CHAPTER 1

2283 Words
Karissa Lunes na Lunes, ang dami agad nangyari. Matapos sabihin sa akin ni Ma'am Beth ang kagustuhan ng Executive Director na ilipat ako pansamantala sa kanyang opisina habang ginagampanan ko rin ang trabaho ko rito sa opisina namin, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim at siyempre, mamroblema! Can I really serve two masters at the same time? Siyempre hindi! Pero wala akong choice! Kailangan kong sumunod! Rank and file employee lang ako. Baka mamaya'y sulatan pa ako dahil sa insubordination. Mas malaking problema 'yon panigurado! Ang Henrick Andrius Arianza na iyon. Nakakainis! Kung gusto niya akong ilipat, hindi ba niya naisip na mahihirapan ako sa pinapagawa niya? Oo't maayos naman akong magtrabaho pero nakakapagod din 'yon! Paroon at parito ang peg ko. At baka dahil doon ay pumalpak pa ako sa trabaho. Ayokong nagkakamali sa mga gawain ko! "Ang dami mong kuda, tutulungan naman kita sa iiwanan mong trabaho sa opisina," Ani Mikie at saka ako inirapan. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon sa kanya-kanyang cubicle namin. Pareho naman kaming may baon at saka hindi pwedeng mabakante ang opisina. Nasa pantry naman ang ibang kasamahan namin. Doon nila pinipiling kumain kaya madalas, kaming dalawa lang ni Mikie ang naiiwan. Ngumisi ako. "Alam ko. Pero paano kapag kinailangan kong mag-overtime dahil kailangan mong tapusin ang trabaho? Eh 'di nasagasaan ang mga raket mo?" Natigil siya sa pagnguya. Napapaisip na siya ngayon. Oo nga naman. Kapag nasagasaan ang schedule ng mga raket niya, mababawasan ang ekstrang income na kikitain niya. "Pipilitin kong tapusin hanggang alas singko lang ng hapon. Hindi pwedeng lumampas ako ng oras." "Tss. Kaya mo ba 'yon?" "Oo! Di na lang ako magla-lunch muna o kaya isasabay ko na lang sa trabaho kung—-" Mabilis akong lumingon sa kanya, inis ko siyang inabot para kutusan. "Tanga! Nagpapakamatay ka ba?" Walang hiyang tanong ko sa kanya. "Hindi pwedeng mabawasan ang kita ko 'no! Lahat iyon nakabudget na ahead of time." Uminom muna siya ng tubig bago muling nagsalita. "Maiba tayo. Kailan ka raw lilipat sa office niya?" I sighed. "Next week. Ite-turnover pa kasi ni Miss Thelma 'yong mga gagawin ko." Ani ko bago nagpatuloy sa pagkain. Smooth naman ang mga naging transactions sa hapon. Dire-diretso lang ang pasok ng mga dokumento. May mangilan-ngilang kliyente na galing sa ibang opisina na malugod naman naming na-cater. Pero iba talaga ang hatak ng Lunes. Dumadagsa lahat ng naipong gawain sa weekend. Halos wala pa akong pahinga sa page-evaluate ng mga papel. Mabuti na lang, natapos ko rin lahat ng mga na-receive ko ngayong araw. Sumandal ako sa aking swivel chair at hinilot ang sentido. Inaantok na ako. Bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko at humihikab na ako. I only got few hours of sleep last night. Hatinggabi na kasi kami nakauwi ng boyfriend ko galing sa maikling bakasyon sa karatig probinsya. Oo, may boyfriend ako. Walang ibang nakakaalam sa mga kasama ko ang tungkol dito. Mikie has her hunches pero hindi naman seryoso iyon. Ang iniisip niya'y ang pinsan ko lagi at ang mga kagrupo nito sa opisina niya ang madalas na nakakasama ko. People here in my workplace will never thought of me having a boyfriend. I smirked. Baka nga mas maniniwala pa sila kung girlfriend ang meron ako. I'm not very feminine with the way I look and and the way I dress. Mahaba ang tuwid kong buhok na umaabot sa aking baywang. Ipinupuson ko iyon kapag iritable ako dahil sa init. My usual casual attire is a tank top paired with denim jeans and sneakers. Dahil bawal sa trabaho ang damit pang-itaas na walang manggas, pinapatungan ko iyon ng pambabaeng button down polo shirt. Kung hindi checkered, plain, or maong na polo shirt lang ang ginagamit ko. Maraming nagsasabing matangkad akong tingnan pero ang totoo, maliit lang ako. I'm only standing 5'4". Matatangkad ang pamilya namin sa mother side ko pero namana ko ang tindig ko sa ninuno ng ama ko. Maputi ang kutis ko dahil namana naman sa ina kong may lahi ring banyaga. Well, parehong may lahing banyaga ang mga magulang ko pero mas nanaig sa itsura ko ang pagiging Cabañero kaysa sa pagiging Delgado. Malapit nang mag-alas singko ng hapon. Nag-aayos na lang ako ng mga gamit ko. Ang ibang kasama'y nagku-kwentuhan na lamang pero si Mikie, may ilan pang tinatapos. Sinitsitan ko siya. Hindi man siya lumingon sa banda ko, alam kong nakuha ko ang atensyon niya. "Ano?" Tanong niya ngunit ang mga mata'y nakapokus sa ginagawa. "Tulungan kita? Tapos na ako," alok ko. Huminga siya ng malalim bago isinandal ang sarili sa upuan. Tulad ko, pagod din ang isang 'to. Madalas din siyang napupuyat dahil sa dami ng inaasikaso sa kanila. "Hindi na. Ilan na lang—-" naputol ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang glass door at iniluwa roon si Miss Thelma. Humahangos siyang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ang laki na ng tiyan niya. Mukha na siyang hirap na hirap sa pagkilos. "Kai, tawag ka ni Sir Henrick," iyon ang bungad niya sa amin. Napatingin din ang ilang kasama ko sa kanya. "Good afternoon po!" Nakangiting bati niya kahit bakas sa itsura ang pagod at ngalay. "Nag-phone call ka na lang sana, Miss Thelma." Tumayo ako para salubungin siya. "Bumaba ka pa, hinihingal ka tuloy." Dagdag ko. Ngumiti siya, o mas tamang sabihing ngumiwi siya. "Mukhang urgent kasi, eh. Hindi maganda ang mood ni Sir." "Tss..." I smirked. Napalitan ng mahinang hagikhik ang hingal niya. I looked at her tired face. She even managed to chuckle kahit na kita sa itsura niyang pagod na siya. Nagpaalam ako kay Ma'am Beth para umakyat sa opisina ng ED's office. Kinuha ko na ang mga gamit ko tutal malapit na ang uwian. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch na suot ko. Anumang oras ay darating na si Philip para sunduin ako. Narating namin ang opisina ni Sir Henrick sa second floor. Tulad ng ibang mga empleyado sa baba, gumagayak na rin sila para umuwi, naghihintay na lang ng oras. "Sir, nandito na po siya." Ani Miss Thelma sa boss niya. Nauna siyang pumasok sa opisina ni Sir Henrick, tahimik lang akong nakasunod habang nakapamulsa ang magkabilang palad sa back pocket ng maong pants ko. Mula sa pagbabasa at pagpirma ng ilang papel sa kanyang mesa ay awtomatikong nag-angat ng tingin si Sir Henrick sa babaeng kumuha ng atensyon niya. Umayos ako sa pagkakatayo ko nang lumipat ang nanunuring tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko. Babati ba ako? O ngingiti? O poker face na lang? "You'll report to this office tomorrow, Ms. Delgado," aniya bago ilipat ang papel na pinirmahan niya sa kanang bahagi ng mesa. Tumaas ang isang kilay ko. Akala ko ba next week pa? "Sir, alam na ba ito ni Ma'am Beth?" Lakas loob kong tanong sa kanya. I caught both of their attentions. Tuluyang nag-angat ng tingin sa akin ang lalaking kausap ko ngayon. His aura is really intimidating. Hindi niya kailangang magsalita para maramdaman ang awtoridad sa kanya. His presence only demands respect. Isang tingin pa lang sa kanya, para siyang hari na kailangang pagsilbihan. On the other hand, I saw in my peripheral vision how Miss Thelma reacted. She abruptly faced my direction. I could hear her gasped too when I uttered my question. Bakit pakiramdam ko, mali 'yong tanong ko? Am I intruding someone's wall here? Eh in good faith naman ang pagkakatanong ko ah! "Kai..." saway sa akin ni Miss Thelma. 'Yon nga lang, pabulong lang din. Awtomatiko akong napalingon sa pagtawag niya sa akin. Pinandilatan niya ako ngunit may halong pagmamakaawa ang mga titig niya. What was that for? Ang langitngit ng swivel chair ang nagpalingon sa akin sa harap. Umayos ng pagkakaupo si Sir Henrick. Hindi naputol ang tingin niya sa amin...o sa akin. Asiwa man ako sa paraan ng pagtitig niya, I calmed myself as my heart started to beat so fast. "I already told her about it." My brows furrowed in confusion. "Wala siyang sinasabi sa akin." Walang gatol kong sagot sa kanya. I heard Miss Thelma coughing. I scoffed inwardly. Alam kong peke iyon at may ipinapahiwatig siya sa akin. Pinipigilan niya ako sa tahasang pagtatanong ko sa kausap. Ba't ba tense na tense siya, eh ako naman ang kausap ni Sir Henrick? "Thelma, utusan mo si Annie. Ipatawag mo si Miss Beth dito ngayon." Mando niya sa kasama kong buntis. Napaisip agad ako sa gusto niyang mangyari. Paghaharapin ba niya kami ng boss ko? Iniisip niya bang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya't kailangan pang ipatawag dito si Ma'am Beth? Ilang minuto na rin kaming nandito sa opisina niya. Sigurado akong nakaalis na iyon sa opisina. At kilala ko ang lalaking nasa harap ko, kung ano ang gusto niya'y hahamakin ang lahat mangyari lang ang naisin. Nakita kong kumilos si Miss Thelma para lumabas at tawagin si Annie. Agad ko siyang binalingan para pigilin siya. "T-Teka," pigil ko at muling ibinalik ang mga mata sa lalaking kausap ko. "S-Sige po, dito na ako magre-report bukas." Ano pa nga ba? Wala naman akong choice kundi ang um-oo na lang! Tumango siya ng minsan sa akin. I pursed my lips to hide my sarcastic smirk. Hindi ko mapigilan ang namumuong inis sa loob ko. Ilang taon ko na siyang kasama sa trabaho pero ni minsan, hindi ko nakitaan ng kakuntentuhan sa lahat ng bagay. It's like nothing can satisfy him at work. "Good. Makakaalis na kayo." He said in his cold voice, dismissing us. He stood up and started to sort the papers on his table. Tinawag na rin ako ni Miss Thelma para lumabas. Hindi na rin ako umimik. Nagpatianod na ako sa marahang paghila niya sa akin. "Kahit kailan ka talaga, Kai! Hindi mo mapigilan ang dila mo. Executive Director ang kausap mo. Maghinay-hinay ka naman!" Saway niya sa akin. "Wala naman akong masamang sinabi, ah?" "Wala nga! Pero hindi akma ang paraan ng pakikipag-usap mo sa kanya." "Halla? Paano ko ba kakausapin 'yun, Ate? Dapat ba, nilalambing ko?" Namamangha niya akong binalingan. My playful smiles welcomed her amused and worried face. Kalaunan ay bumuntong-hininga siya at umiling. "Magkakasundo kaya kayo ni Sir Henrick 'pag iniwan kita rito?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. I chuckled. "Huwag kang mag-alala, Ate. Marunong naman akong humuli ng kiliti ng tao." Sabay kindat ko sa kanya. Pareho kaming humalakhak sa sinabi kong iyon. Sandali pa siyang nagbilin sa akin. Hindi na raw kasi siya papasok bukas dahil pinagpapahinga na siya ni Sir Henrick. Hmm. Mabuti naman at naisip niya 'yon? Hindi pa siya lumalabas sa opisina niya kahit nakababa na kami ni Ate Thelma mula sa second floor. Nag-log out na ako sa logbook bago lumabas sa building. Naroon na rin sa bungad ng entrance ang driver niyang si Kuya Kiko, naghihintay sa kanya. "Oh, Kai! Pauwi ka na?" Tanong niya sa akin. Mula sa kinatatayuan ko ay nahagip ng mga mata ko ang sasakyan ni Philip. "Oo, Kuya." At saka itinuro ang sasakyan ng pinsan. Binalingan din niya ang direksyon kung saan ang itinuro ko. Nakanguso na siya nang muli niya akong harapin bago ipinilig ang ulo niya. "Akala ko, maisasabay na kita, eh." I blurted out laughing bago ko tinapik ang braso niya. "Asa! Alis na ako!" Natatawang sabi ko. Tuluyang nawala ang iritasyon na nararamdaman ko dala ng pagkakatawag sa akin sa itaas. Sa wakas, uwian na! Makakapagpahinga na ulit ako. Kaso naalala kong may apat na araw pa pala akong bubunuin sa linggong ito. At kailangan ko ring magbilin ng mga gagawin kay Mikie. Gusto ko siyang i-text tungkol sa napag-usapan kanina pero sabagay, magkikita pa naman kami bukas. "Ang saya mo ah?" Ani Philip nang makasakay ako sa sasakyan niya. Binalingan ko siya habang kinakapa ang cellphone ko sa loob ng bag. I have to text someone. "Bakit ikaw? Hindi ka na naman yata nakaporma doon sa doktorang kliyente mo?" Asik ko. He glared at me as I recalled what he told me last week. May bago siyang kliyente na hindi niya matimpla ang ugali. Sala sa init, sala sa lamig. "Shut up." Mariing sabi niya at nagsimulang magmaneho. I chuckled and shook my head. Hindi ko na siya ulit pinansin. Baka mabadtrip pa siya sa akin at maantala pa ang pagbalik niya sa susi ng sasakyan ko! Philip's my legal guardian. Kahit matanda na ako, sa kanya karamihan nakadepende ang mga desisyon ko. Siya na ang pinili ko dahil siya lang naman ang nakakasundo ko. Because obviously, my parents are gone now. Binuhay ko ang cellphone ko para mag-text sa boyfriend ko. Wala nga lang nakakaalam dahil...sikreto ang relasyon namin. Iilan lang ang nakakaalam nito. Ako: I'm going home now. I'm so tired. ? I smirked as I put an emoticon in my message. Nagpapaawa na naman ako. Mabilis siyang nag-reply. Baby: Take care, baby. You want me to visit you tonight? I pouted. His question is tempting pero alam kong tulad ko, pagod din siya ngayong araw. Ako: Hindi na po. You should rest, too. Friday night na lang, please? Like the usual? Nakagat ko ang ibabang labi ko nang i-send ko iyon. I wanted to be with him everyday pero ang dami kasi kailangang unahin. Baby: Alright. I'll be with you on Friday night and the rest of the weekend. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang mabasa ang reply niya. Bigla akong na-excite! Lunes pa lang ngayon pero gusto ko ng hilain ang mga natitirang araw para Biyernes na agad! Ako: Fine. I love you. Umuwi ka na rin, please? I sighed. Magkasama lang kami kagabi pero nami-miss ko na siya agad. Baby: After this. I love you more, baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD