CHAPTER 6/ Firstkiss

1465 Words
Chazzy Rhain POV "Sobrang miss na miss ko na kayo Lai,Sofie,and Bea pati na rin kayo Mom and Dad. Sorry po kailangan ko itong gawin mahal ko kayo pero ayaw kong kayo ang mag-desisyon sa buhay ko.Mabubuhay ako kahit mawala sa akin ang lahat wag niyo lang ipilit ang isang bagay na ayaw kung gawin at sa bagay na hindi ako magiging masaya."Wika ko sa aking sarili. "Haizt! na mimiss ko na ang mga kaibigan ko sana okey lang kayo d'yan Lai.Sofie and Bea." Nasa terrace ako ngayon at bahagya akong nakatingala sa langit,nakasuot lamang ako ng maiksing cotton short at spagetti strap na kulay red kaya naman kitang kita ang kaputian ng aking balat.Nakalugay din ang mahabang kulot kung buhok na may natural na kulay brown,nasa ganu'n akong posisyon ng mapansing kung parang may nakatingin sa akin. "Muntik na ako doon ah, buti na lang nakapasok na agad ako ng kwarto ko bago ako makita ni Maki." Hawak ko pa rin ang dibdib ko, mabilis pa rin ang pagtibok ng aking puso dahil sa kabang aking nararamdaman. Sakto kasi pagtingin ko sa baba bigla ko naman nakita si Maki,buti na lamang talaga at napatingin ito sa ibang dereksyon kaya nakapagtago ako kaagad --- Pag baba ko sa aking kotse nahagilap ng aking mata ang isang babaeng nasa terrace para itong diwata sa liwanag ng buwan.Mahaba ang buhok nito na sinasayaw ng hangin at ang kutis nitong sobrang puti na bumagay sa suot nitong sexy short at spagetti strap na ang kulay ay pula na lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat.Nakaramdam siya ng pagkauhaw napalunok siya ng ilang beses. "Ang sarap sigurong yakapin ng babaeng ito," Wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang isang magandang tanawin sa ilalim ng malaking buwan.napabaling naman ang tingin ko sa parteng halamanan ng bigla may tumalong pusa sa gawi ko. Nang ibalik ko ang tingin sa terrace nawala bigla ang babaeng kanina lamang ay pinagmamasdan ko lamang,napailing na lang ako dala siguro ito ng kalasingan ko. "Imposible naman na magkaroon ng ganoong klase ng babae sa mansion ko?" Muli akong napailing kung anu ano kasi ang nakikita ko kaya naman dumeretso na ako sa pagpasok sa loob ng bahay.Napasandal pa ako saglit sa pinto ng kwarto ko.Dala na din ng alcohol sa katawan napadaan kasi ako sa bar kasama ang tatlong pinsan ko. "Ahhh!,, What the?!" Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot dala ng kalasingan ko kagabi.Napadami ata ang ininom ko,hihiga pa sana ako ng bigla tumunog ang aking cellphone kaya naman bigla ko na lamang sinagot ang tawag ng hindi ko tinitingnan kung sino ba ang tumatawag. "Hey! bro.whatzup?!,,, Kumusta masakit ba ulo mo? ha.ha" Pang aasar ng pinsan kung si Zyrus. "Gago! alam mo na pala tinatanong mo pa," Iritadong sagot ko dito. "Chill lang bro.ikaw naman kasi kung uminom parang wala ng bukas e,"papatayin na sana niya ang tawag ng magsalita ulit si Zyrus. "Ohh! bro, wait ipapaalala ko lang sayo na may photoshoot tayo ngayong araw baka makalimutan mo pa e." "Okey,Bye! "Pinatay ko na agad ang tawag nito at syaka ibinaba ko ang aking Cellphone sa kama at nag umpisa na rin ako mag ayos ng sarili nagsuot lang ako ng Panjama at sandong itim. Pagbaba ko nakarinig ako ng babaeng kumakanta malamyos ang boses nito 'di ko namalayan na nakarating na pala ako sa pintuan ng kusina, kong saan bumungad ang isang babaeng naka suot ng airprone. Nakatalikod at bahagya pa itong kumikimbot habang kumakanta busy marahil ito sa niluluto niya. Kaya di ako nitonapansin,napagawi naman ang aking mata sa balakang ng babae na bahagyang gumagalaw may katambukan din ang parteng puwetan nito napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang babae masayang nagluluto.Nakasuot din ang babae ng panjama manipis at t shirt na hapit kaya alam kung sexy ang babaeng ito. Lumapit ako ng bahagya sa pwesto nito para sana tingnan ang niluluto nito,ngunit ng malapit na siya bigla na lang humarap ang babae.dahilan para matapon ang hawak nitong isang baso ng tubig sa dibdib niya.Ito man ay nagulat din sa pagdating ko. --- Busy ako sa pagluluto ng almusal sana namin nila Terry at Abby. Ako kasi ang nautusan nila magluto ng aming almusal dahil wala rin naman si Manang Ester,Buti na lamang may alam ako kahit papaano sa pagluluto kaya pumayag na din ako. Kumakanta pa nga ako habang nagluluto may hawak akong isang basong tubig na ilalagay ko pa sana sa niluluto kong mushroom soup pero laking gulat ko ng sa pag harap ko bigla ako bumangga sa matigas na bagay dahilan para mabuhos mismo sa akin ang isang basong tubig.Nabasa tuloy ang aking suot na damit at pag angat ng mukha ko laking gulat ko ng si Maki pala ang nasa harap ko.Nakatitig din ito sa akin,para pa nga itong na statwa sa pagkakatayo niya. "Ah, Um, Sir Ma-Ki," Bigla tumibok ng mabilis ang puso ko ng mapansin nakatitig na nakatitig pa rin si Maki sa akin.Nakatitig lamang ang mga mata nito sa aking mga mata ni hindi ko mabasa kung anong gusto ipahiwatig ng mga mata nito. "Sir Maki excuse me-," Nagulat ako ng bigla na lang nitong hinapit ang bewang ko.Ano bang problema ng lalaking ito,nakakalimutan ata nito na isa lamang niya akong personal secretary at julalay. "Si-r," 'Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang ko na lamang naramdaman ang mga labi ni Maki sa mga labi ko. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata dahil sa pagkagulat. Ngunit nakita ko naman na nakapilit ang mga mata ni Maki habang nakalapat ang labi nito sa labi ko.Hindi ko alam kung paano ko tutugunan ang ginawa nitong paghalik sa akin. "Chazzy! Okey na ba almusal natin?" bigla kung naitulak si Maki ng marinig ang boses ni Abby na palapit sa dereksyon namin.Ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko.Halata naman nagulat si Maki ng bigla ko siyang itinulak.Tumingin pa ito sa akin at nagkasalubong ang aming mga mata,Nagtatanong pa ang mga mata nito kung bakit ko siya bigla itinulak. "Ohh! Boss, nandito po pala kayo. Dito na rin po ba kayo kakain?" Tanong ni Abby "Um,,, Yes! mukha masarap ang niluluto ni Ms.Sia.Mukhang matamis at malambot,Halatang katakam-takam." Wika ni Maki habang nakatingin sa aking labi,Bigla naman nag init pa lalo ang aking mukha pakiramdam ko pulang pula na ang aking mukha. "Hoy,,,, babae! Bakit ka namumula d'yan huh? Anyare sayo?" Wika ni Terry na lumapit pa talaga sa akin.Sarap naman batukan ng baklush na ito. "Ah,,, e,,,wala mainit kasi kaya siguro namumula mukha ko.Woahh! ang banas naman," pinilit kung 'di mautal para hindi makahalata si Terry, at Abby. Baka kung ano pa isipin ng dalawang ito,halata naman na nang iinis pa si Maki dahil sa pasulyap sulyap nito sa akin. "Mushroon soup talaga Chazz?! Almusal ba ito?" Nakataas ang kilay ni Terry habang tinitingnan ang soup na niluto ko.Hindi pa nga niya natitikman hinuhusgahan agad,kahit kailan talaga ang baklang ito mapang-asar. "Tikman mo kasi muna noh,,, syaka may ginawa ako Toasted bread nakaulam niyan creamy mushroom soup."Paliwanag ko sa mga ito,tinikman naman agad ni Terry ang soup at ang toasted bread na ginawa ko. " OMG!!! Chazzy Ang sarap nga nito.Grabe! Um,,,ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap. Ang creamy pa kaya lalong sumarap,superb girl! Isipin mo 'yun marunong ka pala magluto,"napangiti naman ako sa komento ni Terry sa niluto kung soup. "Ohh,, Sir Maki tapos ka na po ba kumain?" Napa angat ako ng tingin ng mapansin kung tumayo na si Maki,Nagtama naman ang mga mata namin dalawa. "Yes, Mag aayos pa ako ng gamit sa taas." Sagot nito kay Abby na siyang nagtanong pero ang mata nito ay nakatuon pa rin sa akin.Medyo nailang pa ako kaya ako na ang unang nagbaba ng tingin dito. "Ahh, Ms.Sia. Mag ready ka na din sasama ka sa akin sa Palawan."Tumalikod na ito at naiwan ako na nakatingin pa rin sa pinto kong saan lumabas si Maki. "Hoy! Bruha,,,wala na si boss makatingin ka naman d'yan kanina kay boss huh.Parang may something hmmm,,,," Tinaasan ko lang ng kilay si Terry kung anu-ano kasi ang pinagsasabi nito. "Haizt,, Ano ka ba wala 'yun nagwapuhan lang ako kay boss." Pagdadahilan ko na lamang sa sinabi ni Terry.Mukha 'di naman naniwala ang dalawa sa akin. "Tapos na ako bahala na kayo d'yan." Iniwan ko na si Terry at Abby na may kakaibang ngiti sa labi, 'di ko na lamang pinansin ang mga ito bahala sila gusto nilang isipin.Pero bakit ako hinalikan ni Boss Maki, Nasa harap ako ng salamin at nag aayos ng mahaba kung buhok. Napahawak pa ako sa aking labi ramdam ko pa rin ang lambot ng mga labi ni Sir Maki. Bakit moko kasi ako bigla na lamang hinalkan Maki. Haizt, Ano ba 'yan nakakainis siya pa talaga ang naging first kiss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD