PROLOGUE
Karissa
"Bakit hindi niyo pa pinasimulan ang construction ng building na iyon?!" Malakas ang boses na umalingawngaw sa opisina ng Planning Office.
Lunes na Lunes, umaalingawngaw na naman ang sigaw ng boses ng boss namin. Mukhang may pumalpak na naman sa instruction niya.
Iyan pa naman ang ayaw na ayaw niya. Ang hindi sinusunod ang mga utos niya at kapag hindi agad umaksyon sa mga inuutos niya.
"This is a major project! How come it slipped into your minds? Ano ba'ng ginagawa niyo rito sa loob ng office ninyo at nakakaligtaan ninyo ang mga ganitong klaseng bagay?!" Singhal niya.
Mahina akong humagikhik. Ewan ko ba. I find it funny everytime I hear him getting angry into something. Kahit minsan, petty na iyon kung tutuusin.
"Huy, ano'ng itinatawa-tawa mo diyan?" Saway sa akin ng matandang kasama ko sa Finance Office.
I shrugged my shoulders as I continue scanning the papers in my table. "Tsk tsk tsk. Nagagalit na naman si Big Boss."
"Napakamainitin ng ulo." Kumento ni Ma'am
Gie.
"Tss..." I shook my head. "Kulang lang 'yan sa lambing."
Humalakhak ang isang matandang dalaga nang marinig ang kumento ko. "Tama ka diyan, hija."
"May girlfriend ba ang batang 'yan? Dinaig pa si Sis Didith sa kasungitan kapag dinadatnan." Si Ma'am Olive.
Naghalakhakan kaming lahat dahil sa biro niya. Puro kami babae sa Finance Office. Sa loob ng opisina namin, dalawa lang kaming batang dalaga rito. Kung hindi may asawa, mga matatandang babaeng nalipasan na ng panahon.
Ang tukso nga sa amin ay kung pumasok kaming single dito sa opisina, hindi na kami makakapag-asawa pa.
"Siya ang naging pinakabatang administrador sa unibersidad na ito. Nang bigyan ng designation ni Mr. de Ocampo ang batang iyan noon, alam kong hinahasa na siya para mamuno. Hindi ako nagkamali dahil matapos niyang mag-retire sa serbisyo, siya agad ang iniupo sa posisyon ngayon." Saad ni Ma'am Beth, ang Chief Finance Officer at ang Head of Office namin dito.
"Ilang taon na ba 'yang si Sir Henrick?" Sabat ni Mikie, 'yong kasama kong batang dalaga rito.
"Hindi ako sigurado pero hindi yata nalalayo sa edad nitong si Karissa." Sagot ni Ma'am Olive sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin at sandaling natigilan sa ginagawa nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Tama siya. Limang taon lang ang agwat ko kay Sir Henrick. Twenty seven na ako ngayon habang siya'y thirty two years old na.
"Thirty two na 'yon." Wala sa sarili kong sagot ko habang nagtitipa na sa keyboard ko.
"Wow! Alam na alam ah? Close kayo?" Ma'am Gie asked mockingly.
Ngumisi lang ako at nagpatuloy sa pagta-trabaho. Tambak ang papel ko ngayon sa mesa. Partida, wala pa akong isang oras dito sa opisina. Lahat ng ito, galing sa Executive Director's Office.
Kakapirma lang daw noong Sabado ng hapon. Nag-overtime daw si ED dahil puno ng mga pipirmahang dokumento ang mesa niya.
"Uy, Kai! Papunta na siya rito sa office natin. Tayo na yata ang susunod na sasabunin!"
Dama ko ang taranta sa boses ni Mikie. Agad niyang hinugot ang pinakamakapal na voucher at saka mabilis iyong binuklat. Bago pa lang kasi siya rito, magta-tatlong buwan pa lang. Kaya naiintindihan ko ang ka-praningan niya sa tuwing nakikita niya ito. Bothered na bothered siya sa presensya ng Sir Henrick. She immediately shifted from her sit and made herself more busy.
Nang mag-angat ako ng tingin sa glass door, nakita ko ang madilim na tingin niya sa gawi namin. He looked furious pagkatapos niyang magalit sa katabing opisina. At hindi ko alam kung ano naman ngayon ang pakay niya rito.
Hindi ako naalarma nang makita siya. Nagawa ko pa ngang bumulong kay Mikie bago siya tuluyang makapasok sa opisina namin.
"Magbabanlaw na lang 'yan dito." Biro ko. I chuckled. Umayos na ako mula sa pagkakaupo ko dahil pagbukas ng pinto ay siyang bati ng ilang kasama ko sa kanya.
"Good morning, Sir!" Masiglang bati nila sa kanya.
Wow. Parang hindi niyo siya pinag-usapan kanina ah? I laughed at my own thoughts.
Hindi ko siya tinapunan ng pansin. Nag-concentrate ako sa ginagawa. Kailangan kong tapusin ang mga papel na narito sa mesa ko dahil marami pang nakapila na gagawin.
"Good morning." He greeted back. Buung-buo ang boses niyang mababa na sandaling naglaro sa pandinig ko.
Narinig ko ang mga yabag niya patungo sa kung saan nakaupo ang boss namin. She greeted him. Nagsimula silang mag-usap. Hindi na ako nakinig dahil maliban sa hindi naman ako ang concern doon, wala naman akong pakialam kung tutuusin.
Kasalukuyan kong sino-sort ang ilang dokumento ng isang voucher na natanggap ko. Sinisugarado ko muna kasi kung kumpleto ito bago ko kina-counter check. Metikulosa pa naman ako sa mga ganitong bagay. Sa ilang taon ko na ritong nagta-trabaho, madalas, paulit-ulit lang naman ang mga ginagawa rito.
Nangunot ang noo ko nang mapansing kulang ang ilang attachments ng voucher na hawak ko. Reimbursement of travel lang naman ito pero bakit ang mga attachments, kulang kulang?
Parang baguhan ang gumawa. Pati forms ng itinerary, magulo.
May kutob na ako kung saang kolehiyo ito galing. Pero kailangan ko pa ring manigurado. I double checked who prepared the voucher from the tracking sheet. I clicked my tongue and shook my head. Hindi ako nagkamali ng hula.
My least favorite client made this again.
"Dapat taon-taon, may refresher workshops ang mga college clerks kapag nagpe-prepare ng vouchers." Anas ko nang ihiwalay ko ang kaka-check ko na papel sa mga natapos ko na.
Nilingon ako ni Mikie. "Bakit?"
"Daming mali, daming kulang!" Mahinang sabi ko. "Ang simple lang naman niyan, nagkakamali pa siya."
She chuckled. "Hindi naman talaga siya dapat ang gumagawa niyan. Baka pinakiusapan na naman."
"Siguro. Pero kahit na..." I sighed. Kumuha ako ng panibagong papel at nagsimulang magtrabaho ulit.
Matagal namalagi si Sir Henrick sa office. Humupa na ang galit niya pero naroon pa rin ang iritasyon sa nangyari kanina. Sa building na ito, madalas ay kay Ma'am Beth siya naglalabas ng hinaing, o kung minsan ay nanghihingi ng advices pagdating sa transaksyong pangpinansyal.
Pero may mga pagkakataon naman na kapag good mood siya'y dito rin tumatambay.
Kaya lagi naming sinisigurado na malinis at maayos ang opisina. Pati ang mini pantry namin, sinisigurado palagi na may laman iyon dahil nagkakape rin siya rito kung minsan.
"Kai," malambing na tawag sa akin ni Ma'am Beth.
"Yes po, Ma'am Beth?" Maagap kong sagot.
Agad akong lumingon mula sa likuran kung nasaan ang mesa niya. Ipinihit ko paharap sa kanya ang swivel chair kung saan ako nakaupo. Pareho silang nakatingin sa akin. Si Ma'am Beth na natural na mahinhin ang mga kilos at si Sir Henrick na kung makatingin ay parang tumatagos sa kaibuturan ko ang mga titig dahil sa kaseryosohan nito.
I gulped. Hindi ko ipinahalata ang epekto ng mga titig niya sa akin. Baka kung ano pa ang isipin niya.
Agad kong binawi ang tingin mula sa lalaki at inilipat iyon sa bisor ko.
"Halika, may itatanong lang ako."
I cleared my throat and stood up. Hawak ang ballpen na gamit ko kanina, unti-unti akong lumapit sa kanila habang pinaglalaruan ko ang cap nito.
Prenteng nakaupo si Sir Henrick sa harapan ng table ni Ma'am Beth. I moved closer as she instructed to sit down in the vacant chair in front of him. Malaking tao si Sir Henrick. Standing in 6"1', while I'm only 5"4', hindi pa yata ako aabot sa balikat niya.
I have to move a bit the chair backwards because of his long, firm legs. Dahil kung hindi, kapag naupo ako roon, paniguradong magtatama ang mga tuhod namin.
"Kai, gusto kang i-request ni Sir Henrick pansamantala sa opisina niya. Ikaw muna raw ang hahalili kay Thelma habang naka-maternity leave siya." Pagpapaliwanag ni Ma'am Beth.
"Po?" I blurted out in shock.
Bakit ako? Sa dinami-dami ng pwede niyang i-pullout? O kaya pwede naman siyang mag-hire pansamantala 'di ba? May pondo para doon! Kayang-kaya pang magpa-sweldo para sa kapalit ng clerk niya.
"Pansamantala lang naman. Mahihirapan na si Annie kung ipapasa sa kanya lahat ng workload na iiwan ni Thelma. Kailangan niya ng makakasama sa opisina." Si Sir Henrick.
Napabaling ako sa lalaking nasa harapan ko. His ruthless and intimidating stares were darting at me. Sandali kong pinasadahan ang kabuuan niya. He looked clean in his attire, wearing a white polo dress shirt, na nakatupi ang mahabang manggas hanggang sa kanyang siko. It was paired with a black slack that's almost hugging his long powerful thighs, and also, his leather brown shoes. Relo lang ang tanging accessory sa katawan niya.
Sa tagal ko rito sa trabaho, normal na lang sa akin ang marinig siyang magtaas ng boses o kaya'y biglang may nagagalit kapag hindi agad naa-aksyunan ang mga dapat gawin.
Pero hindi naman dahil normal at sanay na ako'y gugustuhin kong araw-araw ko nang masaksihan 'yon 'no!
"K-Kayo ho. Kung ano po ang magiging desisyon niyo." Pagpapaubaya ko.
Kahit naman ayaw ko, ano ba'ng magagawa ko? Aangal pa ba ako? Baka isipin nilang umaangal ako sa trabaho, makaapekto pa sa work performance ko.
"Naging training ground mo kasi ang ED's office noon, Kai. Kaya ikaw ang nakikitang pwedeng maging substitute ni Thelma." Si Ma'am Beth.
"Gano'n po ba?" Mahinang usal ko. Binalingan ko ang desk ko bago ibinalik ang tingin sa kausap. "Uhm... sino po ang maiiwan sa trabaho ko rito?"
Nagkatinginan silang dalawa. Sa ilang segundong lumipas, bumundol ang kaba sa dibdib ko. May maririnig pa ba akong mas nakakagulat kesa sa sinabi nila kaninang pag-pullout sa akin dito?
"Kai, hija," bumaling ako kay Ma'am Beth. "Hindi naman lahat ng trabaho ni Thelma ay ibibigay sa'yo. May aakuin din si Annie na mangilan-ngilan kaya..." she smiled convincingly. Sandaling nabitin ang sasabihin niya nang mag-ring ang cellpone ni Sir Henrick.
"I have to take this call, Ms. Beth." Tumayo na siya at handa nang unalis. "Pag-usapan ninyong dalawa ang tungkol dito."
"Yes, Sir." Sagot ni Ma'am Beth sa kanya.
Tiningala ko siya. Nagtama ang mga mata namin pero siya ang unang nagbawi ng tingin. Sinundan ng mga mata ko ang bulto niya hanggang sa makalabas na siya sa opisinang iyon.
Para akong nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang makaalis doon. I heared the clicking of Ma'am Beth's tongue. Agad ko siyang binalingan. Nangunot ang noo ko nang makita ko siya. She looked problematic now, na kabaliktaran sa nakita kong itsura niya kanina nang kaharap namin si Sir Henrick.
"Ano nga ulit 'yon, Ma'am Beth?" Muli kong tanong sa kanya dahil hindi niya natapos ang sasabihin kanina.
She sighed. "Gusto mo bang lumipat sa taas?"
"Eh kung ano naman po ang desisyon niyo, susunod lang po ako."
"Mukhang desidido na si Sir Henrick na ikaw ang kunin."
I pouted. "Paano ang trabaho ko rito, Ma'am?"
"Wala akong mahanap na papalit sa'yo rito kaya tumawad ako kay Sir." Huminga siya ng malalim at inabot ang kamay kong nakapatong sa mesa niya. "Hindi mo tuluyang iiwan ang opisinang 'to. Ikaw pa rin ang gagawa sa trabaho mo rito. Sasaglit ka lang ng ilang araw doon sa taas pero mas maraming araw ang igugugol mo rito."
Napanganga ako sa narinig. Literal. Hindi ako agad nakapagsalita dahil inulit-ulit ko sa isipan ko ang mga sinabi niya.
Dalawang opisina ang pagsisilbihan ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko?
"Ma'am Beth..." sabi ko sa mababang boses na may halong pagtutol.
"Kaya nga kita tinatanong kung gusto mo, eh."
I pouted more. Pareho na kaming problemado ngayon. "Ma'am naman." I looked at her with my eyes pleading. Binalingan ko ang si Mickie. "Si Mickie na lang po! Dumaan din 'yan sa ED's Office bago siya napunta rito."
Ito ang kagandahan ng samahan namin dito sa loob ng opisina. Magkakaiba ang posisyon, magkakalayo ang edad, at magkakaiba ng bigat ng trabaho pero parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't-isa. Isang bagay iyon na wala sa ibang opisina rito. Navo-voice out namin ng malaya ang mga naiisip namin.
But, of course, there will always be a boundary of respect for each other.
"Nye? Ba't ako? Ikaw ang ni-request eh!" Alma niya.
I sneered at her. Ibinalik ko ang atensyon kay Ma'am Beth. Nakikisali na rin ang ibang mga kasama namin sa usapan. Kanya-kanyang ideya na ang sinasabi pero kay Ma'am Beth ko lang gustong makinig.
"Kaya mo ba 'yon?" She looked serious now.
"Bakit daw po ako ang gusto?"
"Kasi nga raw galing ka na sa taas. Alam mo na ang pasikut-sikot ng transaksyon. Isa pa, napansin niyang magiliw ka raw sa mga kliyente."
Wow. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Did he just lowkey complimented me?
"Keri lang po bang pag-isipan ko muna, Ma'am?"
"Sige. Basta hindi magtatagal ah? Para alam ko rin ang gagawin ko."
I cringed my nose. What a freaking Monday it is.