, marahil ay sobrang himbing nang tulog nito. --- "Baklush!! Dali ka, Dali.." kinalabit ni Abby si Terry na naghahanda na sa pagbaba dahil tumigil na ang van na sinasakyan nila. "Ano ba 'yun babae ka ang lakas lakas ng boses nito.Anu nakakita ka nanaman ba ng gwapo bruha!" Nagulat naman si Terry ng ituro ni Abby si Maki at Chazzy,Kaya naman napanganga pa ito at ng akmang titili dali-dali tinakpan ni Abby ang bibig nito para hindi ito makalikha ng ingay baka kasi sa pagtili nito magising pa ang dalawa. "Ano ka ba wag ka maingay d'yan baka magising silang dalawa e, picture-ran mo dali." Turan ni Abby kay Terry. "Aba ayaw ko nga baka magalit si Boss pag nalaman pinictureran natin silang dalawa mamaya niyan malintikan pa tayo e.Kung gusto mo naman ikaw ang gumawa oh!" Nakita kasi nilang magkayakap ang dalawa na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. Nakasandal pa rin ang katawan ni Chazzy sa dibdib ni Maki at ang kamay naman ni Maki ay nakayapos sa bewang ni Chazzy.Habang ang ulo ni Maki ay nakapatong naman sa ulo ni Chazzy kung may ibang makakakita sa dalawa iisipin na may relasyon ang dalawa. "Ohh, Ayan na. Bruha ka! bahala ka pag nakita ni boss 'yan,ikaw ang mananagot." Iniabot ni Terry ang cp kay Abby at nakangiti itong pinagmasdan ang litrato ng dalawa na kuha ni Terry kahit napilitan itong sundin si Abby. "Baklush,,,, Tingnan mo ohh,aminin mo bagay sila 'di ba?" Kinikilig na wika ni Abby nagulat n lang sila ng bigla bumakas ang pinto ng van. --- "Hello, babe.Huh!,,, what the!" Nagising ako sa boses ng isang babaeng nagtitili.Kaya naman unti-unti niyang iminulat ang mga mata.Nakita niya ang isang babae mukhang pinagbagsakan ng langit ang mukha. "Ikaw! Sino ka ba huh? at bakit ka nakayakap kay Maki ko!" Nalito naman ako sa sinabi ng babaeng ito na busangot na busangot na ang mukha. "Huh? Anong sinasa-" naputol ang sasabihin ko ng maramdaman na may humapit sa bewang ko. "Haizt,,, Ano ka ba Charlotte? Ang ingay ingay mo!" Napaangat ako ng mukha at ganoon na lang ang gulat ko ng mapagtantong nakayakap pala ako kay Maki at ang lalaking ito naman ay nakayakap pa din ang dalawang kamay sa bewang ko.Aalisin ko na sana ang kamay nito ng magsalita muli si Maki. "Let's go Chazzy," Nagulat pa ako ng tawagin ako nito sa firstname ko na ngayon lamang niya ginawa.Nalilito man ay lumabas na din ako baka mamaya maiba nanaman ang mood nito. Inalalayan pa ako ni Maki hanggang sa makababa na ako.At ang babaeng kanina pa maingay ay ang sama sama na ng tingin sa akin.Para itong isang aso na handa na ako sakmalin. "Maki? Ano ang ibig sabihin nito huh?! Sino ba 'yang babae na 'yan huh?!" Inis na inis na ang itsura ng tinawag ni Maki na Charlotte. "Pwede ba Charlotte, Im tired okey." Hinila naman ako ni Maki,wala naman na akong nagawa kundi sumunod na lamang dito baka iba nanaman ang trip ng isang ito. "Ah!! Nakakainis naman.Yari ka sakin babae ka humanda ka sa akin," Rinig ko pa ang sinabi ni Charlotte. Hinayaan ko na lamang ang babaeng busangot na 'yun.Mukha kasing hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa pagkainis sa akin. "Ako pa tinakot ng babaeng 'yun so siya pala si Charlotte maganda naman pala at sexy rin ito.Kaso parang asong tahol ng tahol." Wika ko sa aking sarili habang laglalakad.,Samantalang hawak hawak pa rin ni Maki ang aking kamay,hanggang nakarating na kami sa mismong frontdesk. "Goodmorning Sir/Ma'am"Ngiti ng babae sa frontdesk na halatang nagpapa cute pa kay Maki.Deadma naman ang pagpapacute nito kay Maki. "Room for three please."Wika ni Maki sa babaeng kausap. "Sorry Sir fully book na po kami ngayon Sir e."Wika naman ng babae na nagpalungkot pa ng mukha. "Itsura nito akala mo naman maganda,"Bulong ko pa sa aking sarili, saka ko tinanggal ang magkahawak namin na kamay ni Maki.Tumingin lang si Maki sa kamay namin dalawa na magkahiwalay na.Mukha naman nagbago nanaman ang mood nito.Sinamaan nito ng tingin ang babaeng kausap. "dammit!" Mahinang mura pa nito halatang naiirita na ito kaya dalian kinuha niya ang cp at nag dial agad. "Hello, Leziel akala ko ba nakapag book ka na dito sa hotel na ito? okey, okey, bilsan mo!" "Ohh, Maki,My dear. Im sorry wait aayusin ko ito okey." sabi ng babaeng nagmamadaling lumapit sa Frontdesk. "Oh! Maki. Okey na ito ang susi ng room niyo." wika ng babae kay maki na nakangiti na dito.Samantalang simangot pa rin moody kung boss. Dalawang room ang inukupa ni Maki isa ay sakanya at ang isang room naman ay Kila Terry, Abby, at Chazzy. "Ui,, Ganda tara sama ka samin manood tayo ng photoshoot nila boss Maki. Tara!!" Aya ni Abby sa akin. "Ayaw ko kayo na lang inaantok pa ako e." Tugon ko kay Abby dahil sa totoo lang ayaw ko talagang makakita muna ng mga pictorial na 'yun. "Haist! bruha ka, dali na sumama ka na. wag kang K.j" Hinila naman ako ni Terry at Abby kaya wala na rin ako nagawa kundi sumunod sa dalawa. "Oh, Charlotte dumikit ka pa kay Maki." Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nanood sa mga nag popose na mga model 'di na bago sa paningin ko ang mga ganitong eksena. "Akala mo naman tuko kong makadikit."Nakatingin si chazz kay Maki at charlotte na nag popose na pareho. Natapos ang maghapon at pabagsak na ako humiga sa kama nakakapagod ang utusan ng utusan ni boss Maki. bwesit kasi na lalaki 'yun pinagod ako. Akala ko pa naman tuloy tuloy na pagiging sweet nito s akin 'yun pala hindi.Haist itutulog ko na lamang ito. "Kawawang Chazzy, napagod ng husto. Ano ba nasa isip ni boss at bigla na lang inutusan ng inutusan ito si Chazz." wika ni Terry. "Awan ko ba kay boss nakita ko kasi may kumakausap na lalaki kay Chazz kanina habang nanonood siya kila boss maya maya dumating si boss at kong anu-ano na ang pinag uutos dito kay ganda kaya ayan plakda ang beauty." Wika ni Abby "Sino ba kausap ni Chazzy, Abby kanina?" "Si Sir pogi lang naman." nakangiting Wika ni Abby. " Aray! Ano ba Terry sasapakin kita diyan e. bat ka ba nambabatok kasi e."Galit na wika ni Abby na binato rin ng unan si Terry. "Ay ang gaga mo kasi sa dami ba naman ng gwapo dito sa beach resort gagawin mo pa ako manghuhula." Nakairap na Wika ni Terry. " Haist, , Gaga ka si Sir Maki at Nathan lang naman ang pinaka gwapo dito ahh. baliw ka ba?"Sabay bato naman ng unan kay Terry. nag babatuhan sila ng unan ng magsalita si Chazzy. "hmmm,, urusaku shinaide Abby, Terry." Gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Chazz. "Ano daw?"wika ni Abby. "Ewan ko d'yan kay Chazzy sa mars ata 'yan galing e, kung anu-ano lagi sinasabi haha." Nagpatuloy sa harutan ang dalawa habang mahimbing na natutulog si Chazzy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD