"O-Odessa?!" ang sambit ni Demetria pagkakita sa babaeng lumabas mula sa bola ng kidlat na bumabalot kay Randy. Lahat ng mga tao sa paligid ay binalutan ng matinding takot sa nakikita nilang nangyayari sa harapan ng lumang simbahan ng Barasoain. Lahat ay nagsitakbuhan papalayo sa lugar at nagsitungo sa mga bakanteng gusali na puwede nilang pagtaguan. May mga nagsisigawan at mayroon din naman na tahimik lamang na nagmamasid sa mga kaganapan sa labas ng simbahan. Pero natigilan si Demetria pagkakita sa kabuuan ni Odessa. Napanganga ito at hindi makapaniwala sa nakikita niyang mga pagbabago sa kaanyuan ng kaibigan na matagal na rin niyang hindi nakikita. Kapansin-pansin kay Odessa ang kakaibang aura at misteryong bumabalot sa kanya. Lalong nagkaroon ng hubog ang katawan nito at

