Karissa
Agad akong nagsimulang magtrabaho sa E.D.'s Office kinabukasan. Ang schedule na ginawa ko, dito ako sa umaga, sa hapon, sa Finance Office naman ako. Alam kong mahirap at suntok sa buwan ang plano pero kailangan kong gampanan ang trabaho ko.
Sarap na sana ng buhay ko, eh! Kung ba't pa kasi naisipang ako ang kunin eh pwede namang mag-hire ng iba at i-train na lang 'yon.
I started sorting the documents that were received yesterday. Hindi na bago sa akin ito dahil dito ko unang nag-umpisang magtrabaho bago ako inilipat sa Finance Office. Pero siyempre, kailangan ko pa ring magtanong kay Annie dahil ayoko namang magbida-bida!
Si Miss Thelma, hindi na pumasok. Last day na pala niya kahapon at nag-tender na ng kanyang maternity leave. Sabagay, ang laki na ng tiyan niya. Mas mahirap kung dito pa iyon datnan at manganak!
"May sinusunod bang schedule si Sir Henrick?" Usisa ko kay Annie.
Kaalukuyan din siyang nag-aayos ng ilang papel sa kanyang table. Ang table ni Miss Thelma ang pansamantala kong ginagamit dito.
"Wala naman. Pero kapag may mga bisita, iyon ang prayoridad niya." Sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa.
Tumangu-tango ako. Okay, noted.
"Dalhan mo ng kape 'yon pagdating niya rito." Dagdag niya.
Tumango ulit ako. "Black coffee." Kaswal na sagot ko.
Natigil siya sa ginagawa at nilingon akong may halong pagtataka.
"Ba't mo alam?"
Ngumuso ko. "Madalas tumambay 'yon sa opisina. Iyon ang lagi niyang nire-request kapag nagagawi siya roon." Tanging sagot ko.
"Ah," bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
I sighed. Kung makatanong naman ang isang 'to. Hindi ko naman ini-stalk 'yun dahil dati ko nang alam ang timpla no'n!
Nagsimula ang araw at dumagsa na ang mga kliyente. Merong mga mangilan-ngilang estudyante. Karamihan ay mga clerks sa iba't-ibang departamento. Ang iba'y mga guro at nagfa-follow up ng iba't-ibang concerns.
"Kai," tawag sa akin ni Annie.
"Hmm?" Natigil ako sa pagtipa ng keyboard.
Inabot niya sa akin ang pumpong ng mga papel. Makapal iyon at tingin ko'y mabigat din kaya bahagya pa siyang tumayo para masuportahan ang bigat no'n sa kanyang kamay.
"Ipapirma mo mamaya kay Sir Henrick." Aniya.
Nangunot ang noo ko. Luh, bakit ako?
"Iyon lang?" Ani ko.
I scanned the papers. Mga vouchers pala ito. May ilang forms na kailangan ng pirma ni Sir Henrick bago dalhin sa iba't-ibang opisina sa baba. Ang usual na ginagawa ay tinitiklop na lang iyon para madali niyang mahanap. Pero nang ni-scan ko 'yon, halos hindi pa iyon na-review.
I looked at the transmittals attached to it. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang noon isang araw pa iyon napa-receive.
Late na ito kung tutuusin. Ang goal ay dapat walang papel sa table ang hindi pa napipirmahan. Tinatapos ni Sir Henrick ang pagpirma ng mga dokumento bago siya umuwi. At ang mga natapos niya, kinabukasan ay dapat nang i-disseminate sa iba't-ibang opisina.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"Noong isang araw pa 'to, ah?" Sabi ko dahil iyon ang nakita kong mga dates sa transmittal.
Hindi niya ako nilingon pero nakita ko sa kanyang kilos ang bahagyang pagkataranta. Tumikhim lang siya at akma niyang kukunin sa table ko ang mga papel na na-receive at na-review ko na rin pero pinigilan ko iyon gamit ang isang kamay ko.
"Saan mo dadalhin 'to?" Tanong ko.
"Sa loob ng opisina. Pero mamaya pang konti. Ire-review ko pa ulit."
"Reviewed na ang mga ito." Sagot ko.
She rolled her eyes. Tumaas ang isang kilay ko sa nasaksihan kong pagsusungit niya.
Parang alam ko na 'to. Unti-unti kong nare-realize ang mga ikinikilos niya. Kaso masyado pang maaga para mag-conclude. Kaya hinayaan ko siyang kunin na ang mga papel na galing sa akin at sinimulang i-review ang inabot niya.
Kaso halos wala pang minuto ang lumilipas, biglang pumasok mula sa glass door si Sir Henrick.
"Good morning, Sir!" Maagap na bati ni Annie sa kanya.
Sa gulat ko at bilis na rin ng pangyayari, hindi ko na nagawang makabati sa kanya. He was walking straightly when he answered.
Kaya lang, hindi ko rin inasahan na titigil siya sa paglalakad saka kami nilingon.
"Good morning," he said.
Napalunok ako nang dumapo ang mga tingin niya sa akin.
"G-good morning, Sir Henrick." Bati ko sa kanya.
Ang hina nang pagkakabigkas ko. Hindi naman ako katulad ni Annie at ng ibang mga tao rito na takot sa kanya. I just don't feel the tense they feel whenever he's around.
Sandali niya akong pinagmasdan. Hindi ko naman binawi ang tingin ko at nakipagkumpitensya pa ako ng titig sa kanya. Sa huli, siya ang unang bumawi ng tingin. Tumango siya sa akin bago kami tinalikuran.
"Karissa, itimpla mo na ng kape si Sir." Utos ni Annie sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Aba, utusan ba ako? Pero sige, kinausap niya naman ako kanina tungkol diyan.
Hindi na ako sumagot at dumiretso ako sa maliit na pantry. I took a pod in the drawer and placed it in the coffee maker. Sarili niyang supplies ang nandito. Pera niya ang ginagamit para sa mga stocks sa pantry. Kaya lagi tong puno at ang iba'y may mamahaling brand pa.
Pagkatapos kong isinalin ang kape sa tasa, dinala ko na iyon sa opisina niya.
Nakasalubong ko pa si Annie sa pintuan. Palabas na siya sa opisina niya. Nagulat ako ng inikutan niya ako ng mata. Sinasabi ko na nga ba, may kung ano sa trato niya sa akin.
Tahimik ko lang na inilapag ang kape sa bakanteng espasyo ng kanyang mesa ang tasa. Hindi na ako nagsalita pa. Akma na akong tatalikod nang marinig kong nagsalita siyang muli.
"Thank you," aniya.
Natigil ako sa kilos ko. Dinungaw ko siya pero ang kanyang mga mata'y nasa binabasa niyag papel.
"Welcome." Tanging sinabi ko at lumabas na sa opisina niya.
Nalaman kong galing siya sa isang department dahil may early meeting siya. Hindi na dumiretso dito sa opisina para iwan ang mga gamit niya. Ako nama'y nagpatuloy lang sa trabaho. Muli akong pumasok sa opisina niya at nadatnan siyang may online meeting. Inilapag ko sa mesa ang mga vouchers na inabot sa akin ni Annie at mabilis ding umalis. Na-review ko na rin 'yon. Kaya confident akong wala na iyong mali.
Ilang minuto bago mag-alas dose ng tanghali, bigla niya akong tinawag.
"Kai," aniya.
Dinig ko agad iyon dahil bukas ang glass door niya. Nasa labas lang kami ng pinaka-opisina niya at hindi naman ganoon kalayo ang distansya namin kaya agad akong tumalima.
"Yes, Sir?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Bahagya siyang iritable. Nakikita ko iyon sa nakakunot niyang noo. Ako naman, blangko lang ang itsura.
"Bakit ngayon lang ito ipinasok sa opisina ko?" Inumang niya sa akin ang isang communication letter.
Kinuha ko iyon sa kanya. Nakita ko na 'to. Billing ng isang contractor sa ginagawang building. The letter was dated two weeks ago. Naka-attach na rin doon ang statement of work accomplished nila at ang kaparehong dokumento na galing naman sa Planning Office.
Ngumuso ako. Kalaunan ay tumingin sa kanya. Tahimik kong ibinalik ang dokumento sa kanya at tinanggap niya iyon sa akin ng maayos.
"Na-receive ng opisina natin 'yan last week. Bakit ngayon niyo lang ipinasok ito dito?"
Nagkibit-balikat lang ako. Lalo ko siyang nakitaan ng iritasyon. I behaved myself and cleared my throat.
"Actually, S-Sir...Ahm..." bumuntong-hininga ako. "Ngayon ko lang 'yan nakita. Kasama 'yan sa mga ipinaaabot ni Annie sa akin."
