Patuloy sa pag-abante si Caren sa kinaroroonan nina Alex at ng magkapatid na sina Margaux at Adrian. Naglalaway at nakalabas ang napakapula at mahabang dila niya at ramdam na ramdam ang napakatinding gutom sa kanyang sikmura. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ng kanyang mga kasama pero nangingibabaw sa kanyang ang napakaraming boses na nagtatanong kung ano ang gagawin sa kanilang pakikipaglaban sa mga bampirang strigoi. Malinaw niyang naririnig sa kanyang isip ang mga boses ng kanyang mga kasama kaya makailang ulit na rin niyang iniyugyog ang kanyang ulo dahil sa hindi siya sanay sa ganoong kakayahan bilang alpha. Kakayahang kayang makipag-usap sa lahat ng kanyang mga kasamhang taong-lobo. May humihingi ng tulong, may sumisigaw dahil nakagat at nasugatan na ng mga bampira. Tumigil

