Sa silid dasalan ay taimtim na nagsasagawa ng Lambaa (dasal ng kahilingan) si Anilaokan sa kanilang diyos na si Behemot. Sa kanyang muling pagkabuhay ay maipagpapatuloy na niya ang paghihiganti hindi lamang sa mga tao maging kay Bathala at sa mga umaanib sa kanya. Paghihiganti sa matagal na panahong nasayang dahil sa kaparusahang iginawad sa kanya ni Bathala ng dahil lamang sa mga mabababang uri ng nilalang na tinatawag nilang tao. Natutuwa siya dahil sa isang malakas na lalaking Sangre inilipat ang kanyang kaluluwa. Isang Sangre na magsasanib ang kapangyarihan ng isang engkanto at bampira. Pagsasanib ng dalawang nilalang na magbibigay sa kanya ng napakalakas na kapangyarihan para harapin ang kanyang mga makakalaban. Batid na niya ang sinasabi ng propesiya tungkol sa babaeng magliligta

