Bata pa ang haring araw nang sinimulan nina Odessa at Danum ang paglalakbay sa karagatan ng Andaleña. Sakay sila ni Merbatua, ang alagang pawikan ni Danum na sinlaki ng isang maliit na isla. Ito rin ang parehong nilalang na kung saan natagpuan ni Danum si Odessa ilang araw pa lamang ang nakakalipas.Patungo sila sa isla ng Dalangan kung saan matatagpuan ang pinakamalapit na Pilunlualan o mga mahiwagang lagusan. "Hindi ba ikaw ang Diyos ng tubig? Bakit hindi mo na lang gamitin ang kapangyarihan mo para bumilis ang paglalakbay natin?" ang tanong ng naiinip na si Odessa. "Odessa, marami ka pang hindi naiintindihan at nalalaman sa ikatlong mundo." Ngumiti si Danum at naupo sa gilid na bahagi ng talukap ng dambuhalang pawikan at saka hinayaan nitong mabasa ng tubig ang kanyang mga

