Gumising si Alex sa mga tapik sa kanyang balikat. Napahawak siya sa nananakit na ulo at hindi maipinta ang mukha nito sa nararamdamang sakit. Tumingin siya kung sino ang tumapik sa kanyang balikat at mukha ng pagkadismaya ang biglang namutawi sa kanya. "Alex..." ang mahinang sambit ng lalaki sa pangalan niya. "A-anong kailangan mo among?" ang tanong ni Alex kay Fr. Mexo na matigas ang tono ng boses. "Alex, makinig ka..."ang halos pabulong na sabi ng pari sa kanya. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa among. Ayokong maging bastos at mawalan ng respeto sa inyo pero kailangan mo ng umalis dito." ang tugon ni Alex habang hinihimas ang nananakit na batok. "Hindi ito ang tamang oras para makipagtalo sa'yo Alex, kung gusto mong iligtas ang buhay ni Caren kailangan mong

