Patuloy pa rin sa panunumbalik ng mga alaala ni Odessa. Alaala na maaaring magpapakumpleto na sa kanyang pagkatao. Pinagmamasdan siya ni Quebaluan habang nakalutang pa rin siya sa hangin. Nababasa lahat ni Quebaluan ang nangyayari sa alaala ni Odessa. Sinusukat din niya ang pagkatao nito sa pamamagitan ng kung paano niya ginamit ang kapangyarihan, mula nang madiskubre niya ang kapangyarihan. Kailangan niyang tulungan at gabayan si Odessa upang hindi mangyari ang sumpa. Ang sumpang puwedeng tumapos sa lahat ng nilikha at pagkawasak hindi lamang ang Sinukluban, lalon-lalo na ang Sansinukop. Tila nananaginip lamang si Odessa habang nakalutang siya sa hangin. Kitang-kita niya kung paano kinuha ng mahigit sa sampung talampakan na Culeriot ang kanyang inang si Reyna Baguinua habang papa

