"Banaual..." ang salitang namutawi sa bibig ni diyosang Bulan nang malanghap ang amoy ng bulaklak ng Myrho sa paligid. "pero imposible..." ang sabi ng isip niya. Lumingon-lingon sa paligid si diyosang Bulan na tila may hinahanap. Iginala niya ang kanyang mga mata at muling pinakiramdaman ang kabuuan ng tore. Nang makasigurong siya lamang ang naroroon ay huminga ito ng malalim at inalis na sa kanyang isipan na mayroong ibang nilalang ang naroroon. Lalo na ang kanyang kapatid sa ama na si Banaual. Muli ay tumingin ang diyosa sa walang malay pa rin nitong ama na halos mangitim na ang mukha dahil sa pagkalat ng lason sa katawan. Nag-iwan ito ng makahulugang ngiti bago niya tinawag ang kanyang alagang Bakunawa. Doon lamang nakahinga ng maluwag sina Odessa at Randy nang masigurong

