CHAPTER 13

3177 Words

    Maulan sa kagubatan ng isla ng Dalangan. Ang malawak nitong kagubatan at nagtatayugang mga kabundukan ay nakagagawa ng sariling klima sa buong isla. Kaya nga kahit kainitan sa ibang mga kapuluan ay nananatiling malalago ang mga halaman at puno sa isla ng Dalangan. Nababalutan ng hiwaga ang isla. May mga guho ng mga lumang gusali na nagsasabing may kabihasnang naganap dito libong taon na ang nakaraan. Mga labi ng matandang sibilisasyong sinasabing pinagmulan ng mga diyos at diyosa. May nagsasabi naman na ang isla ay bumaba mula sa kalangitan at nagpalutang-lutang sa karagatan. Ito raw ang sinakyan ng mga sinaunang ninuno ng mga diyos at diyosa na lumikha kay Gaia o ang kalupaan.     Sa islang ito kadalasan sinasanay ang mga  Malagbi, o ang mga hindi purong Engkanto at Diwata. Dito ay h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD