Halos manginig ang mga tuhod ni Caren pagkakita sa napakaraming mga nilalang ng kadiliman ang unti-unting lumalapit papunta sa Simbahan ng Barasoain, kung saan sila naroroon. Hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari na kahit sa kanyang panaginip ay hindi pa naranasan. Nais niyang gumising na sa bangungot na ito at muling balikan ang buhay niya bilang isang pulis Maynila. Ngayon ay nasa harapan nila ang napakalaking halimaw na aso na nakakatakot ang hitsura. Nagkalat na rin sa paligid ang mga iba't-ibang mga nilalang ng kadiliman na sabik na sabik sa sariwang laman at dugo ng tao. Ganito ba talaga magugunaw ang mundo? Hahayaan ba ng Diyos na ganito ang kahihinatnan ng tao sa kamay ng mga nilalang ng kadiliman? Bumuntung hininga siya at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala hindi la

