Tumatagos ang napakaliwanag na sikat ng araw sa mga naglalakihang bintana ng pinakamagandang palasyo sa isla ng Murcia. Ang palasyo ng mga maharlika ng Ishindalor sa Parnangan. Halos sabay-sabay sa paghakbang ang may dalawampung pares ng paa na tila inililipad ng hangin habang binabaybay ang kahabaan ng bulwagan. Lumilikha ang mga ito ng malulutong na tunog na gawa ng kanilang mga takong sa suot nilang sapatos na pandigma sa napakakinis na sahig na gawa sa itim na kristal. Sa gawing unahan ng mga deligado ay nakatuon ang atensiyon nila sa napakagandang babae na nakasuot ng puting kasuotan yari sa hinabing tela ng Jiu. Marami ang napanganga sa kanyang kagandahan at ang napakahaba at napakaitim na buhok nito ay nag-iiwan ng kakaibang bango sa paligid. Napakalambot na isinasayaw pa ng mah

