CHAPTER 3

3754 Words
Karissa "Kumusta ka sa taas?" Si Mickie habang inilalabas ang food container na may lamang ulam. Ngumuso ako. Inalala ang mga nangyari sa kalahating araw na paglalagi ko sa taas. Parang ayaw kong ikwento dahil siguradong pati siya, maba-badtrip. Baka nga 'pag nalaman niya ang tunay na working attitude ni Annie at ang ginawa niya sa akin kanina, sugurin niya pa 'yon ng wala sa oras. "Ka-stress. Hindi naman mahirap ang trabaho doon pero parang anytime, may bombang sasabog." Sagot ko. Natawa lang si Mickie. Nagsimula kaming kumain pero hindi siya nagpapigil sa mga pang-uusisa niya sa akin. "Alam mo, may kutob ako." Bulong niya. "Ano?" Interesanteng tanong ko. "Feeling ko, type ka ni Sir Henrick." Walang kaabug-abog na sabi niya sa akin. Umangat ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkamangha o inis. "Paano mo naman nasabi?" Nakangiwing tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Basta! Nase-sense ko lang. Kaya ka siguro pinaakyat do'n. Para masolo ka niya!" Pinitik ko ang ilong niya dahil sa likot ng mga naiisip niya. Napangiwi siya sa sakit habang hinahaplos ang maliit ngunit matangos niyang ilong. Ngumisi ako nang makaganti na sa kaibigan. "Kung gusto niya talaga akong ma-solo, palayasin niya 'yong kasama kong intrimitida!" Bulalas ko. Nanliit ang kanyang mga mata. Matapos niyang lunukin ang pagkaing nginunguya niya, muli siyang nag-usisa. "Bakit? Ano'ng meron?" I scoffed. "Saka ko na iku-kwento kapag napuno na ako." Ang schedule ko ngayong hapon ay sa Finance Office na ako. As expected, everyone asked me how's my first day in the E.D.'s Office. Kaswal lang akong nagkwento tungkol sa mga ginawa ko, minus my encounter with Annie. Hindi ko na ikinwento 'yon sa kanila. Baka makarating pa iyon sa kasama ko't sabihing ichini-chismis ko siya. Nag-umpisa ako sa trabaho. My first hour in the office went well. Marami agad akong natapos. Nagpa-receive pa nga si Annie rito ng mga vouchers na galing sa itaas. Masungit ang mga dating ng tingin niya sa akin pero wala akong pakialam. Hindi ko pa yata nakakalimutan ang atrasong ginawa niya sa akin kanina, 'no! I was reviewing the second batch of the vouchers in my table when the office phone rang. Nasa harap ko lang iyon kaya inabot ko ang handset at wala sa sariling sinagot ko iyon. "Finance Office, good after—-" "Where are you?" I low voice echoed on the other line. Nangunot ang noo ko. Si Sir Henrick ba 'to? "Nasa office po. Ahm, sino po sila?" Paniniguro ko kahit pamilyar sa akin ang boses niya. "Tsk. Umakyat ka rito. Ngayon din." At saka namatay ang kabilang linya. Nangunot ng noo ko. Ba't niya ako pinapaakyat? Schedule ko ngayong hapon dito sa baba. Tapos ko na ang trabaho sa taas at naroon naman si Annie kung may ipaguutos siya. Kaya wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit niya ako pinapaakyat. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Ang mahabang buhok ko ay mabilisan ko ring itinirintas at pinirmi sa kanang leeg ko. May ilang takas na hibla ng buhok sa mukha ko pero hindi ko na iyon inayos pa. Mukhang okay naman ang itsura ko nang sumilip ako sa maliit na salaming nasa table ko kaya tinungo ko ang table ni Ma'am Beth para makapag-paalam. "Ma'am, akyat lang po ako kay E.D. Pinapatawag niya po ako." Paalam ko sa kanya. She's busy in her work. Hindi niya ako tinapunan ng sulyap at napirmi lang ang kanyang mga mata sa monitor ng laptop niya. Pero inimikan niya pa rin ako. "Sige lang, Kai." Aniya. Dala ang ballpen at ang isang maliit na notebook ko, umakyat na ako sa taas para puntahan siya. Nagmamadali na ang mga kilos ko. Dala-dalawang hakbang na ang tinatahak lo sa hagdanan. Kaya pagdating ko sa opisina, tagaktak na ang pawis ko at hinihingal na rin ako. Wala akong nadatnan sa labas ng opisina ni Sir Henrick kaya dumiretso na ako sa loob. Sa kamamadali ko, hindi na ako nakapag-abiso. "Sir," tawag ko sa kanya. "Bakit po?" Kinalma ko ang sarili. Mabigat ang paghinga ko pero pinilit kong hindi iyon ipahalata. Nadatnan ko siyang nagla-laptop. Kaya nang iangat niya ang paningin sa akin, tumuwid ako sa pagkakatayo. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong na-conscious. Maayus-ayos naman ang itsura ko kaninang umalis ako sa opisina namin pero dahil halos takbuhin ko nga paakyat hanggang dito, hindi na ako sigurado kung ano'ng ayos ko ngayon. Kaso nagtagal ang tingin niya sa baba ng ulo ko. Sa leeg ko ba? O sa dibdib kong taas baba dahil sa paghingal ko? Awtomatikong napahawa ako sa leeg ko. Pawis ang una kong naramdaman doon. Hindi ko pa naman nadala ang panyo ko kaya pasimple kong pinasadahan iyon sa kwelyo ng long sleeve polo ko. "Bakit bumaba ka?" Tanong niya sa akin. Sasagot na sana ako nang pumasok si Kuya Kiko sa opisina niya. Lumingon din ako kung nasaan siya. Nakangiti siyang tumango sa'kin bilang pagbati kaya gumanti rin ako ng ngiti. "Sir Henrick, excuse me po. Remind ko lang 'yong appointment mo mamayang 3pm. Ready na raw si Ma'am Sylvia. Dadaanan na lang natin siya sa kabilang building." Aniya. Bumalik ang tingin niya sa akin. Lalong lumapad ang mapaglarong ngisi ko kaya kinindatan ko siya. Good timing naman talaga! Hindi ako magtatagal dito dahil lalarga rin pala sila maya-maya. "Pakihanda 'yong sasakyan, Kiko. Susunod ako." Maawtoridad na sabi niya bago muling ibalik ang tingin sa akin I gulped. Ano nga ba'ng tanong niya sa akin kanina? Ah! Kung bakit ako bumaba. "Okay, Sir." Si Kuya Kiko at saka umalis. Tumaas ang isang kilay niya. Hinihintay niyang sumagot ako. Hindi naman siya mukhang galit. Natural lang na malakas ang boses niya kaya napagkakamalan lagi na galit siya. "Sir, ang schedule ko po kasi, dito ako sa umaga at sa hapon, babalik ako sa office namin." Paliwanag ko. "Says who?" Nangunot ako. Halla! Oo nga, ako lang ang nakaisip no'n. Ni hindi ko pa pala nasasabi 'yon sa kanya! Kumabog ang dibdib ko. Pagagalitan ba ako nito? Subukan niya lang. Pilit kumakawala ang makumpyansang ngisi sa labi ko. Buti na lang, napigilan ko pa dahil kinagat ko ang gilid ng labi ko. Humugot ako ng malalim na hangin. Akma na akong magsasalita nang biglang may bumati kay Sir Henrick. "Sir Henrick! Let's go. Baka mahuli tayo sa meeting na dadaluhan natin." Si Ma'am Sylvia. Tumabi ako para bigyan siya ng daan papunta kay Sir Henrick. She greeted me, too. I responded and even gave her a smile. Ang ganda talaga niya. A former beauty queen in the province who turned out to be one of the best educator in town. Maganda na, mabait pa. "Hi, Kai!" Bati niya sa akin. Ngumiti ako. "Good afternoon, Ma'am." Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking kausap kanina. Tumaas ang kilay ko nang madatnan siyang nakatingin pa rin sa akin. "Sir Henrick? Shall we?" Malambing na yakag sa kanya ni Ma'am Sylvia. Aalis na rin ba ako? Mukhang aalis na rin naman sila. Bumuntong-hininga siya bago isara ang kanyang laptop. Pumasok rin ulit si Kuya Kiko para kunin na rin ang mga gamit niya. "Mag-uusap tayo bukas. You will report here tomorrow. Do you understand?" Ngumuso ako. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita dahil nagmamadali na rin ang mga kilos nila. Ilang sandali lang, naiwan na akong mag-isa roon. I sighed. Bukas ko na lang iisipin ang pag-uusapan namin. Mukhang hindi naman iyon masyadong big deal. Miscommunication lang. Eh kung idiin niyang mali ako, eh 'di magso-sorry na lang ako. Pero kinabukasan at sa mga sumunod na mga araw, walang Sir Henrick ang nagpakita sa opisina. Hindi ko naman kasi alam ang schedule niya. Si Annie ang nagaasikaso no'n. Sir Henrick doesn't follow a strict schedule pero kapag may nagpapa-fix ng appointment sa kanya, hinaharap niya iyon agad-agad. Bale sinunod ko muna 'yong schedule na binuo ko sa utak ko para sa linggong 'yon. Sinisigurado ko lang na wala akong naiiwang trabaho sa table ko bago ako lumipat sa baba. Gusto kong itanong kay Annie kung saan nagpunta si Sir Henrick pero baka kasi kung ano'ng isipin niya. Isa pa, may silent war kaming dalawa. Hindi kami nag-iimikan kung hindi official ang concern. Isang tanong, isang sagot lang ang nagiging usapan. Pagkatapos no'n, tahimik ulit kami habang nagiging busy kami sa kanya-kanyang trabaho. Ilang araw ding walang paramdam ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya. Kahit tawag o text man lang, hindi siya nagpaabiso kung ano’ng ginagawa niya. Puro greetings lang sa umaga at gabi ang natatanggap kong mensahe mula sa kanya, at ang iba’y mga paalala lang. Nakakalungkot kung iisipin pero sa tagal na namin, nasanay na rin ako. Nakakatampo sa umpisa. Nauuwi pa nga 'yon noon sa matinding away. Pero kapag nasanay ka rin pala sa ganitong set-up, hindi na tampo ang mararamdaman mo kundi iritasyon at pagkabwisit. Biyernes ng hapon, pauwi na kami nila Mickie galing sa trabaho. Nagulat siya nang sumama ako sa kanya papunta sa parking area ng mga motor. "Oh? Hindi ka susunduin?" Tanong niya sa akin. Sinuot ko ang black leather jacket at ibang gears ko. Umiling ako. Mukhang may lakad si Philip. Maaga siyang nag-abiso sa akin na hindi niya ako masusundo kaya nagmaneho na lang ako ng motor papasok sa trabaho. Sinabi kong magmo-motor ako pero ayaw niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit masyado akong sheltered niya at ng pamilya niya, eh ang tanda tanda ko na! Binilinan niya ang driver na ihatid ako sa opisina pero hindi ko siya sinunod. Sinuway ko ang kagustuhan niya at nagdesisyong mag-motor na lang talaga. Ano siya, hilo? Clerk lang ako sa pinagtatrabahuan ko tapos magpapahatid ako gamit ang sasakyan namin? Hindi naman sa pagmamayabang pero…ang tatak ng sasakyang gamit ko, hindi pangkaraniwan sa mga ginagamit ng ilang kasama ko sa trabaho! "Hindi eh. May lakad yata." Sagot ko. "Tambay muna tayo sa bypass road?" Yaya niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit? Hindi ka ba kukuha ng booking ngayon?" Umiling din siya at nagsuot na ng helmet niya. "Bukas na lang. Parang hindi ko na rin kayang magtrabaho ngayong gabi." "Oh sige," sabi ko. "Ano'ng balak mo?" "Hmm," nag-isip pansiya kunwari. "Ice cream tayo? Para medyo gumaan man lang ang pakiramdam ko." "Okay!" Ani ko. Sumampa ako sa motorbike ko at nilisan ang parking area. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari't biglang nagyaya siyang lumabas. Pero sa mga ganitong pagkakataon, kapag inaaya niya ako'y lagi ring natataon na kailangan ko rin ng makakasama. Dumaan kami sa convenience store para bumili ng ice cream at disposable spoon. Nagtalo pa kami sa kung ano'ng flavor ang kukunin. "Ako ang magbabayad! Basta cookies and cream!" Mariing bulong ko sa kanya. "Keso ang gusto ko!" "Hindi 'yan masarap!" Tutol ko. "Tsk!" Inagaw niya sa akin ang isang pint ng ice cream. "Sige ito na! Pero ako pa rin ang magbabayad!" Wala na akong nagawa dahil agad niyang inilapag sa counter ng kahera ang pambayad. I sighed. Ma-prinsipyo talaga ang babaeng 'to kahit kailan. Kaya nang iparada namin sa mini park ng bypass road ang motor namin at naupo sa isa sa mga konkretong benches doon, agad naming nilantakan 'yung ice cream na binili namin. Tahimik lang kami noong una. Pareho kaming nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung dala ba ng pagod o dahil nag-eenjoy kami sa kinakain namin. May mangilan-ngilang tao rin ang naroon. Ang iba, napapasulyap pa sa akin. “Nakaka-stress ‘tong linggong ‘to!” Basag ni Mickie sa katahimikan naming dalawa. Bahagya akong natawa sa litanya niya. I agree with her. Kahit gamay ko ang trabaho ko, sobrang nakakapagod talaga. “Tapos, sinugod pa ako ng isang faculty. Nagre-reklamo dahil ang dami ko raw hinahanap na additional attachments ng claims niya!” Dugtong niya. Lalo akong natawa sa sinabi niya. “Eh ano’ng isinagot mo?” Sandali siyang natahimik. Tila inaalala amg mga salitang binitawan niya. Natawa ako lalo dahil kilala ko ang kaibigan ko. She doesn’t know how to answer back aggresively. Hindi katulad kong kapag alam kong ako ang nasa tama, sinasagut-sagot ko na ang kliyente kapag hindi na maganda ang tono ng pananalita niya. “Ang bait mo kasi! Kaya ka inaabuso!” Sabi ko. Lumabi siya. “Hindi ako kasing tapang mo, Kai. Kung kaya ko pang makipag-usap ng mahinahon, gagawin ko.” I smirked sarcastically. “So ibig mong sabihin, hindi ako mabait?” “Uy wala akong sinabing ganyan!” “Tsk,” I shooked my head. “Akala ko ba kaibigan kita? Bakit ganyan mo’ko pag-isipan—-“ “Gagu! Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin!” At hinampas niya ako sa balikat ko. Hindi ko na napigilan ang humalakhak, lalo na nang makita kong nakabusangot na siya. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakanguso pa. Ganyan madalas ang reaksyon niya kapag tinutukso ko siya. I can’t help it. Sa sobrang bait niya sa kliyente, kahit hindi na maayos ang trato sa kanya ng mga ito, maganda pa rin ang pakikitungo niya sa kanila. “Kaya ka inaayawan ng ibang kliyente mo dahil para kang halimaw sa sungit!” Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. I object on her opinion. Amay mga tao lang talagang ayaw tanggapin ang pagkakamali. Sila na nga ang mali, sila pa ang matapang! “Hindi ako masungit! ‘Yong iba kasi, no gets!” Depensa ko. “Kaya dapat mas mapasensya tayo sa kanila. Kasi hindi nila alam eh. We have to educate them—-“ “Oh please, Micaela!” I rolled my eyes and scoffed sarcastically. “Okay pa ‘yong minsan o dalawang beses mong turuan o i-explain ang proseso. Pero ‘yong paulit-ulit na, nakakabanas din ‘yon!” Hindi siya sumagot. I took that as an opportunity to explain my side more. “Gaya niyan! Tino-tolerate mo kasi sila kaya ganyan-ganyan ka na lang nila pakitunguhan! You explained to them so many times! I told you before, kahit minsan lang, sumagot ka at i-explain ‘yong side mo. Puro ka kasi amen!” Sermon ko sa kanya. I always tell these things to her pero wala, masyado siyang malambot para sundin ang mga payo ko. “Oo na,” she said defeatedly. “Huwag mo na akong pagalitan. Kaya nga tayo nag-pagpag dito para hindi ko na maiuwi ang badtrip ko eh.” Nanulis lalo ang nguso niya. I sighed. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pagdating sa kung paano niya hinahayaan ang ibang tao na ganoon ang trato sa kanya pero hindi ko na itinuloy. She had enough this week. Pag-uwi namin, panibagong suliranin na naman ang iisipin niya tungkol sa kanyang pamilya. Kaya iniba ko na lang ang usapan namin. Nalibang na kami pareho sa naging topic. Hindi na namin napansing halos alas siyete na pala ng gabi. Ubos na ang ice cream na binili namin at napahaba pa kami sa kwentuhan. “Mag-iingat ka sa biyahe. Pa-Santa Isabel ka pa,” aniya habang gumagayak na kami sa kanya-kanyang motor. “Kaya ko ang sarili ko.” Sagot ko. “Magda-dialysis ba si Tita Coring bukas?” Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. I won’t expect her answer. Alam ko na ang isasagot niya. “Dalhin mo na siya bukas. Baka kung mapano pa ang nanay mo.” “Kulang ang kinita ko mula Lunes hanggang kahapon, Kai. B-Baka bukas, kung maraming nag-book na rider, malaki ang kikitain ko. Pwede ko siyang ipasingit sa Linggo.” Pinandilatan ko siya. “Magpapadala ako—“ “Karissa! Baon na ako sa utang sa’yo!” Putol niya sa akin. “Kaibigan kita, Mickie! Hindi ko kailanman inisip na utang ang binibigay ko sa’yo!” Kunwaring iritable kong sabi sa kanya para tumigil na siya sa pagtutol. “Saka ano’ng gagawin ko sa pera ko? Ang dami no’n! Wala naman akong pinagkakagastusan!” “Ay,” she held back. “Sana all.” I chuckled. Sumampa na ako sa motor at pinaandar ‘yon. “Alis na ako. Magta-transfer ako mamaya. I-withdraw mo na lang sa account mo.” Ani ko bago ko siya iniwan roon. I heard her saying her thanks to me. Ngumiti ako sa aking isip. Hindi iba sa akin si Micaela. I’ve known her since childhood. Anak siya ng dating katulong namin sa hacienda. Noong kasagsagan na madilim ang panahon para sa amin, isa sila sa mga natatanging taong hindi kami kailanman tinalikuran. Pinagbuksan ako ng gwardya ng gate nang marating ko ang sa amin. I honked my horn twice when he greeted me. Mahaba pa ang daan para makarating sa mansyon pero maliwanag naman dahil sa street lights. Marahan na ang patakbo ko sa aking motor. Ang magkabilang hilera na tinamnan ng bougainvillea ay medyo nawawala na sa ayos. I need to promp the gardener to trim it tomorrow. Muling sumagi sa isip ko ang boyfriend ko. I missed him. Hindi pa ako nakakatanggap ng tawag sa kanya. Puro text lang ng reminders at greetings sa umaga at gabi. Kapag sinusubukan ko nang pahabain ang usapan, nagpapaalam na siya agad dahil masyado raw siyang abala ngayon. I sighed. Am I too dramatic to think that I wanted to share our time together…everyday? Gustung-gusto ko siyang nakakasama palagi. Pero alam kong may responsibilidad din kami pareho. We need to think what’s ahead of us. Our future. Pero…minsan talaga, dinadalawa ako ng pagiging makasarili ko sa kanya. I guess this is how mature relationship works. Maybe, I just need to get use to it. Hindi na ako nag-abalang kumain ng dinner dahil busog na ako sa meryenda naming ice cream kanina. I change my clothes into bikini and went to the pool to have a dip. Nagsuot lang ako ng roba papunta sa likod ng mansyon kung nasaan ang swimming pool. Hinubad ko rin iyon at ipinatong sa lounger nang marating ko ang lugar. I am not expecting him tonight. Kahit na ipinangako niya sa akin noong Lunes na sa akin siya ngayong gabi at sa mga susunod na araw. Unang dampi pa lang ng tubig sa balat ko, gusto ko na agad mag-dive sa mas malalim na parte ng pool. It feels relaxing. It made me feel calm. The soothing warm water of the pool made me forget how anxious I am with my situation now. Sumisid ako sa tubig. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mas lalo kong naramdaman ang bigat sa sarili. Hindi lang sa sitwasyon ko ngayon, pati rin sa naipong pagod ko sa trabaho. “Enjoying?” I heard a familiar voice when I got out of the water. Gusto kong lumingon kung saan nanggaling ang boses pero pinigilan ko ang aking sarili. Halata namang masyado akong excited kung gagawin ko ‘yon. Alam kong may parte sa akin na hindi naman itatangging miss na miss ko na siya. Pero dahil nagtatampo ako sa ilang araw na halos hindi kami nag-usap at nagkita, hindi ko maiwasang isnabin ang presensya niya. My pride is talking now. “You’re alive,” walang kalatuy-latoy na sabi ko at nagpatuloy sa paglangoy. Alam kong nakatingin siya sa akin. Ramdam ko ang mabigat na paninitig niya. I saw in my peripheral vision that he was standing near the gutter. But I didn’t mind him. Narating ko ang kabilang dulo ng pool at balak pang languyin ang sa kabila, kung saan malapit iyon sa kinatatayuan niya. “I was really busy, I’m sorry—“ Hindi ko gustong pakinggan ang mga sinasabi niya kaya sumisid akong muli sa tubig. Gumawa iyon ng ingay. Sinubukan kong hindi umahon agad at pinilit kong marating ang kabilang dulo. Pero hindi pa yata ko nangangalahati sa paglangoy, nakita kong may tumalon sa harapan ko. Napahinto ako sa paglangoy. I startled from the waters because of shock. Hindi naman ganoon kalalim ang pool at marunong naman akong lumangoy pero nataranta ako sa ilalim ng tubig. Then I felt strong hands wrapped around my body. Ramdam kong tumagos ang init ng kanyang balat sa akin. Nang iahon niya ako, magkadikit na ang mga katawan namin. Yakap niya na ako. At hindi na rin ako pumalag dahil mahigpit ang mga yapos niya sa akin. Suddenly, I felt home in his arms. “Baby,” tawag niya sa akin. Nakapaghubad na pala siya ng mga damit niya. Hindi ko man lang namalayan. Siguro ginawa niya lang ‘yon kanina habang nasa ilalim ako ng tubig. Hinawi niya ang ilang buhok na tumatakip sa mukha ko. Inipit niya iyon sa gilid ng aking tainga. Ngumuso ako nang maramdaman ko ang kiliti roon. Tiningala ko siya’t bumundol ang dibdib ko nang maabutan ang kanyang itsura habang nakatitig sa akin. I didn’t know I can fall hard like this to a man. Parang malulusaw ang puso ko nang makita kung gaano kalambing ang ipinupukol na mga titig niya sa akin. Pero siyempre, dahil nagtatampo ako, hindi ko mapigilang hindi aiya pansinin. I pouted and looked away. But he gently held my chin and made me face him. “I’m really sorry. I was too busy at work.” Aniya. Marahang hinawi ko ang kanyang kamay na nakahawak sa baba ko. I was floating in the waters. Siya naman ay mukhang nakatapak sa sahig ng pool. Matangkad kasi siya. He’s 6’1” in height. Kaya ang dalawang braso ko, nakakapit na sa kanyang magkabilang balikat. “Ewan ko sa’yo, Henrick.” Then I gulped. Hindi ko maiwasang lagyan ng pagtatampo ang boses ko. I really missed him. Pero inis na inis din ako sa kanya at the same time. Sa tindi nga ng nararamdaman ko, tumakbo sa isip kong maghamon ng hiwalayan. Pero habang nagtatagal ‘yon sa isip ko, lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. I don’t want to lose him. I love him! Mahirap ang sitwasyon namin ngayon pero mas mahirap kapag nawala siya sa akin! I felt him kissing my shoulder blades. Nagdulot ‘yon ng bola-boltaheng kiliti sa buong sistema ko. Hinapit niya ako lalo sa manipis kong baywang habang ang mga halik niya’y paakyat na sa aking leeg at sa tainga. “I miss you, baby.” Bulong niya sa akin. Humugot ako ng hangin. Hindi ko mapigilang makagawa ng mahinang ungol nang halikan niya ako sa gilid ng aking tainga. I started to feel something…hot. At lalong humigpit ang kapit ko sa kanya nang ulitin niya iyon ng ilang beses. “Let me make up to you.” Muli niyang bulong sakin bago niya sinakop ang mga labi ko ng malalim na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD