Malamig ang paligid kahit na tirik ang haring araw sa kalangitan pero ramdam ni Odessa ang panunuot ng lamig sa kanyang mga kalamnan at buto. Hindi niya dating nararamdaman ang lamig sa napakahabang panahon pero ng mga oras na iyon ay tila nanumbalik sa kanya ang pagiging tao. Sa mga oras na iyon ay damang-dama niya ang malalakas na pagtibok ng kanyang puso na tila gusto nitong lumabas sa kanyang dibdib. Muli niyang naramdaman ang takot sa kanyang puso at kakaibang pakiramdam iyon ngayon sa kanya. Paano kung matalo siya at sumuko ang katawang tao niya? Hindi lingid sa kanya kung anong kapangyarihan mayroon ang Odessang Sangre at ang Odessang Diwata. Pagsubok ba ito para matutunan niya ang paggawa at paghahanap ng Pilunlualan? O isa itong patibong para patayin siya ng kanyang mga kalaba