Nakita ko ang pagngalit ng panga niya. Halla! Nagtitimpi na lang yata 'to!
"Call Annie." He commanded me.
Nagsimulang mag-iba ang t***k ng puso ko. Parang nakikini-kinita ko na ang susunod na mangyayari.
Ipinagdadasal ko lang na sana, hindi na ako masali diyan.
Agad akong tumalima at lumabas ng kanyang opisina. Prenteng nakasandal si Annie sa kanyang swivel chair. Nahuli ko pang siyang nagse-selfie sa phone niya habang ang table niya, tambak ng mga papeles.
I smirk. Loko ka ah? Muntik mo pa akong ipasubo.
"Annie," tawag ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng litrato. Aba. Ayaw magpaistorbo ang gaga.
"Annie!" mas malakas ang boses kong tawag sa kanya.
"Bakit?" Sagot niya pero hindi man lang ako tinapunan ng pansin.
"Ipinapatawag ka ni Sir Henrick."
Mabilis siyang bumalikwas sa kanyang pagkakasandal. Para siyang nakarinig ng nakakatakot na salita kaya siya napatuwid sa pagkakaupo niya.
"B-Bakit daw?" Bakas ang kaba sa kanyang garalgal na boses.
I shrugged my shoulders. Nagmaang-maangan ako kahit alam ko na ang totoo.
"Tungkol d-daw saan?" Muling tanong niya.
"Hindi ko alam. Puntahan mo na kaya?"
Grabe. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa galing kong umarte.
"Karissa!" Tawag sa akin ng lalaki.
Bumaling ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.
“Yes, Sir!” At ibinalik ang tingin sa kasama. “Bilisan mo! Baka lalong magalit ang dragon!”
Agad siyang tumayo at mabilis nag-ayos ng sarili. Natataranta na siya base sa kanyang ikinikilos. I pursed my lips. Mukhang may kagagalitan ah.
Sumunod ako sa kanya sa loob para samahan siya. Ako naman ang nagpasok ng papel na iyon kaya dapat lang na nandoon ako.
Pero papasok pa lang ako sa loob, bumulaga sa akin ang galit na ekspresyon ni Sir Henrick.
“Kaya naman pala tumawag na sa akin ang may-ari mismo ng firm ay dahil delayed na ang payment natin sa kanila!”
Lagot. Ayan na.
Tahimik lang na nakatayo si Annie sa harap ng mesa niya. Parang kuting na basang-basa. Hindi siya umiimik. Kaya nilapitan ko na siya roon para samahan.
Eh kaso talaga palang may ibang motibo ang babaeng ito.
“E-Eh Sir, si Kai po ang nagpasok niyan!”
Marahas akog lumingon sa kanya. Aba! Ako pa ang sisisihin ng bruhang to?!
“Eh ikaw ang nagsabing ipasok ko ‘yan dito. Kasama pa niyan ‘yang ibang dokumentong inabot mo sa akin kanina!” Pagtatanggol ko sa sarili.
Malalim ang paghinga niya. Hindi ako makapaniwalang sisisihin niya ako sa harap ng boss namin. Kung gano’n lang ang gagawin niya sa akin, I’d rather save myself! Kesa kagalitan ako rito pero hindi ko naman kasalanan!
“Isa pa, sa table mo galing ‘yan. Kung natengga kay Miss Thelma ‘yan, ako ang unang makakakita niyan sa table niya dahil ako ang gumagamit no’n ngayon.” Dagdag ko.
Nilingon ko si Sir Henrick. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Naku! Huwag niyang sabihing pagagalitan niya ako ngayon sa unang araw ko rito at talagang babalik na ako sa opisina namin!
“Eh, S-Sir, hindi ko talaga napansin ‘yan. Hindi ‘yan nasali sa mga ibinigay ko kay Karissa kanina.” Mariing tanggi niya.
I rolled my eyes. Aba’t mukhang nakahanap pa ako ng kasamang pangit ang ugali.
Pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugali. Hinarap ko siya para sagutin ang paghuhugas-kamay niya.
“Hindi kasali ‘yan sa mga iniwan ni Miss Thelma sa akin. ‘Yong mga ipinasok mong dokumento kanina ang galing sa table niya. Ang ipinasok ko naman ay galing sa table mo. Ni hindi pa na-review ang mga ‘yon kaya ako na ang gumawa. Annie, kauumpisa ko lang dito. Kung gusto mo, tawagan natin si Miss Thelma ngayon para magkaalaman na!”
