Sa gitna ng makapal na kagubatan ay parang tuyong dahon na inilapag ng hangin ang diyosang si Tala sa isang mataas na tore ng isang abandonadong palasyo na tinatawag nilang Palacio Lunar sa isla ng Labuad. Mistulang mayroon siyang isang pares ng pakpak sa suot niyang kulay pulang damit na inililipad-lipad ng malakas na hangin. Paglapag niya sa tore ng palasyo ay tumambad sa kanya ang isang matandang lalake na walang malay na nakalutang sa hangin. Kulay puti ang mahaba at alun-alon na buhok pati na rin ang kanyang balbas at bigote. Ang kanyang puting-puting damit at balabal ay tila gumagagalaw tulad ng nakalubog sa malalim na tubig. At sa isang sulok ng pader ng tore ay nakasandal ang isang puting-puting tungkod na nababalutan ng palamuting yari sa ginto na nakaporma sa sanga-sangang kidla

