Biglang nilukuban ng nakakasilaw na liwanag si Odessa hanggang sa puro liwanag na lamang ang kanyang nakikita. Sinalubong siya ng malakas na hangin na tila inililipad siya nito at hindi na makontrol ang katawan para pigilan ang nangyayari sa kanya. Nakarinig siya ng mga papalakas na boses. Iba't-ibang boses ng mga taong maaaring may kaugnayan sa kanyang buhay. Hanggang isang mukha ng napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Isang babae na nakasuot ng puti at mahabang damit na inililipad ng may kalakasang hangin. May mga luha sa mga mata nito at may sinasabi ang babae sa kanya na hindi niya maintindihan. Hawak ng babae ang iilang hibla ng kanyang alaala na inilalagay nito sa noo ng sanggol. Pagkalagay ng mga alaala ay doon niya naintindihan na ang babaeng iyon ay ang kanyang tunay na