Hindi siya nakaimik sa hamon ko. Sigurado naman ako sa trabaho ko. Nagkakamali rin naman ako minsan pero hindi ko isinisisi sa iba ang pagkakamali ko. Kung mali ako, aakuin ko.
“That’s enough!” His voice roared in the entire office.
Matapang akong humarap kay Sir Henrick. Hindi naman ako takot sa kanya. I know him. Though, he’s short-tempered, he knows how to weigh things.
“Huwag na kayong magsisihan sa harapan ko!” Mas mataas na ang boses niya ngayon. “Kung may mga ganitong bagay kayong nare-receive, i-facilitate niyo naman ng maayos! Ang simple simple lang ng trabaho niyo rito, pumapalpak pa kayo?” Galit na angil niya sa amin.
Ngek? Kayo? Isinali niya ako sa sermon niya?
Pareho kaming natigilan. Kumambyo na ako’t hindi na muling nagsalita. Baka mas lalo lang siyang magalit. Mas ma-stress pa ako rito.
“Kung nahihirapan kayong gampanan ng maayos ang trabaho niyo, then leave. I don’t want anyone inefficient here! Ipinapahiya niyo ang opisina ko!” Dagdag niya.
Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang segundo. Hindi sumagot si Annie. Si Sir Henrick, inihampas ang palad sa kanyang mesa, galit na pinirmahan ang papel na hawak niya.
“Yes, Sir.” Matapang na sagot ko. “Hindi na po mauulit ‘to.” I assured him.
He dismissed us. Naunang lumabas si Annie at nanakbo sa kanyang mesa. Nahuli kong nagpunas siya ng kanyang pisngi. Mukhang naiyak na yata dahil kinagalitan.
Padabog niyang kinuha ang lunch bag niya. Nang magharap kami, namumula ang mukha niya at nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Matalim lang na tingin ang ipinukol niya sa akin bago niya ako iniwan doon.
Nagkibit-balikat ako. Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, hindi ko kasalanang nahuli ang pagpirma niya sa liham na ‘yon!
Sinipat ko ang oras sa relo ko. Alas dose na. Bababa na sana ako para sabayan si Mickie sa pagkain nang maalala ko si Sir Henrick.
I sighed. Magpapaalam lang ba ako? O yayain ko na rin siya mag-lunch? Pero baka mamaya’y um-oo lang ‘yon kung inalok ko siya mananghalian kasama namin. Baka hanggang sa pagkain ay dalhin niya pa ang galit niya sa nangyari.
Pero eto ako, pabalik ngayon sa opisina niya. Luminga-linga pa ako kung may papasok na ibang tao rito pero wala naman. Kita kong pababa na ang ibang empleyado para maglunch. Kaya kinuha ko iyong pagkakataon para kausapin siya.
“Sir, lunch na po.” Tawag ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tipid ko siyang nginitian. He looked at me softly now, ibang-iba sa kung paano niya kami tingnan ni Annie kanina. Para siyang tigre kung magalit. Pero ngayon, nahimasmasan na.
“Susunod ako. Tatapusin ko lang ito.” Sagot niya.
Tumango ako. Pati ang boses niya, kalmado na.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at lumapit sa table ni Miss Thelma. Kinuha ko ang sariling lunch bag at tinungo sa pantry. May microwave din doon kaya isinalang ko ang containers na naglalaman ng kanin at ulam.
I sighed. Nang matapos ako sa ginagawa, inilapag ko ang mga ‘yon sa counter top. Bababa na ako para saluhan si Mickie. Sigurado akong naghihintay na ‘yon sa akin.
Lumingon pa ako ng minsan sa opisina ni Sir Henrick. Abala pa siya sa pagpirma ng mga dokumento. Mukhang wala pa talaga siyang balak na kumain.
Lumabas na ako sa opisina at tinahak ang hagdan pababa. Bitbit ang lunch bag na hawak ko, inilabas ko ang cellphone mula sa aking jeans at nagtipa ng mensahe.
Ako:
Kain ka na ah? Kainin mo ‘yung hinanda kong food.
I pouted. Sandali kong pinagmadan ang mensahe ko. Hindi na ako nage-expect na magre-reply siya kaya nang akma kong isusuksok ang cellphone sa pantalon ko, tumunog iyon, hudyat na may bagong text message.
Baby:
I will. Don’t worry about me.