Bumagsak sa kanyang likuran si Alex nang sinungaban siya ng isa sa dalawang taong-lobo sa kanyang harapan. Nakaramdam ng pamamanhid ang buo niyang katawan sa sobrang takot ng mga oras na iyon. Hindi siya makagalaw nang maramdaman ang halos walumpung kilong bigat ng katawan ng taong-lobo. Gustong sumigaw ni Alex, pero hindi niya ito magawa. Tila naging pipi at bingi ang lahat sa kanyang paligid. Wala siyang marinig at wala na rin siyang maramdaman. Kung iyon man ang sinasabi nilang kamatayan umaasa sana siya na gawin na lamang ng mabilis para sandali lamang ang sakit na kanyang mararamdaman. Nagsimulang manlalamig ang buong katawan ni Alex at tila ayaw gumana ng kanyang isip. May naramdaman siyang mainit na likidong pumatak sa kanyang mukha at kitang-kita niyang nakaakma na siyang sakma

