Makakapal ang mga kaulapan sa kalangitan na humaharang sa sikat ng araw. Makulimlim na tila nagluluksa ang paligid ngunit walang hangin ang nakikipaglaro sa mga dahon ng mga puno at halaman sa paligid. Tila naunang nagpakita ng pagdadalamhati ang kapaligaran sa kung ano man ang mangyayari sa araw na iyon. Umaalingawngaw ang sobrang katahimikan maliban lamang sa mga huni ng mga uwak na nakikipag-agawan sa mga nabubulok na karne ng tao at hayop na nakakalat sa kalsada. Halos isang libong mga anak ng buwan ang ngayon ay nasa kalsada at tila nagtitipon-tipon para sa iisang layunin. Pinangungunahan sila ni Sitan, ang kanang kamay ni Behemot bilang diyos ng kasamaan. Salikuran niya ay ang matandang manggagaway na si Hiduan at ang mandirigmang si Anmanuan. Bitbit ni Sitan ang kanyang mak

