CHAPTER 9

2971 Words

    Halos malula si Odessa sa pagkakatayo nito sa gilid ng isang burol na may napakatarik na banging punong-puno ng mga naglalakihang mga bato. Wala siyang makitang mga puno at mga berdeng damuhan, tanging mga tuyo at mga tuhod na mga dating bahagi ng mga puno sa kagubatan ang unti-unting tinatakpan ng mamula-mulang buhangin. Biglang lumakas ang ihip ng napakainit na hangin na lalaong nagpapatuyo sa nangangati niyang balat. Unti-unting naging kulay dugo ang kalangitan at nakakatakot ang mga kumpul-kumpol na mga ulap na tila nagbabadya ng trahedya. Isang ipu-ipong apoy ang biglang namuo sa gawing hilaga at tinutupok nito ang bawat madaanan. Dinig na dinig niya ang nag-aalimpuyong lakas ng hangin na hindi lamang nagpapatumba sa mga dinaraanang mga puno, kundi lahat ng daanan nito ay nagiging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD